Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Nagpapalibre ka? o nanglilibre ka? alin ka sa dalawa?

art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
Sa hirap ng pera para kumita ngayon..alin ka sa dalawa palagi? nagpapalibre ka o naghahanap ng maglilibre o ikaw ang nang-li-LIBRE..Ano pakiramdam mo kung nakiki RIDE -ON ka? at ano naman ang palagay mo sa mga inili-LIBREmo?:rolleyes:

Comments

  • katze_schmusekatze_schmuse PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nanlilibre lang ako sa mga close ko siyempre.wala akong iniisip kundi mapasaya ang mga nililibre ko.I normally foot the bill basta may pera ko.nahihiya kasi ko magpalibre.
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nanlilibre lang ako sa mga close ko siyempre.wala akong iniisip kundi mapasaya ang mga nililibre ko.I normally foot the bill basta may pera ko.nahihiya kasi ko magpalibre.


    Pareho tayo ! ako madalas manglibre dahil gusto ko silang makisama at makasama sa lakaran o gud taym man..sa totoo lang wala akong iniisip na kung ano-ano kapag nanglilibre ako sa kanila..

    Pero kapag ako ang inililibre parang nahihiya ako lalo na at yung ibinibigay na yung chit o bills at nakita kong malaki ang aming bills kaya siguro napupuna nila na kapag sa inuman? medyo alalay lang ako..dahil nga mahirap din iyon sa magbabayad..pero sa akin hindi sumasagi sa isipan ko na sinasamantala nila ako..alam ko naman kong nananamantala ang tao sa hindi..:naughty: Bukal so loob ko ang manglibre..Ayos lang!
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi masasabing gud taym kung nagiisa ka sa lakaran kaya..nangiimbita ako ng makakasama..lalo na dito sa Pinas ang palaging kasabihan..."KUNG SINO NAGYAYA SIYANG TAYA!" kaya hindi masasabing inilibre mo sila kasi nga sa kasabihang ganon..:rotflmao:

    Kaya hindi mo mapagiisipang namamantala ang niyaya mo..saka ang madalas kong ilibre ay *** kaibigan na mahirap magselebreyt ng kanyang bertdey dahil nga sa kakulangan ng pinansiyal..yun ang inililibre ko at nakikita ko ang kanilang tuwa..;)
  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Based on my personal experience sa lahat ng mga naka dates ko... Ang sobrang nag enjoy ako yung from benilde at yung doctor.. ayaw ng girl from benilde na ilibre ko sya nung nag dinner kami at nanood ng sine pero sabi ko ako na bahala pero gusto sana nya mag share sya pero sabi ko ayos lang ako na bahala.. Yung doctor naman.. Very kind.. Hindi din sya nagpapalibre at nung nag coffee shop kami sya pa ang kumuha ng inorder namin sa counter, nakakahiya..naka uniform pa sya nun all white.. Grabe sweet namin sa isat isa ng doctor na yun... And the rest ng mga naka dates ko ang gusto lahat gastos ko eh... Walang thrill yung mga ibang naka dates ko.. Boring at hindi ko feel.. Mas nag enjoy ako sa isang Benildean at sa isang Doctor at hanggang ngayon ka text ko pa silang dalawa.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung talagang nanlilibre kayo, sino na sa mga PEXers ang nilibre nyo? Maniwala ako. :lol:
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung maglilibre ako ng pexers mas gugustuhin ko ang isang babae..kasi kung lalake baka kung anupa ang isipin nila..

    Ang problema maraming pexers ang talagang hindi mo mahuhulaan ang kanilang kasarian..puwera na lang yung iba nangumpisal na..at pinagsawaan na ng kanilang dyowa.:naughty:
  • littlegurllittlegurl PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nanlilibre. May nilibre na akong pexers :glee: Next time jamo pakita ka na.

    Pero ayos din pag ikaw naman nililibre. [#]OorderinKoLahat[/#]
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    Wala ako sa dalawa. Pareho lang tayo nagtatarabaho.

    Sa mga business lunch, I normally treat my clients 1-2 in a week ok lang kasi I can re-imburse it naman pero minsan yung client ang nag ooffer magbayad ng bill but I have to ensure that he can also re-imburse it back to his company. Otherwise, I pay the bill. There's this one client na sobrang happy sa result ng project namin and while we're having lunch, he really insisted to pay out of his pocket, wala nako magawa pag pinilit ako :glee:

    Hindi ko talaga ugali manlibre. Kahit sa mga handaan, I always buy something to contribute like liquor, pies, drinks etc...
  • Minsan ako ang linilibre. Minsan ako ang nanlilibre. Depende kung sino ang kasama ko.
  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ..................................................
  • SAMSAYSAMSAY PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nanlilibre lang ako sa mga close ko siyempre.wala akong iniisip kundi mapasaya ang mga nililibre ko.I normally foot the bill basta may pera ko.nahihiya kasi ko magpalibre.

    Friend libre mo ko :lol:

    Parehas. Pero mas madalas ako mang libre. Noong akoy nag aaral. Classmate: samsay may piso ka. Samsay may dos ka. Yun. Tapos minsan yung tipong ako lang kakain. Yung kasama mo walang kinakain. Talagang nililibre ko. Nagpapalibre ako dun sa mga close friend ko lang.. kung saan kaya ko kapalan muka at hindi sila maooffend.

    Wala akong palagay sa mga nililibre ko. Mga kaibigan ko naman sila. Isa pa minsanan lang ako manlibre hindi naman palagi kaya okay lang.

    [#]BaryaLangNamanYan[/#]
  • hermeowninihermeownini PEx Influencer ⭐⭐⭐
    If it's with non family members, I'm a wallflower and may sariling mundo so parang mapapel ang arrive pag nag-volunteer akong manlibre or kapag nagpalibre ako. Di natural sa ken. Too much effort :lol: I don't refuse naman to be polite. I've experienced na getting refused and I find it rude honestly. For comic relief I'd say things that I don't mean like o paburdger ka naman, palibre naman, and if the person doesnt get that it's a joke and they actually do it, paktay :lol:
  • If family member, I always pay for it. Being the big brother, it breaks my heart if they pay or even share.

    Among friends, you pay your own bill. No freeloading allowed.

    But, I hate it when someone pays for me. It's so much pressure feeling obligated. You feel like their b1tch. HAHAHAHAHA! :lol:
  • EgozumEgozum PEx Influencer ⭐⭐⭐
    OT:May Taong NANLIBRE sa akin pagkatapos niya akong ILIBRE sabi niya Balang ARAW ILILIBRE mo din ako HA?


    Opinyon PLEASE...
  • katze_schmusekatze_schmuse PEx Influencer ⭐⭐⭐
    SAMSAY wrote: »
    Friend libre mo ko :lol:

    Parehas. Pero mas madalas ako mang libre. Noong akoy nag aaral. Classmate: samsay may piso ka. Samsay may dos ka. Yun. Tapos minsan yung tipong ako lang kakain. Yung kasama mo walang kinakain. Talagang nililibre ko. Nagpapalibre ako dun sa mga close friend ko lang.. kung saan kaya ko kapalan muka at hindi sila maooffend.

    Wala akong palagay sa mga nililibre ko. Mga kaibigan ko naman sila. Isa pa minsanan lang ako manlibre hindi naman palagi kaya okay lang.

    [#]BaryaLangNamanYan[/#]
    Frenny im just a pm away:lol:
    Basta para di masama loob ako nalang..pag nakakaluwag luwag.pag hindi wag na.naglambing lang ako minsan sa long lost friend ko, libre moko sa starbaks kako..pero di ko naman talaga nagpalibre haha.
    Nung nagdatr kami ni Mabuhey siya nanlibre.she insisted so okay mas marami naman siyang pera sakin:rotfl:
    Egozum wrote: »
    OT:May Taong NANLIBRE sa akin pagkatapos niya akong ILIBRE sabi niya Balang ARAW ILILIBRE mo din ako HA?


    Opinyon PLEASE...

    Either biro or ito iyong tipo ng mahilig sa utang na loob..o di ilibre mo next time.
  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang tunay na lalake ay nanlillibre ng walang kapalit. And importante sa bonding ay enjoyment. Hindi katulad ng ibang mga tao dito. Nanlilibre pero gusto may kapalit. For example. "Ililibre kita ngayon pero next time ikaw ang manlibre sa akin ha? "Ako na maglilibre sayo nyan pero ikaw na sa isa" Sa sobrang dami kong nilibre around BGC. wala nga silang ginastos ni piso. Ang mahalaga ay makita mong nag eenjoy o masaya ang kasama mo. Yun ang tunay na kaibigan. Pero ang nililibre ko lang mga chix eh. Kapag mga male friends ko kanya kanyang bayad...

    Ang istilo ni panis na puto sa babae ay, kiss $ex at break. Ako naman, ligaw, rose at cake. Yan ang tunay na lalake. Wag tuluran si panis na puto.
Sign In or Register to comment.