COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Etika: Mga Suliraning Moral

reshiramreshiram Baliw Pero Meron. PEx Influencer ⭐⭐⭐
Hi guys. So I'm taking my last Philosophy course in Ateneo and its course title is Foundation of Moral Values. Technically, it's Moral Philosophy or simply Ethics. I will share some of the case studies and or situations we discuss and analyze in class and I want you to share your opinion about it.

Don't get me wrong. Hindi po ako nagpapatulong sa assignment. Haha. I want to know the perspective of those who don't have philosophy background. Kumbaga, gusto kong malaman mga simpleng pananaw niyo pero siyempre dapat may rason at pinagbabasehan/pinaghuhugutan. I would however appreciate it if you could cite some philosophers or philosophical thoughts. :) I would of course contribute to the discussion with my own answer/insights. You are also welcome to pose your questions here as long as it's related to Ethics or any of the posts. :)

Let the discussions begin!

Comments

  • reshiramreshiram Baliw Pero Meron. PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mula sa isang dating estudyante ng aking propesor:

    Humigit kumulang na dalawang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay ang aking mga magulang dahil nagkaroon ng relasyon ang aking ina at ang ninong ko sa kumpil. Nawasak ang buhay naming mag-aama sa pangyayaring ito. Hindi namin alam kung ano ang gagawin.

    Sinubukan ng aking ama na magkabalikan sila; subalit walang nangyari sa kabila ng kanyang pagmamakaawa. Ayon sa aking ina, nagsawa na raw siya sa pagkawalang-panahon ng aking ama para sa kanya. Palagi na lang daw nagtatrabaho para sa salapi ang aking ama.

    Pagkalipas ng ilang buwan, nalaman ko na lamang na nagkaroon na rin ng ibang babae ang aking ama mula sa isang night club. Ipinaliwanag niya ito bilang kanyang karapatan at pangangailangan ng makakasama. Naging madalang ang kanyang pag-uwi dahil ibinili niya ng condo ang babae at doon na siya madalas naninirahan.
    Lumipat na rin ako sa isang apartment na malapit dito sa Katipunan dahil sa katunayan, naguguluhan ako sa aming bahay. Dinadalaw ako ng aking ina, kasama ang aking ninong, kada-buwan. Nakatira na sila ngayon sa ibang bayan.

    Kung kasangkot ang suliraning moral sa pagpili, sino sa mga magulang ang pipiliin ng estudyante? Tama bang umalis mula sa sarili nilang bahay ang estudyante? may suliraning moral nga ba?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file