Home PEx Relationships Love - Dilemmas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Confession.. D ko alam kung pano ko aaminin ang lihim ko.. please HELP!

Kelan ko kaya masasabi? Kelan ko ba maaamin ang lihim na matagal ko ng tinatago? Pano ko sasabihin sa kanya ang pangyayari sa nakaraan na lubos ko ng pinagsisisihan sa kalukuyan?

14 years old lang ako nun ng maging bf ko sya, after more or less than 6 months nabuntis nya ko, which is pinanindigan nya kaya naman kami pa rin till now, going 10 years na ang relationship namin and we're leaving together since 2nd year college ako. 8 years old na rin yung anak namin though dun sya nakatira sa parents ni bf kase we are both working, actually si bf nagback to school sya ngayon as a 1st year college criminology student kase matagal na nyang gusto yun and I support him all the way, ako talaga yung nagproprovide for the family even before kase hindi stable lagi yung work nya.. Ok I just gave that as a background pero this topic is not really about that...

I have a confession, pero d ko alam kung pano ko sasabihin sa bf ko (asawa actually kahit di pa kame legally married).. way back year 2012 I was on 2nd or 3rd year college, nakarelasyon ko yung isang barkada nya, and yes! may nangyari samen many times! and pag nagkakasama kame sa mga inuman or occassions we act normal as if walang something samen, it lasted a year bago nag end yung relasyon na yun... alam ko nun na naghihinala sya at one time nahuli nya kong may kausap sa phone at tumatawa habang ngsasabi ng I love you, we had a fight pero hindi ako umamin at gumawa ng ibang kwento, naging ok kame after that pero every now and then nabribring out yung about dun at tinatanong nya pa rin ako kung sino talaga yung kausap ko nun sa phone dahil di sya 100% naniniwala na hindi nya kilala yung guy na kausap ko, actually pabiro nya laging sinasabi na si "(name nung guy" yun noh? Which is totoo, gusto ko na lang isipin na sana alam na nya talaga yung totoo at hinihintay nya lang akong umamin...

Ngayong mas matured na ko.. sobrang gusto ko ng aminin sa kanya dahil gusto kong magsama kame ng walang nililihim sa isa't isa.. naging sobrang loyal nya saken at kahit pa eversince ako yung nagproprovide para sa family namin hindi nya pa rin deserve na lokohin.. alam kong sobrang mahal nya ako at ako din naman, kaya nga gusto ko ng sanang sabihin sa kanya dahil gusto ko na ng wala kaming tinatago sa isa't isa.. kaso di ko alam kung pano at kung tama na ba ang panahon, malapit lang kase dun sa tinitarahan namin yung bahay ng guy although d naman na umuuwi dun yung guy kase sa barko yung trabaho nya kaya once every 2 years na lang namin sya nakikita, gusto ko sanang aminin kay bf ang lahat kapag nakalipat na kame dun sa kinukuha naming bahay sa cavite para kahit pano malayo na kame dun sa mga taong nakakasalamuha namin ngayon, para na rin iwas chismis, kaso ngayon nga na nag aral ulit sya baka matagalan pa bago kame makalipat sa cavite, pero ayoko ng itago pa to ng ganun katagal.. gusto ko ng maging malaya dito sa lihim na to.. ang worry ko kase ay baka pag nagkita sila ulit nung guy ay mag away sila at syempre malalaman ng ibang tao ang nangyari at machichismis lang kame, kaya gusto ko na malayo muna kame dun sa lugar na yun bago ko sabihin sa kanya.

Alam ko namang dalawa lang ang pupuntahan nito once na malaman na nya, its either makikipaghiwalay sya o papatawarin nya ko, anuman sa dalawa ay kayang tanggapin dahil kasalanan ko naman talaga... pero sana mapatawad nya ko at mahalin pa rin... gusto kong mabura sa buhay namin ang pangyayaring yon.. kung maibabalik ko lang ang panahon sana hindi ko na ginawa yun.. bata man ako non, immature at hindi nag iisip maigi bago magdesisyon hindi ko pa rin dapat ginawa yun.. hindi sana ko nagpadala sa kung anuman, hindi sana ko nagsisisi at namromroblema.. kaso wala nagawa ko na eh.. nangyari na! ang magagawa ko na lang ngayon ay umamin at umasang sana mapatawad nya ko at patuloy pa ring mahalin...

Help me pleaseeee.. pano ko ba sasabihin?? tama na ba ang panahon?? :(
«1

Comments

  • Walang tamang panahon. Kung na-g-guilty ka pala, sabihin mo. At malamang, maghihiwalay kayo at machichismis. Kasalanan mo yan. Tanggapin mo. Kung kaya mo labanan ang guilt, wag kang aamin.

    Low chance kasi na pipiliin ka pa rin niya fully. Kasi kahit piliin ka niya, cheater ka na sa mata niya. Hindi ako naniniwalang nababalik ang trust sa relationship eh. You just choose each other everyday para walang bumitiw. Pero that's the best scenario na, rare occurence.

    Kahit na sabihin pa nating bata ka pa nun at immature, you still cheated. No sugarcoating.
  • Thanks sa advice. Alam ko naman na kasalanan ko tlaga.. di ko lang alam kung ready na ba ko sa consequences ng kasalanan ko.. super late na para iconsider ko ang anak namin dahil nagawa na.. gusto kong umisip ng way na masasabi ko sa kanya na hindi maapektuhan ng opinyon ng ibang tao yung magiging desisyon namin.. dahil mas malayong magka ayos kame kapag may mga chismosang nakikisali..
  • true_orangetrue_orange PEx Veteran ⭐⭐
    Hindi lahat ng lihim kailangan iconfess. Ang importante hindi mo na uli gagawin yun. Magsabi man yun friend niya na may nangyari sa inyo dati, huwag kang aamin. Unless handa ka sa possible outcome.

    Bata ka pa, ibaon mo na sa limot yun. Darating ang time, parang isang panaginip na lang yan.
  • Hindi lahat ng lihim kailangan iconfess. Ang importante hindi mo na uli gagawin yun. Magsabi man yun friend niya na may nangyari sa inyo dati, huwag kang aamin. Unless handa ka sa possible outcome.

    Bata ka pa, ibaon mo na sa limot yun. Darating ang time, parang isang panaginip na lang yan.

    Mas mainam umamin ka maski masaklap ang magiging resulta. Kasi kung hindi, SUSUNUGIN ka ng iyong KONSYENSYA habang panahon pati sa impyerno!

    Wika nga: palalayain ka ng katotohanan!
  • true_orangetrue_orange PEx Veteran ⭐⭐
    Mas mainam umamin ka maski masaklap ang magiging resulta. Kasi kung hindi, SUSUNUGIN ka ng iyong KONSYENSYA habang panahon pati sa impyerno!

    Wika nga: palalayain ka ng katotohanan!
    Nag-enjoy naman siya dati, hayaan mo na dalhin niya yun for all eternity.

    But seriously, kung ang kapalit ng gaan ng konsensiya mo ay mababagabag naman ang husband mo at pati siya pagbubuhatin mo ng bigat ng dinadala mo, eh di solohin mo na lang. Suffer na lang in silence, tutal kasalanan mo naman, naging weak ka.

    Isa pa. What if hindi kayanin ng asawa mo? Eh di pati anak mo, naapektuhan.

    Pero kung gusto mo talaga ishare sa kanila bigat ng konsensiya mo. Go ahead. Ngayon, ikaw lang ang affected, kinakain ng guilt, pag sinabi mo yan, magiging magaan na loob mo, sila naman ang mabuburyo kakaisip kung tama bang pinatawad ka nila o hindi.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi lahat ng lihim kailangan iconfess. Ang importante hindi mo na uli gagawin yun. Magsabi man yun friend niya na may nangyari sa inyo dati, huwag kang aamin. Unless handa ka sa possible outcome.

    Bata ka pa, ibaon mo na sa limot yun. Darating ang time, parang isang panaginip na lang yan.
    Nag-enjoy naman siya dati, hayaan mo na dalhin niya yun for all eternity.

    hi true orange.. cras na kita ... :naughty3:
  • amicivanceamicivance PEx Veteran ⭐⭐
    1st point before I give you advice: hindi mo siya asawa, hindi pa kayo kasal... at sa ngayon yata, di rin kayo nagsasama, tama ba?

    Pangalawa: ang tamang panahon ay ngayon, hindi bukas, hnd noon... ngayon as in NOW na!!! ang umamin ang tamang gawin... wag mo hintayin na sa guy na yon pa manggaling. At kung mangyari man iyon, umamin ka pa rin. bat dadagdagan mo pa ang kasalanan mo ng pagsisinungaling? Eh araw-araw mong dala-dala yan at apektado rin ang mga tao sa paligid mo... hnd ka po magiging malaya.

    Pangatlo: Contrary sa payo ng nasa taas, walang mali sa pagpapatawad. If yun yung choice nila. Pero as you said naman, whatever the outcome handa kang tanggapin. What is important is, wala kang tinatago.

    Fourth: Bago ka umamin, patawarin mo muna ang sarili mo. Yes, you need to forgive yourself bago ka humingi ng tawad sa iba. Mas mahirap ito kesa magpatawad sa nakasakit sa iyo. Gayunpaman ito ay magbibigay ng kapayapaan sa iyong kalooban bago ka pa umain at lakas ng loob para umamin ka.

    Pang-lima: Huwag mo ng uulitin... :)

    Hope it helps!
  • tingin ko, alam mo naman ang kailangang gawin.

    in denial ka lang na maaapektuhan ang desisyon nya sa mga maririnig nya sa mga tao, kaya gusto mong makaalis muna kayo dyan. Pero ang totoo, alam mong kahit walang ibang makisawsaw, hindi ka na confident kung tatanggapin ka pa rin nya after mong umamin.

    yung fact na nakipagrelasyon ka sa ibang lalaki, at barkada pa nya is one thing. pero pag nalaman pa nya na may nangyare sa inyo ng maraming beses is another thing. masakit emotionally at sa pride ng lalaki. well, kahit naman sa ating mga babae. walang ibang way kundi sabihin mo na lang sa kanya ng straighforward. tell all kana. worst case scenario is kahit mahal na mahal ka nya, puwedeng hindi sya maka cope up sa pain at iwan ka nya, edi take the circumstances na lang. win him back. trust your instincts teh, kung gusto mo talagang sabihin, go. be ready na lang. pero kung if you're having second thoughts, kasi maraming kang kinoconsider, then deal with your conscience.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    napanood siguro ni TS sa news yun nangyare sa SM Dasma recently... :glee: :lol:
  • Tourjack10Tourjack10 PEx Rookie ⭐
    Wag ka aamin. Hayaan mo nalang yung current situation nyo ngayon na magpatuloy. Tsaka una mo isipin anak mo, willing ka bang magkaroon sya ng broken family?


    Pero bago ang lahat, bigyan mo nga kami ng background kung paano nagsimula ang relasyon nyo ni kumpare
  • J05J05 PEx Veteran ⭐⭐
    natamad akong magbasa
  • J05J05 PEx Veteran ⭐⭐
    Went back and make quick read - well may point naman si true orange ibaon sa limot.

    Di rin kita mahusgahan at akoy isang tao lamang (galing)

    Move on.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung aaminin mo sa tatay ng anak mo na kabarkada nya yung isang taong nagpakasasa sa iyo, huwag ka nang umasang maging kayo pa. Maari pa sigurong 'maayos' ang maging buhay nyo kung ibang tao yan, hindi nya kilala, pero hindi. Kakilala na, kabarkada pa. Narinig mo na naman siguro ang phrase na "Bros before hoes".

    Nagui-guilty ka? Ikumpisal mo at gawin mo yung parusang ipapataw sa iyo nung pari.

    ----
    Kung ako sa iyo, tantyahin/alamin mo din kung ipinagkalat ba nung kabarkada nya na natikman ka nya. Kung ipinagsabi ng **** yung nangyari sa inyo, no choice ka kundi aminin sa 'tatay' ng anak mo yung nangyari and suck it up kung ano man ang magiging reaction nya.
  • Spill the beans. Remember tropa nya ang involved and there is a big chance na malaman nang BF mo ang history mo thru your (his tropa) former lover.
  • IronManofSteelIronManofSteel Manok ng Bayan Sexy Dancers PEx Expert 🎖️
    Toss coin mo na lang kung forever mo ililihim or Sabihin kasi kay Kumpare ka pala nagpadale eh, Pero parehong masakit din para dun sa BF mo kung sayo or dun mismo sa barkada nya malalaman so toss coin mo na lang kung di ka talaga makapag decide.

    Kawawa dyan yung BF mo, kung ako yung bf mo ay hihiwalayan kita.

    Kasi sa aming mga lakaki eh kapag ang Girl ang nag cheat sobrang nakakababa ng pagkalalaki nun ang masakit si Kumpare pa tapos may anak na kayo nung nag cheat ka.

    Pero kung mas mahal ng BF mo ang anak nyo kaysa sa pride nya as a Guy, malamang papatawarin ka nya for the sake of "Family". Tama din kasi yung iba dito kahit sabihin pa na sobrang mahal ka ng guy, ang tanong kakayanin ba nya yung revelation mo? kakayanin ba nya yung sakit ng kalooban na mararamdaman nya?
  • wag kang aamin teh.dahil darating din ang time na lolokohin ka niya,kasi nga walang poreber.at pag dumating n yun,taas noo mo p sasabihin na "its a tie" sabay kindat
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ tskkkkkkkkk

    yan yan dyan kayo magaleng!!

    mga babae talaga...
  • true_orangetrue_orange PEx Veteran ⭐⭐
    beyda_bada wrote: »
    wag kang aamin teh.dahil darating din ang time na lolokohin ka niya,kasi nga walang poreber.at pag dumating n yun,taas noo mo p sasabihin na "its a tie" sabay kindat
    Tama!!!!!!
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ang sarap ng kabarkada :rotfl:

    walang lihim ang hindi nabubunyag!!! Halaaaa!!!
  • kung makakasama lang ng relasyon niyo wag mo nang aminin.
Sign In or Register to comment.