Home PEx Relationships Love - Dilemmas

define sustento

What is sustento? Kailan nga ba nag-uumpisa ang sustento ng isang mister? Kailan nagtatapos? Hanggang saan lang ang hangganan? Para kanino lang ang kanyang sustento?

Nung kinasal kami ng asawa ko sa simbahang katolika, isa sa naging aral ng katekista ay tungkol sa pagbibigay ng sahod ni mister sa kanyang mises bilang tagapangalaga ng yaman at taga-budget ng tahanan. Tatlong buwan pa lang kaming kasal ng asawa ko, wala pa kaming anak. Nagtatrabaho siya sa UAE bilang office engr, ako naman nagtatrabaho sa probinsya bilang clerk. Sa aming dalawa, siya ang mas may malaki ang kinikita. Pero hindi namin napapag-usapan ang magiging set up namin pag dating sa pera at pagba-budget. Ang gusto niya tulungan kami pag dating sa gastusin. Pero ang pagkakaintindi ko gusto niya magkanya kanya kami ng gastusin. Pati sa pagse-save ng pera at pag-iinvest for our future gusto niya galing sa kanya kanyang bulsa. Pero gusto niya gawin ko siyang beneficiary ko.

May nakausap akong babae, kasal sila ng mister niya sa simbahan at isa pa lang anak nila. Pareho silang nagtatrabaho pero hindi nagsasama. Yung binibigay sa kanyang sustento ay sakto lang kung magkano ang kelangan ng anak nila. Ang sustento ba ni mister ay para lang sa anak? Paano kung wala silang anak ng asawa niya? Wala ding susustentuhan?

Ganito na ba ang trend sa mga mister ngayon?

May mga nagsasabing huwag na umasa pa sa mister at magtrabaho na lang para sa sarili at para sa anak. Ganito din ba ang gustong sabihin ng mga lalaki nung niyaya nilang magpakasal ang misis nila?

Comments

  • Hindi na uso ang SUSTENTO ng mister. Ang uso ay 50/50 sa ari-arian at yaman. Kalahati ng kita ni mister ay sa iyo. Kalahati ng kita mo ay kay mister.

    Magulo ang siste ninyo. Wala kayong patutunguhan. Kundi ninyo maaayos iyan, mabuti pa maghiwalay na kayo!
  • IronManofSteelIronManofSteel Manok ng Bayan Sexy Dancers PEx Expert 🎖️
    Parang ang labo ata ng setup nyo, mag asawa na kayo pero gusto ng Mister mo na kanya kanya kayo ng savings or gastos.

    Mag asawa na kayo eh dapat tulungan na sa lahat ng bagay at wala ng kanya kanya.

    Di ko lang alam sa iba pero ako gusto kapag kinasal na ako ay isa lang ang savings namin ng magiging misis ko para mamonitor namin ang pagpasok at pag gastos ng pera.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang bottom line, gusto mong bigyan ka ng pera ng mister mo. Hindi ba sapat sa pang-araw araw mong pangangailangan ang kinikita mo? Kung nagtratrabaho ka at kulang ang kita mo, lumipat ka ng pinapasukan. Posibleng kaya ganyan ang posisyon ng mister mo dahil wala naman kayong anak, may trabaho at sariling kita ka naman at may pinaglalaanan sya ng kita nya tulad ng pagbili ng bahay at lupa at pagpondo sa mga magiging anak nyo. Para saan ang sustentong hinahanap mo galing sa kanya?
  • bilang babae nakita ko sa ibang tahanan na babae ang nagbubudget sa bahay. normal nabnagsusustento ang mister. hindi nga po kami nagsasama. kahit nasa pinas siya umuuwi siya sa magulang niya. ako **** nsa bahay ng magulang ko. tas sasabihin niya na "mag-asawa tayo". isa pa, sa mga decision making kanya kanya din. pag my plano siyang gawing negosyo hindi niya pinapaalam sa akin. pag may sasalihan siyang grupo o mga bagong kakilala hindi niya pinapaalam sakin. wala ng point ang marriage di ba?
  • thanks po sa advice. wala pang 1month ngssuggest na din ako ng hiwalayan kasi hindi ko gusto yung set up na gusto niya.
  • yun na nga po. akala ko lahat ng lalaki pag nagyaya ng kasal alam nila ang pinapasok nila, alam nila ang dapat para maging maayos ang marriage. sila ang bubuo ng haligi ng tahanan. gagabay sa kanila ang ilaw ng tahanan.
  • triste3x wrote: »
    bilang babae nakita ko sa ibang tahanan na babae ang nagbubudget sa bahay. normal nabnagsusustento ang mister. hindi nga po kami nagsasama. kahit nasa pinas siya umuuwi siya sa magulang niya. ako **** nsa bahay ng magulang ko. tas sasabihin niya na "mag-asawa tayo". isa pa, sa mga decision making kanya kanya din. pag my plano siyang gawing negosyo hindi niya pinapaalam sa akin. pag may sasalihan siyang grupo o mga bagong kakilala hindi niya pinapaalam sakin. wala ng point ang marriage di ba?

    Kung ganyan ang inyong siste, BAKIT pa kayo nag-asawa?

    WALANG KUWENTA! Maghiwalay na kayo!
  • Kung ganyan ang inyong siste, BAKIT pa kayo nag-asawa?

    WALANG KUWENTA! Maghiwalay na kayo!

    alam niyo naman po, bago pumasok sa simbahan ang daming pangako. pero andito na eh. mahirap mgdesisyon kung to stay or to fight. mahirap magtimbang if it's worthy or not.

    parang nawawalan na ng saysay ang marriage sa padalos dalos na pgdedesisyon ng mga mag-asawa.
  • IronManofSteelIronManofSteel Manok ng Bayan Sexy Dancers PEx Expert 🎖️
    Tama hindi talaga maayos ng setup nyo ng Mister mo. Parang nonsense din na naging mag-asawa pa kayo kung magkakanya kanya rin naman pala. Di rason yung porke't may sarili kang work at wala pa kayong anak eh kanya kanya na tapos gusto nya sya ang beneficiary mo. Ang labo nun
  • pusang_miyawpusang_miyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    triste3x wrote: »
    bilang babae nakita ko sa ibang tahanan na babae ang nagbubudget sa bahay. normal nabnagsusustento ang mister. hindi nga po kami nagsasama. kahit nasa pinas siya umuuwi siya sa magulang niya. ako **** nsa bahay ng magulang ko. tas sasabihin niya na "mag-asawa tayo". isa pa, sa mga decision making kanya kanya din. pag my plano siyang gawing negosyo hindi niya pinapaalam sa akin. pag may sasalihan siyang grupo o mga bagong kakilala hindi niya pinapaalam sakin. wala ng point ang marriage di ba?

    Hindi nyo ba napagusapan ang mga bagay na to bago kayo nagpakasal???? Gano mo na ba katagal kakilala yang asawa mo? Parang wow ha, sa set up nyo nag-asawa pa kayo. Lol
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pinag uusapan yan... and both party should agree kung paano hatian...

    before lahat ng salary ko (except sa allowance ko) binibigay ko kay misis... pero later on... nag bigay lang sya ng amount na ibibigay ko sa kanya...

    napag uusapan yan... hindi ka lang nya pinagkakatiwalaan sa pera nya :lol: saan mo ba napulot yang lalaking yan :glee:
  • pristonpikerpristonpiker PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Art. 194. Support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.
    The education of the person entitled to be supported referred to in the preceding paragraph shall include his schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work.

    *okay*
  • Art. 194. Support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.
    The education of the person entitled to be supported referred to in the preceding paragraph shall include his schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work.

    *okay*

    Sustento ito sa anak, hindi sa asawa.

    [#]IsipPaMore[/#]
  • ano kayo,arranged marriage?? haha..parang d niyo p kilala isat isa ah.kups mode naman yang asawa mo,dapat hiwalayan n nga yan
  • Una sa lahat ano ba ang kahulugan ng pagaasawa? Dahil sa simbahan kayo ikinasal ako'y naniniwala ng kayo ay Kristyano at ito ang sinasabi sa Bibliya sa lumang tipan sa aklat ng Genisis 2:24 na binanggit din naman bagong tipan sa Mga Taga-Efeso 5:31 (Ilan lang ito sa mga verses sa Bibliya, napakarami pang iba)

    Gaya ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito'y, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.” Ito ay isang dakilang hiwaga na aking inihahayag tungkol sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. Kaya't kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang naman ninyo ang inyong asawa."

    Base kasi sa kwento mo, walang pagsasamang nangyayari. Ang mga bagay na ganyan hindi dapat pinapatagal, kailangan nyo magusap, lumapit kayo sa mga ninong at ninang nyo kung kinakailanagan o sa mga magulang nyo at alamin kung ano ba talaga ang problema. Kung sa huli ay hindi maayos ang lahat
    ilapit nyo na sa baranggay, sanay na sila sa mga ganyang sitwasyon, mapapagusapan na din jan ang tungkol sa sustento.

    Sana makatulong..
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi nyo ba napagusapan ang mga bagay na to bago kayo nagpakasal???? Gano mo na ba katagal kakilala yang asawa mo? Parang wow ha, sa set up nyo nag-asawa pa kayo. Lol

    Pakisagot itong tanong na ito please. Gaano kayo katagal ng bf mo bago kayo nagpakasal? Ulangyang setup yan, parang mga batang naglaro lang ng kasal kasalan tapos nung nagdilim na eh kanya kanyang uwian sa kani kanilang bahay.
Sign In or Register to comment.