Home PEx Family and Society Family, Friends and Society
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Depressed and Confused. Need Advice for Job Hunt.

PEXers, Sana po matulungan niyo ko sa problema ko. Nadedepress na po kasi ako sa nangyayari sa akin ngayon. Medyo magulo na yung takbo ng utak ko. :(

Bale ganito po kasi yun. Nagsimula na po kasi ako mag-apply ng full-time jobs or kahit mga 6-month contractual kasi po puro short-term lang nakukuha kong jobs. Yung mga tipong 2 weeks lang at ang pinakamahaba so far is 3 months.

May mga inapplyan na kong companies pero yung mga target kong companies hindi pa rin sumasagot. :(
Yung mga naunang sumagot sa akin ay mga companies at positions na di ko naman talaga gusto. Bale nakakadalawang interview na ko. Yung Company A, hinihintay ko pa yung result nung exam at interview ko sa kanila tapos pag okay na, final interview at offer na daw. Si Company B, one-day process lang bale ang nangyari. Nainterview na ko at na-background check agad-agad.

Kahapon, may nagtext sa akin from Company B na oofferan na ko ng job at hinahanda na daw yung contract ko. Ang ginawa ko, tinanggihan ko muna kasi hinihintay ko pa si Company A pati yung ibang applications ko for Company C, D and E na iba't-ibang positions.
Tsaka parang may something na mabigat sa dibdib ko or bumabagabag sa isip ko kaya hindi ko tinanggap.

Ang inaalala ko naman eh since tinanggihan ko yun baka mamaya hindi naman sumagot sina Company A, C, D and E at mabakante na naman ako nang matagal na panahon. Ang tanong ko lang po, mali po ba yung ginawa ko na tinanggihan ko yung inapplyan ko dahil it felt like something is not right o dapat di ko tinanggihan kasi job offer na eh? :(

Mga jobs na medyo interestado ako eh yung mga jobs na related to research, government/non-government orgs and media eh.
«1

Comments

  • Payo ko sa iyo huwag ka na munang mamili ng trabaho. Tanggap lang nang tanggap dahil makakalikom ka pa rin ng work experience sa mga ito. Balang araw darating din ang pagkakataong makuha mo ang inaasam....
  • J05J05 PEx Veteran ⭐⭐
    Hi TS,

    Since you already turn down Company B, maghintay kana lang muna at kunting tiyaga.

    Think positive.
  • Be positive.The best things are yet come. If anything wrong happens, those are just stepping stones for the success that are gonna achive in the coming days. My friend was in a situation of this sort but he got placed in the best place in UK. We are happy for him now.
    All the best.
    God bles.
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS sana hindi mo muna tinanggihan yung yung comp B. sana sinabi mo if they can wait you for 2 weeks bec. there's another company na interested din sayo if ever kunin mo din yung JO para ma review mo.
  • need mo na ba talaga ng money? kung ikaw ang breadwinner sa family, then, I think dapat kinuha mo muna kahit pang samantalaga *** work and tulad nga nung sinabi nung nasa taas, review mo *** work. malay mo, ok din pala...

    pero kung di ka naman primarily nagsusupport sa family, then, good thing na hindi mo tinanggap *** bagay na nagdadalawang isip at may bad feeling ka about it. mas sayang sa oras, panahon at effort kasi un kung aalis ka na naman at maghahanap ng iba...
  • msnoba_42 wrote: »
    need mo na ba talaga ng money? kung ikaw ang breadwinner sa family, then, I think dapat kinuha mo muna kahit pang samantalaga *** work and tulad nga nung sinabi nung nasa taas, review mo *** work. malay mo, ok din pala...

    pero kung di ka naman primarily nagsusupport sa family, then, good thing na hindi mo tinanggap *** bagay na nagdadalawang isip at may bad feeling ka about it. mas sayang sa oras, panahon at effort kasi un kung aalis ka na naman at maghahanap ng iba...

    Actually, sinusuportahan naman po ako ng older brother ko kaya lang po napepressure na rin ako magwork talaga kasi lagi na lang nagtatalo parents ko dahil sa pera. Sa ngayon, nag-aapply pa rin ako kung saan-saan kasi gusto ko na talaga ng full-time job.

    Ang masakit na nangyari tinanggihan ko si Company B. Yung hindi ko tinanggihan na Company A, umabot ako sa final interview kaso di nila binigay sa akin yung job kasi tingin nila overqualified daw ako. Nangatwiran ako na sa totoo lang, hindi naman talaga ako overqualified dahil lacking nga ako pagdating sa work experience. Still, hindi pa rin nila binigay yung job. Balak ko naman talaga magstay doon sa Company A kasi tingin ko na fun yung environment at di naman ako after doon sa sahod. Sa Company B, medyo hindi ko talaga gusto yung position doon at feeling ko di rin ako tatagal.

    Medyo nakakalungkot lang. Eto mag-aapply na ako ulit sa ibang mga companies.
  • missyukomissyuko PEx Rookie ⭐
    parehas na parehas tayo ng dilemma ngayun @rinrin25.. two months na akong nakabakante. nadadala na akong mag work dahil nagmamadali pero mukhang yun nanaman ang ending ko, pero ayun balak kong mag walk in sa Manila, promdi ee. so medyo challenging sa part na yun lalo na yung balak kong pag job huntingan ay part ng manila na hindi ko pa napupuntahan. via commute lang ako so, medyo nakaka stress. feeling ko nga hindi ako good enough sa firm na target ko. kung sa gov't naman matagal daw ang pag process nila ng application
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    rinrin25 wrote: »
    PEXers, Sana po matulungan niyo ko sa problema ko. Nadedepress na po kasi ako sa nangyayari sa akin ngayon. Medyo magulo na yung takbo ng utak ko. :(

    Bale ganito po kasi yun. Nagsimula na po kasi ako mag-apply ng full-time jobs or kahit mga 6-month contractual kasi po puro short-term lang nakukuha kong jobs. Yung mga tipong 2 weeks lang at ang pinakamahaba so far is 3 months.

    May mga inapplyan na kong companies pero yung mga target kong companies hindi pa rin sumasagot. :(
    Yung mga naunang sumagot sa akin ay mga companies at positions na di ko naman talaga gusto. Bale nakakadalawang interview na ko. Yung Company A, hinihintay ko pa yung result nung exam at interview ko sa kanila tapos pag okay na, final interview at offer na daw. Si Company B, one-day process lang bale ang nangyari. Nainterview na ko at na-background check agad-agad.

    Kahapon, may nagtext sa akin from Company B na oofferan na ko ng job at hinahanda na daw yung contract ko. Ang ginawa ko, tinanggihan ko muna kasi hinihintay ko pa si Company A pati yung ibang applications ko for Company C, D and E na iba't-ibang positions.
    Tsaka parang may something na mabigat sa dibdib ko or bumabagabag sa isip ko kaya hindi ko tinanggap.

    Ang inaalala ko naman eh since tinanggihan ko yun baka mamaya hindi naman sumagot sina Company A, C, D and E at mabakante na naman ako nang matagal na panahon. Ang tanong ko lang po, mali po ba yung ginawa ko na tinanggihan ko yung inapplyan ko dahil it felt like something is not right o dapat di ko tinanggihan kasi job offer na eh? :(

    Mga jobs na medyo interestado ako eh yung mga jobs na related to research, government/non-government orgs and media eh.

    Don't turn down the offer muna kung hindi naman face to face yung offer. If they offer you the position through phone or text, just say thank you and you'll get back to them. Maiinitndihan nila yun. pag wala pa ding feedback dun sa ibang companies, then saka mo balikan yung unang nag offer sayo.
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    Nagtataka din ako minsan, di ba if we apply for jobs, usually yun yung mga gusto nating jobs? Why apply for a job na alam mong hindi mo magugustuhan ang job description or yung job environment?
  • MrsBossMrsBoss PEx Veteran ⭐⭐
    Kent_21O wrote: »
    Nagtataka din ako minsan, di ba if we apply for jobs, usually yun yung mga gusto nating jobs? Why apply for a job na alam mong hindi mo magugustuhan ang job description or yung job environment?

    Agree. You're just wasting your time if ayaw mo naman din pala yung job description. Pero yun nga, if you can't afford to be without a job, dapat e tinanggap mo na yung unang nag offer... then wait na muna sa ibang companies. If may mas better, resign. If di ka pwede magresign then tapusin mo lang yung contract. Pag nasa period ka na na pwede ka mag resign or pag patapos na contract mo eh magstart ka na mag hanap uli.
  • MoonStruckMoonStruck PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung di mo feel, wag mong tanggapin. :D

    Keep applying as long as may budget ka pa sa pag-aapply at di pa naman inabot ng buwan na bakante (or taon) na naghihintay ng ideal job. Kasi problema din ipaliwanag yung mahabang job gap.
  • SamanthaBSamanthaB PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kent_21O said:
    Nagtataka din ako minsan, di ba if we apply for jobs, usually yun yung mga gusto nating jobs? Why apply for a job na alam mong hindi mo magugustuhan ang job description or yung job environment?
    Sometimes, you'll just find yourself sending bulk of applications to any job opening na makita mo kasi nagiging desperado kana magkawork. Yung tipong you have been unemployed for a few months and naprepressure kana dahil sa dami ng bills, pati yung kung ano ang sasabihing ng kapitbahay mo ay nakakaapekto na sayo. Kaya ayun kahit di mo naman gusto yung job description, you'll still apply kasi nga nangingibabaw yung pressure at pagiging desperado. 

  • Jackie_Jackie_ PEx Rookie ⭐
    edited June 2018
    First, ano ba ang tinapos mo at ano ba gusto mong career? Pwede kitang irefer kung sakaling may opening samin na swak sa gusto mong work👍
  • rinrin25 said:
    PEXers, Sana po matulungan niyo ko sa problema ko. Nadedepress na po kasi ako sa nangyayari sa akin ngayon. Medyo magulo na yung takbo ng utak ko. :(

    Bale ganito po kasi yun. Nagsimula na po kasi ako mag-apply ng full-time jobs or kahit mga 6-month contractual kasi po puro short-term lang nakukuha kong jobs. Yung mga tipong 2 weeks lang at ang pinakamahaba so far is 3 months.

    May mga inapplyan na kong companies pero yung mga target kong companies hindi pa rin sumasagot. :(
    Yung mga naunang sumagot sa akin ay mga companies at positions na di ko naman talaga gusto. Bale nakakadalawang interview na ko. Yung Company A, hinihintay ko pa yung result nung exam at interview ko sa kanila tapos pag okay na, final interview at offer na daw. Si Company B, one-day process lang bale ang nangyari. Nainterview na ko at na-background check agad-agad.

    Kahapon, may nagtext sa akin from Company B na oofferan na ko ng job at hinahanda na daw yung contract ko. Ang ginawa ko, tinanggihan ko muna kasi hinihintay ko pa si Company A pati yung ibang applications ko for Company C, D and E na iba't-ibang positions.
    Tsaka parang may something na mabigat sa dibdib ko or bumabagabag sa isip ko kaya hindi ko tinanggap.

    Ang inaalala ko naman eh since tinanggihan ko yun baka mamaya hindi naman sumagot sina Company A, C, D and E at mabakante na naman ako nang matagal na panahon. Ang tanong ko lang po, mali po ba yung ginawa ko na tinanggihan ko yung inapplyan ko dahil it felt like something is not right o dapat di ko tinanggihan kasi job offer na eh? :(

    Mga jobs na medyo interestado ako eh yung mga jobs na related to research, government/non-government orgs and media eh.
    Ganyan ang ginagawa ng kapatid ko.  Tipo marami inaapplyan pero nakakapasok naman po siya.  Kung baga sa boyfriend o girlfriend ay collect and collect and then,  select ay kung sino the best,  iyon ang magiging syota niya po.  Katulad mo din siya.  Tinatanggihan niya at ang iba company na inaapplyan niya ay hinihired po siya.  Pumapasa naman po siya.
  • SamanthaB said:
    Kent_21O said:
    Nagtataka din ako minsan, di ba if we apply for jobs, usually yun yung mga gusto nating jobs? Why apply for a job na alam mong hindi mo magugustuhan ang job description or yung job environment?
    Sometimes, you'll just find yourself sending bulk of applications to any job opening na makita mo kasi nagiging desperado kana magkawork. Yung tipong you have been unemployed for a few months and naprepressure kana dahil sa dami ng bills, pati yung kung ano ang sasabihing ng kapitbahay mo ay nakakaapekto na sayo. Kaya ayun kahit di mo naman gusto yung job description, you'll still apply kasi nga nangingibabaw yung pressure at pagiging desperado. 

    Ang alam ko din ay kinakailangan kung saan ang passion niya.  Tipo fit in ang personality at fit in sa gusto niya talaga para kapag nakapasa siya in exam,   hindi stressful at hindi lonely ang ginagawa niya.  Magiging always inspired po siya at motivated dahil mahal niya po ang ginagawa niya.  Isa pa,  successful ang karamihan tao na meron job na talaga gusto nila.

    Tingnan niyo naman sa mga call center,  pumapasok ng trabaho ang mga tao bilang call center agent dahil wala pagpipilian kungdi call center lang kahit hindi naman po talaga sila sales agent,  ang iba ay habol lang ay pera at marami pa po iba.  Ang iba ay binabago nila ang personality (which is inborn personality) para lang makapasok sa call center pero kapag nakapasok na ay deep inside,  hirap na hirap sila o wala sila choice kungdi tanggapin ang stress everyday of their life as a call center agent sapagkat hindi naman talaga nila-  I mean ang personality nila o ang original na personality nila ay hindi naman talaga sila ganun.  Meron nga sila trabaho at malaki naman ang kita-  stress naman sila at hindi masaya.  Kung baga,  nagtitiis lang sila dahil mahirap maghanap ng trabaho at wala choice kungdi call center lang.

    Ganun.

    Mas maganda talaga kung ano ang gusto job pero kung MONEY talaga ang habol ng mga tao (generally speaking ha?)  Malakas ang kutob ko,  kahit ano trabaho ay papasukin nila kahit hindi fit in at kahit hindi talaga nila gusto ang job mismo.  MONEY e.
  • SamanthaBSamanthaB PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Misandry said:
    SamanthaB said:

    I agree with your first and last statement, most people work for the sake of money. Well, we can't blame din naman. We need money to survive, especially if you got family and kids to raise. You'll sacrifice and go to work you are not passionate about just to be able to provide for your family. 

    But it's not about having no choice. They have a choice. We always have a choice. Staying in a job even if you are stressed out is still a choice. 
  • piquanteyepiquanteye Member PEx Expert 🎖️
    edited July 2018
    Piliin mo yung trabaho na pinakaayaw mo saka mo isipin mo kung gusto mo talaga.

    Tulad ng pagiging *****.. try mo lang naman maging ***** then kung sa tingin mo hinde mo kaya at hinde masarap edi humanap ka ng ibang trabaho. saka mo na isipin kung depressed ka ba talaga or talagang choosy ka lang.

    Dameng arte... Ayan na yung trabaho lumalapit sayo aayaw ayaw ka pa? maglandi ka na lang.
  • Piliin mo yung trabaho na pinakaayaw mo saka mo isipin mo kung gusto mo talaga.

    Tulad ng pagiging *****.. try mo lang naman maging ***** then kung sa tingin mo hinde mo kaya at hinde masarap edi humanap ka ng ibang trabaho. saka mo na isipin kung depressed ka ba talaga or talagang choosy ka lang.

    Dameng arte... Ayan na yung trabaho lumalapit sayo aayaw ayaw ka pa? maglandi ka na lang.
    Tingin mo nakatulong ang iyong payo?
  • Almost the same tayo ng pinagdadaanan friend. Ako i resign in a company pero 9 years na ako doon. First job ko yun. Nag resign kasi di ko na kinaya yung toxicity ng mga kasamahan ko na na toterate ko pa noon. Ngayon kasi mas lumala na. Tapos nagkaron narin ng miss handle sa trabaho. Tapos madalas laging sayo binibigay yung mga work dahil mabait ka at di mareklamo. Hindi na balance kumbaga. Hanggang sa na totoxic na talaga ako at isang araw ayoko na pumasok. Sobrang stress na ako lalo pa idagdag yung negativity nila. Mga chismosa. Pati personal life nila ganito ganyan pinag uusapan pa sa work. Ngayon nag aapply ako uli. 5 mos na akong walang work pero ok naman. Tiis tiis lan habang walang tigil na nag aapply. May inapplyan rin ako na nag positive pero tinanggihan ko muna kasi may gut feel ako na di ok. Isa pa nung nakita ko environmenr nila same n same yung klase at behavior ng mga employees sa inalisan ko. So turn down ko muna. Sabi ko maghahanap pa ako. Naniniwala ako dahil meron at meron yan. As of now surviving pa naman in Gods Grace kasi may ipon ako sa previous job heto budgeting nga lang. Hayaan mo friend. Darating yan. Positive lang. lagi lang tayong manalangin at hilingin sa Lord specifically ang gusto natin. Ibibigay Nya ito lalo at nakikita Nyang deserve natin at na aalign sa will Nya. Just trust Him. God is never late nor too early. He's always on perfect time! Kaya kaya natin to! Push pa. God bless you girl. I believe your time will come. 😇
  • SamanthaBSamanthaB PEx Influencer ⭐⭐⭐
    jak0822 said:
    Tapos madalas laging sayo binibigay yung mga work dahil mabait ka at di mareklamo. . 😇
    That's why sometimes, you also have to learn how to say no. It's one of the skills you need. Minsan kailangan mo yan even if hindi naman toxic ang workplace mo. For example, super loaded kana and they want you to handle a certain project pa. Chances are, pwede na matapos mo yung work but the quality will be compromised or hindi mo naman pala matatapos at all. 

    Anyway, goodluck in your job hunt!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file