Ms. Lorna Tolentino in Viva Films *** KAMANDAG ng DROGA ***

QueenLTQueenLT Ms. LT my Forever Love PEx Influencer ⭐⭐⭐
Victoria Fernandez
16 August ·
View on Instagram
Aug 16, 2016 [#]movie[/#] [#]kamandagngdroga[/#] [#]bangs[/#] Happy Tuesday!

13912635_10154426832687943_2202590176232576449_n.jpg?oh=8f7a3404c1817ae3615cf8299d428d77&oe=5847D966

Victoria Fernandez
8 hrs · Instagram ·
Aug 18, 2016 ‪#‎movie‬ ‪#‎kamandagngdroga‬ ‪#‎blessings‬ Thank you 🙏.

14045636_10154432737987943_6458708628148584613_n.jpg?oh=ce3cc035b053d031641ce4ec9bbad44c&oe=5815569D

Comments

  • QueenLTQueenLT Ms. LT my Forever Love PEx Influencer ⭐⭐⭐
    [#]Repost[/#] from @lawrenceleuterio
    [#]shooting[/#] first [#]scene[/#] 8/25/16

    14102131_254478014945609_455761063944210469_n.jpg?oh=d3e93c71e037b69fab82740892d69f08&oe=584A9B4C

    #Repost @ana_roses
    Earlier on the set with one of my favorite actress Ms.LT @LornaTolentinoF
    #Beautiful 😍😍
    CquSGFkUsAE9U0w.jpg
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sana mapasali eto sa mmff, sino sino makakasama ni queen dito?
  • QueenLTQueenLT Ms. LT my Forever Love PEx Influencer ⭐⭐⭐
    @ItsRuthyLee@Erfjecamugaoya1 Sep 6
    [#]Repost[/#] from @lawrenceleuterio
    [#]shooting[/#] [#]mslornatolentino[/#] [#]sucat[/#]
    September 6 2016
    @LornaTolentinoF

    CrqXP5oWIAE0Fnr.jpg:large
  • etxeteraetxetera Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ano ito nabuhay si Madame Butterfly :naughty: miss ko na siya sa de kalidad na teleserye
  • cypherpsalmcypherpsalm *Ms. LT's Guardian* PExer
    etxetera wrote: »
    Ano ito nabuhay si Madame Butterfly :naughty: miss ko na siya sa de kalidad na teleserye


    Same here!!!

    I really wish and pray that Ms. LT will make a grand return to the Kapamilya fold, that is where her caliber as an actress should be...

    Paging ABS-CBN !



    Meanwhile heres wishing that this movie will eventually bring back Ms. LT's glory days...
  • kereimaOkereimaO Bida- Kontrabida PExer
    shelve na b etiy ? parang walang ingay
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ‘Gusto niya, masaya pa rin kami at sa isip niya, gagaling siya…’ — Direk CARLO J
    By GORGY RULA January 19, 2017257


    KAGABI binuksan ang burol ng producer ng Golden Lion Films na si Donna Villa.

    Sumama ako kay Manay Lolit Solis na pumunta na kahapon ng hapon sa Cosmo*politan Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

    Inihahanda pa lang noon ang chapel at inaayusan pa si Tita Donna sa kanyang *kabaong.


    Dumating na rin si Direk Carlo J. Caparas kasama ang kanyang mga anak.

    Inihahanda nila ang misa bago ito i-cremate. Ang bilin kasi ni Tita Donna na i-cremate muna siya bago buksan ang burol nito.

    Nagkaroon muna ng misa na dinaluhan ng pamilya at ng malalapit na kaibigan.

    Nilinaw sa amin ni direk Carlo J na cancer of the uterus ang ikinamatay ng kanyang asawa.

    “Hindi pa nasi-sink in sa akin na wala na si *Donna,” pakli ni Direk Carlo J.

    “Kilala n’yo naman ‘yun kung gaano siya katapang. Kahit lagnat, wala akong maalalang nagkaroon ‘yan eh,” sabi pa nito.

    Inilahad ni Direk **Carlo *J ang nangyari nang na-diagnose na may cancer sa uterus si Tita Donna.

    Huli nang nalaman nilang malala na ito. Noong na-CT scan, doon nakitang malaki na ang myoma sa uterus ni Tita Donna.

    Kumalat na ito at hindi nila alam kung *maagapan pa ba.

    Hindi alam ni Direk Carlo J kung ano ang *gagawin niya nang nag-usap sila ng doktor.

    Ang gusto kasi ni Direk Carlo, ipaopera na at *tanggalin, pero sinabihan siya ng doktor na *ooperahan lang kung puwede pa.

    “Doon ako bumagsak, eh. Nu’ng sinabi ng doktor kung puwede pa. *Hindi ko alam kung paano ko sabihin sa kanya,” pahayag ng nobelista at direktor.

    Napag-usapan daw nilang mag-asawa at mahigpit na ipinakiusap ni Tita Donna na walang makakaalam kahit mga malalapit na kaibigan.

    Kaya nagulat ang taga-showbiz nang nalamang pumanaw na ito sa sakit na Cancer.

    Ang bilis ng mga pangyayari. Nu’ng nakaraang buwan lang ipinasok ng hospital, mahigit isang buwan lang, eto na ang nangyari sa kanya.

    Magmula nang ipinasok sa hospital si Tita Donna, hindi na ito iniwan ni Direk Carlo J.

    Kahit noong na*ka*raang FAMAS Awards ay pinipilit daw siya ni Tita Donna na dumalo pero hindi niya kayang iwan ang kanyang asawa na nasa ganu’ng kalagayan.

    “Gusto nga niyang tanggalin ang mga tubo sa bibig niya, para siya na lang daw ang pupunta.

    “Sabi pa niya sa akin, kung ako raw ang nasa hospital, iiwan daw niya ako para tanggapin lang ang award.

    “Pero ayoko talaga. Kailangan, samahan ko siya. Iyun pa rin ang iniisip niya, eh.

    “Sa isip niya kasi, malalagpasan n’ya ‘to. Ayaw niya ng malungkot kami. Gusto niya, masaya pa rin kami at sa isip niya, gagaling siya,” patuloy ni Direk Carlo J.

    Kaya mahirap pa sa kanya na tanggapin itong nangyari sa kanila.

    Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya na wala si Tita Donna na ka-partner niya sa lahat ng ginagawa niya.

    “Kagabi, pag-uwi ko, siya pa rin ang nakikita ko eh. Katabi ko siya ng 29 years sa lahat na mga lakad namin.

    “29 years kaming nagsasama na siya lang ang katabi ko sa pagtulog at sa lahat na ginagawa *namin, sa kanya lang ako sumusunod.”

    Kailangan niyang magpakatibay dahil kung bibigay siya, alam niyang bibigay rin ang mga anak niya.

    Hanggang bukas ang wake kay Tita Donna at ang bilin sa kanila na itabi ang mga abo nito sa kanyang mga magulang, kaya dadalhin nila ito sa Cebu.

    [highlight]Tinatapos pa ni direk Carlo J ang pelikulang Kamandag ng Droga[/highlight] at hindi pa niya maisip kung paano niya ito tatapusin nang wala ang kanyang *asawang kasama niya sa lahat ng oras.

    Nakikiramay po kami kay Direk Carlo at sa *lahat na naiwan ni Donna Villa.
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    PSN Showbiz
    Carlo Caparas ayaw nang magdirek?!
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 16, 2017 - 12:00am

    Carlo.jpg
    Carlo Caparas

    Hindi titigil sa paggawa ng pelikula ang kumpanyang Golden Lions Productions na itinatag ng mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa. Ito ay kagustuhan mismo ni Donna na bago namatay ay iniwan sa pamamahala ng dalawa nilang anak na sina CJ at Peachy ang business. Napaghandaan na naman ng dalawang kabataang Caparas ang bago nilang responsibilidad. Nakatapos na sila ng kanilang pag-aaral na makakatulong sa pamamahala ng kanilang negosyo.

    Tapos si CJ ng Business Management sa Ateneo at ang kapatid niyang babae ay kumuha ng kursong filmmaking. Kahit malakas pa at fit na magdirek ang kanilang ama ay ang magkapatid ang tatayong producer at direktor ng nakatakdang mapanood na Kamandag ng Droga.

    Malaki ang pressure na ibibigay sa magkapatid ng bago nilang mga trabaho lalo na kay Peachy na siyang director ng movie, pero wala silang choice kundi ang patunayan na hindi lamang ang kanilang pangalan ang namana nila sa kanilang mga sikat na magulang.
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kamandag nina Lorna, Christopher, Sarah ilalabas na!
    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated December 3, 2017 - 12:00am

    Palabas na pala sa mga sinehan sa December 6 ang Kamandag Ng Droga, ang pelikula na directed by ni Carlo Caparas at starring sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Sarah Lahbati, Mark Neumann at Meg Imperial.

    Matagal nang tapos ang shooting ng Kamandag Ng Droga. Ang Viva Films ang magre-release sa mga sinehan ng pelikula na tungkol sa bad effects ng illegal drugs ang kuwento.

    May special participation sa Kamandag Ng Droga sina PAO Chief Persida Acosta
    at Senator Koko Pimentel. In Memory of Donna Villa ang Kamandag Ng Droga dahil siya ang producer ng pelikula. Hindi na naabutan ni Mama Donna ang playdate ng Kamandag Ng Droga dahil binawian siya ng buhay noong January 17, 2017.

    Bukod sa Kamandag Ng Droga, may unreleased movie pa sina Direk Carlo at Mama Donna, ang Miracles Of Love na pinagbibidahan naman ni Richard Gutierrez. Starring din sa Miracles of Love sina Yassi Pressman, Rap Fernandez, Elvis Gutierrez at CJ Caparas, ang anak nina Direk Carlo at Mama Donna.
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    SEEN: Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Kamandag ng Droga sa Cinema 7 ng SM Megamall. Inaasahan na dadalo sa premiere si Mocha Uson dahil may special participation siya sa pelikula na tinatampukan nina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, at Sarah Lahbati.
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kamandag... nina LT at Boyet hahagupit na sa mga sinehan
    PSN, Lolit Solis

    Bukas din ang playdate ng Kamandag ng Droga na advocacy movie rin ng direktor na si Carlo J. Caparas.

    Siyempre, gusto ko na tulad ng Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa, tangkilikin din sana ng moviegoers ang Kamandag ng Droga dahil starring dito ang mga multi-awarded talent ko, sina Lorna Tolentino at Christopher de Leon.

    Very timely ang pagpapalabas sa mga sinehan ng Kamandag ng Droga dahil mainit na isyu na pinag-uusapan sa buong mundo ang anti-illegal drugs war ni President Rodrigo Duterte.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file