Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Nai-insecure ba kayo kapag may nakatabi kayong mas maga

FrigidFrigid PEx Rookie ⭐
Nai-insecure ba kayo kapag may nakatabi kayong mas maganda o mas pogi o mas matangkad kaysa sa inyo. Halimbawa sa jeep o sa bus o sa restaurant, parang napapatungo na lang kayo pababa o napapatahimik na lang kayo kasi nai-insecure kayo na mas maganda silang tingnan kaysa sa inyo?

Lalo na kapag nangibang bansa kayo halimbawa sa Amerika o sa Europe maraming magaganda at mapopogi doon, kapag napatabi sila sa inyo, nai-insecure ba kayo na parang lumiliit ang mundo ninyo?

Comments

  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Be yourself. Enjoy with what you have. If you compare yourself with other people is like you're insulting yourself. Ipakita mo na lang na angat ka sa ibang larangan. Yun kaya sabi ng dad ko nung PMA cadet siya kahit hindi tao ang turing sa mga PMA cadets dati at sa mga upper class men na bumugbog sa dad ko, sinabi nya sa sarili nya na balang araw mas hihigitan nya sila. Edi yung tatlong upper class men na yun hindi naging Heneral at siya naging Heneral.
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    Puro tungkol sa self esteem yata ang topic ngayon sa BP :glee:

    As for the question, unless artista yung tao, no I don't get insecure. Physical characteristics are something that I or anybody can achieve. Exercising and keeping your body lean or by visiting Belo regularly can improve anybody's physical attributes.

    Wala lang talaga akong time :glee:
  • SAMSAYSAMSAY PEx Influencer ⭐⭐⭐
    OA. Ts baka may sakit ka na. Magpa suri ka na sa spesyalista.

    Sa ngayon magkulong ka na lang muna sa kwarto mo para hindi ka ma insecure.

    [#]BakaPatiSaIpisMaIsekyurKa[/#]
  • Honestly, hindi. Naa-amaze ako pag nakakatabi akong maganda. :)
  • BeerhandBopBeerhandBop PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kung ang lalake may nakatabing pogi. theyd just go, LoL!


    pag nakatabi is maganda... syempre maninilip.

    yan ang asal ng tunay na lalake
  • hermeowninihermeownini PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hinde. It's very rare. If I find someone pretty or hot I tell them directly. First time this happened to an extreme length was recently. I have a coworker na Latina na sobrang hot, like Ariana Grande, as in nung umpisa I would get nervous and my neck would feel stiff and hot when she's talking to me at hindi ako makatingin sa kanya. So I told her straight up she makes my heart pound talaga lol. I also told her pa na parang inaakit nya ko pag nagsasalita siya at baket ang hot niya kahet ano ayos niya. She looks very intimidating. Im super starstruck as in lollll. I sound like a lesbo but Im not. Tapos binibiro ko pa siya na kandungin ko siya at holding hands pa kame at fina flying kiss ko pa siya at kapag dress down day ang seksi ng suot niya so fini flirt ko siya ng pabiro. Pabiro ko lang naman ginagawa. I won't do anything that will cross the
    professional boundaries. She's such a sport di siya napipikon :lol: : Sanay na ko sa kanya ngayon so hindi na ko naiintimdate... Magkatrabaho din kame ni papalishes at selos na selos siya.. :lol:

    I don't really find anyone a competition. I'm kinda panget anyways. Noon nung di pa ko sure sa sarili ko, ginagaya ko yung ayos ng ex ng mga ex ko. Sila lang talaga kinainsecuran ko ng bonggang bongga. Medyo natatawa na lang ako ngayon cause tumaas na standards ko at nacha-chakahan na ko sa kanila...
  • JagonJagon PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pag may nakatabi akong pogi, ang unang hinihintay ko e magsalita siya o kumilos siya, para malaman ko kung tama ako na bading nga siya.

    pag may kasama akong friends, magkikindatan na kami niyan pag tamang hinala nga.

    pag maganda ang katabi ko, sinusuplado ko, pero pag hindi nakatingin, tinititigan ko, tapos papahuli ako na nakatitig sabay tingin sa kawalan.

    usually, ngumingiti sila. :glee:
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    I don't really find anyone a competition. I'm kinda panget anyways. Noon nung di pa ko sure sa sarili ko, ginagaya ko yung ayos ng ex ng mga ex ko. Sila lang talaga kinainsecuran ko ng bonggang bongga. Medyo natatawa na lang ako ngayon cause tumaas na standards ko at nacha-chakahan na ko sa kanila...

    Hindi maiiwasan ang competition but not to the point na mag aagawan kayo sa iisang tao .

    Nung college ako, sa 5 na barkada ko, 3 are considered na may hitsura. Yung isa, suki ng pageant shows like Mr. University, yung isa model na ng isang healthcare company ad, while yung isa ay lumabas na sa ilang mga TV commercials at yung mga post niya sa FB, parang gusto talaga mag artista. Nahihirapan ako makisabay sa lifestyle nila noon! Lahat sila may cellphones na, kaya ako nangutang pa para lang bumili ng cellpone lol! Common denominator namin, kahit maporma, pare pareho kaming broke at nagmemerienda ng hopia ng patago lol!

    Pag nagba bar kami, ako palagi ang under pressure kasi in a matter of minutes may mga kahalikan nang chicks ang mga yun. Hindi naman ako nagpapatalo kasi may mga chicks na nadadaan sa wit lol!

    Those were the days, I had real fun. Very genuine silang kaibigan and very successful na din sa kani kanilang career ngayon. Nagkikita kita kami pag umuuwi ako ng Pinas although missing in action palagi yung isa.

    Wag ma-intimidate or ma-insecure sa mga magaganda at pogi. I recommend, sila ang dapat ang kinakaibigan mo. These people are usually yung mataas ang self esteem and they can help you boosting yours if you have low self esteem.
  • Iyong insecurity sa sarili ay bunga ng hilaw na pag-iisip. Kapag umabot ka na ng edad ko nagpapasalamat ka na lamang na ika'y buhay pa, malusog at kumakain sa araw-araw.

    Iyong vanity ay mawawala na sa iyong pag-iisip dahil WALANG KUWENTA iyan. Hindi mahalaga ang panlabas ng anyo kundi ang kalooban ng tao!

    [#]SentidoKumon[/#]
  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I'm straight not bi or [email protected] But i admire even guys who have cute eyes, nice smile and very attractive... when i see people who are very successful, i idolize them at pinagmamalaki ko pa. hindi ako yung tao na pilit ko silang babain... yung mga taong mahirap or middle class ang iba sa kanila ay galit sa mayaman. inaano ba kayo ng mayaman? eh nagsumikap lang naman yung mga yan kaya nila yun narating. bakit ang mga commuters galit sa mga taong may sasakyan at inggit? kung nagawa nila yun. eh bakit hindi nyo kaya gawin? nasa inyo ang mali tapos ang sisihin nyo ay gobyerno. Ang trabaho ng gobyerno ay makatulong at mapaunlad at mag increase ng job hiring para madami magkatrabaho. ano gusto nyo pati gobyerno susubuan pa kayo ng pagkain?
  • Nai-insecure ba kayo kapag may nakatabi kayong mas maganda

    Are you a girl? If yes, what's your vital statistics? Bust/waist/hip measurements? How much do you weigh and how tall are you?

    How many bfs have you had?

    Not to intrude in your privacy, but I'm currently single, how about you?
  • hermeowninihermeownini PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kent_21O wrote: »
    Hindi maiiwasan ang competition but not to the point na mag aagawan kayo sa iisang tao .

    Nung college ako, sa 5 na barkada ko, 3 are considered na may hitsura. Yung isa, suki ng pageant shows like Mr. University, yung isa model na ng isang healthcare company ad, while yung isa ay lumabas na sa ilang mga TV commercials at yung mga post niya sa FB, parang gusto talaga mag artista. Nahihirapan ako makisabay sa lifestyle nila noon! Lahat sila may cellphones na, kaya ako nangutang pa para lang bumili ng cellpone lol! Common denominator namin, kahit maporma, pare pareho kaming broke at nagmemerienda ng hopia ng patago lol!

    Pag nagba bar kami, ako palagi ang under pressure kasi in a matter of minutes may mga kahalikan nang chicks ang mga yun. Hindi naman ako nagpapatalo kasi may mga chicks na nadadaan sa wit lol!

    Those were the days, I had real fun. Very genuine silang kaibigan and very successful na din sa kani kanilang career ngayon. Nagkikita kita kami pag umuuwi ako ng Pinas although missing in action palagi yung isa.

    Wag ma-intimidate or ma-insecure sa mga magaganda at pogi. I recommend, sila ang dapat ang kinakaibigan mo. These people are usually yung mataas ang self esteem and they can help you boosting yours if you have low self esteem.

    :rotflmao:

    Swabe ka, men... :blowsmoke:


    Lapitin ako ng mga magaganda at mayayaman na girls NA MAY SAYAD. As in after 1 week BFF na nila ko. Yung tipong may personality problem at ginagamit nila ko to feel better about themself. Usually their closest friends are all uglier/poorer than them or they're guys or their cousin/relative who can put up with their shiyet. They're full of insecurities so they're allergic to girls na masasapawan sila and I'm funny and I'm no threat to them so kinakaibigan nila ko.

    This is my constant life pattern from elementary school until now na trenta na ko. I don't even realize it until it's too late. Beautiful damaged girls are drawn to me. Every one of them is just like a personification of the first girl na ginamet lang ako to feel good about herself noong Grade 2 ako.

    It's not worth it! Very toxic yung mga ganyang tao. They will drain you emotionally and mentally. They're typically sensitive, madami arte sa balat, and you have to walk on tippy toes to not hurt their feelings. They will control you and make you do things for them. From matchy matchy clothes to banning you from talking to certain people that she dislikes for her selfish reasons... In the eyes of people BFF kayo pero sa totoo lang it's like a client-caregiver relationship. They constantly need validation and attention. Neurotic na maganda. Kaka haggard ever!
  • JagonJagon PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Are you a girl? If yes, what's your vital statistics? Bust/waist/hip measurements? How much do you weigh and how tall are you?

    How many bfs have you had?

    Not to intrude in your privacy, but I'm currently single, how about you?
    ayos!

    kaso sa pinas ata di uubra yan
  • ayos!

    kaso sa pinas ata di uubra yan

    HAHAHAHAHAHA!! :lol:

    I was just trying to cheer her up. She sounds depressed. :D
  • JagonJagon PEx Influencer ⭐⭐⭐
    HAHAHAHAHAHA!! :lol:

    I was just trying to cheer her up. She sounds depressed. :D

    :)

    which tells a lot about what kind of pinoys we are today.

    not saying that it's something negative, in fact it may be something unique and would give us edge abroad.
  • SAMSAYSAMSAY PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dapat maging masaya ka na hindi ka maga.

    Alam mo pag naging maga ka... konting kibot mo mas kapansin pansin at kapuna puna. Mas nakaka dipres yun. di gaya kung hindi ka biniyayaan. Walang expectation tao sayo. Isa ka lang anino sa paningin nila.

    [#]MasMagandaPanget[/#]
  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi naman sa pagmamayabang. Hindi naman kami sobrang yaman pero hindi din naman kami mahirap. Heneral din naman ang dad ko. Syempre may iiwanan din yan sa amin na pedeng manahin... Just like Duterte said, lumaki din daw sila na may kaya dahil ang dad nya ay dating Governor at may iniwan na sa kanilang pedeng manahin.
  • katze_schmusekatze_schmuse PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi talaga ko maiinsecure sa MAGA, masakit kaya yon.isipin mo MAGA e.paa ba ang MAGA o Mukha?:rotfl:

    Kidding aside, naiinlab ako sa mga pogi at magaganda.ay wow, paghanga..that's it.di ako naiinsecure sa di ko kalevel, charaught.in short, lumugar.may ganda naman ako e kahit kakarampot:rotfl:
  • LesLes PEx Veteran ⭐⭐
    Why would you even feel insecure because someone looks better than you? Dunno about women but IMHO I don't think it's typical in men. Well, women do check out each other more frequently than they do men, and I do know they do it to compare themselves. Sometimes it can be blatant though. Sometime ago a good friend complained that she given a look from head to foot by a pair of girls when she entered a hotel restaurant ahead of me. I told her that she just got "checked out" because she was beautiful (which is true), though she retorted that she was just wearing jeans and a loose jacket. I reassured her that "na-insecure lang sila sa beauty mo" and we had a laugh because they weren't even good-looking and were wearing skimpy clothing that made us wonder if they were hookers who picked-up "clients" in the hotel. :p
Sign In or Register to comment.