Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
'Tis the season. Happy Holidays, PExers!

manliligaw na ayaw tumigil. what to do?

Hello po.

May dati kasing naliligaw sa akin. Kasalan ko kasi pinaasa ko siya. Galing kasi ako breakup. Akala ko ready na ko. Pero hindi pa pala. Pinaasa ko siyang sasagutin ko siya. Kasi hindi pa ako buo. Kaya naman lahatng negative signs ni suitor, hindi ko pinansin. Kasalanan ko din kasi gusto kong pakita kay ex na kung meron siya, meron din ako. So, nagising na ako sa katotohanan na hindi ko talaga gusto si suitor. Nung araw na sinabi ko sa kanya na tumigil na siya sa panliligaw, okay naman lahat. Akala ko tanggap niya. Eh di okay na. Tapos bigla niya kong tinext na, "hindi mo naman deserve mga efforts ko sayo. Goodluck sa susunod na relationship mo. Sana di puro away." Sa akin, nabigla lang ako kase, sino siya para sabihin niya sa akin yun? For the first place, wala siyang effort sa akin. KKB nga kami sa dates, ni hindi man siya nagpakilala sa bahay namin at number 3: hindi siya kagwapuhan. Panget talaga siya compared kay ex. Pagkatapos nung incident na yun nagpasorry siya. Tapos tinetext niya ko palagi, pero hindi ko siya nirereplyan. Yung ginawa ba naman niya is tinext niya lahat ng friends ko bakit hindi ko siya nirereplyan. Hellooooo? Bakit ko siya rereplyan, e ayaw kong bigyan siya ng false hope. Laging txt niya sa akin "bakit di mo nirereplyan?" Yung friendship kasing hinihingi niya iba. Napaikot niya kasi ako. He caught me off guard. Tapos, gusto niya pumunta sa bahay namin para daw makapagusap kami.kinuha pa niya address ko sa supervisor ko. Sinabi ko na rin sa kanya na ayaw ko siya at nver ko siyang magugustuhan. Pero wala pa rin. Makapal talaga mukha niya. Anong gagawin ko?

Comments

  • jecjaburnsjecjaburns PEx Rookie ⭐
    kung ayaw mo sa kanya wala naman magagawa yan, hayaan mo lang wag mo ng pansinin at magsasawa din yan, atleast nasabi mo na sa kanya na ayaw mo sa kanya, bahala na sya kung papano nya yun tatanggapin. pag nanggulo at nang stalk sayo o pupumuntap na sa bahay mo or inaabangan ka sa work mo, ipahuli mo na.
  • kurttrukkurttruk PEx Veteran ⭐⭐
    hindi na uubra diyan kahit anong pakiusap mo na tumigil.

    kausapin mo na lang ulit sa panghuling beses at ipaliwanag mo ng maayos kung ano ang totoo. tama na ang pagpapa asa, baka kung ano pa ang magawa niyan.
  • patricia07patricia07 PEx Rookie ⭐
    Ok lang yan, yung lalaking sinabihan ko ng ganyan dati binato nya ko ng ballpen sa ulo :lol:


    Takutin mo nalang, sabihin mo irereport mo sa pulis pag di ka nya tinantanan.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pano ba naman.... pinaasa mo kasi eh wala naman sya pakelam kung sagutin mo sya o hinde eh...

    ang sa kanya kasi ayun na eh nandun na eh! nandun na yun chance na makant0t ka nya...



    kaya bigyan mo ng time mawala sakit ng puson nya...

    :glee: :lol:


    o kaya bigyan mo ng consolation..:naughty3:

    grsx.gif
  • Kung pangit pala e huwag mo nang pag aksayahan ng panahon. Pangit na nga pati ugali pangit din, diretsuhin mo na ng mapahiya siya, akala kasi niya nagpapakipot ka lang.
  • Kung pangit pala e huwag mo nang pag aksayahan ng panahon. Pangit na nga pati ugali pangit din, diretsuhin mo na ng mapahiya siya, akala kasi niya nagpapakipot ka lang.
  • takumi18takumi18 PEx Rookie ⭐
    Parang kilala ko yang manliligaw mo. I have a friend na panay post lately sa FB about his failed attemp sa panliligaw. Hehehhehe.
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kung panget tapos may Lamborghini? ok sa makatotohanan na lang... may BMW o kaya yung bagong Honda Civic ngayon...


    :elk:
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    call 911 kasi may :note: adik sayo :note:
Sign In or Register to comment.