Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Nasaan na po si amelyn veloso ng cnn philippines??

temptationofwifetemptationofwife PEx Influencer ⭐⭐⭐
17098158_10156072925037715_8166264854102217033_n.jpg?oh=e4ff4ca08f60a01c76173de9dfac6766&oe=59265F92

ASAN NA BA SI AMELYN VELOSO BAKIT NAWALA NA SA CNN PHILIPPINES? AT SI CLAUDINE TRILLO DIN WALA NA SA CNN

Comments

  • temptationofwifetemptationofwife PEx Influencer ⭐⭐⭐
    rest in peace, amelyn veloso , kaya pala nawala maysakit pala
  • steelbardancersteelbardancer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^Oo nga, nagtaka rin ako, pinalitan ng program ni Mitzi Borromeo ang Serbisyo All Access ni Amelyn. God bless your soul, Amelyn. :(

    images?q=tbn:ANd9GcTpOybloz0Wwv1UMUh68Xe2gWCwzqWC5lsZn9UD1ln5EVs3fJ3L847b

    2017-08-24_17:10:19_Amelyn-Veloso-main.jpg
    IMAGE Courtesy: @mi.hermana.ph on Instagram / Amelyn Veloso on Facebook

    Ikinagulat ng maraming netizens ang biglaang pagpanaw ng CNN Philippines anchor na si Amelyn Veloso ngayong Huwebes, August 24.

    Ayon sa mga nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), liver cancer ang dahilan ng maagang pagpanaw ni Amelyn.

    Ilang taon na ang nakararaan, nagkaroon daw ito ng breast cancer ngunit lumipat ito sa kanyang atay.

    Si Amelyn ay 43 taong gulang lamang. Siya ay ipinanganak noong April 25, 1974.

    Una siyang nakilala taong 1999 nang naging anchor siya ng The Big News ng ABC-5.

    Kasunod nito, naging anchor din siya ng ilan pang programa ng ABC-5, na kalaunan ay nagbagong-bihis bilang TV5.

    Kabilang dito ang Sentro, Sapul sa Singko, Aksyon, at Balitaang Tapat.

    Taong 2013, nilisan ni Amelyn ang Channel 5 at lumipat siya sa Solar News (dating RPN9), na ngayon ay kilala na bilang CNN Philippines.

    Ang ilan sa huli niyang programa sa istasyon ay ang Serbisyo All Access at CNN Philippines Newsroom: Morning Edition.


    SYMPATHIES ON SOCIAL MEDIA. Nagluksa rin ngayon ang broadcasting industry sa pagkamatay ng itinuturing na napakabait na news personality sa bansa.

    Sa social media, bumuhos ang pakikiramay sa mga naiwan ni Amelyn mula sa ilang personalidad, kasamahan sa trabaho, at netizens.
  • gilarmikidgilarmikid PEx Rookie ⭐
    Condolences to the family of one of the best and the finest newscasters in the country.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file