Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

GMA Network: DINGDONG-MEGAN TV SERIES

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
Megan Young compares her new teleserye character to being Miss World
Published August 6, 2016 6:48pm
By Ruel Mendoza, PEP

2016-08-05_16:16:06_Megan-Young.jpg

Handa na ulit si Miss World 2013 Megan Young na gumawa ng panibagong teleserye pagkatapos niyang magbida sa Marimar na natapos noong January 2016.

Sa bagong untitled primetime teleserye ni Megan, makakasama niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Ito ang unang teleserye na makakasama niya si Dingdong. Nagkasama na sila last year bilang mga hosts sa reality artista-search ng GMA-7 na StarStruck Season 6.

Sa naganap na story conference sa GMA Network Center noong nakaraang August 2, nasabi ni Megan na excited na siyang makasama sa isang teleserye si Dingdong.

“Unang-una, noong sinabi sa amin na may teleserye kaming gagawin with Dingdong, I was very thankful kasi, siyempre, they entrusted me with another project, and alongside such big names in the industry.

“Aside from Dingdong, we have other great character actors that we'll be working with.

“I was very thankful that they kept me in mind for such a great project,” ngiti pa niya.

Bukod kay Dong, kasama rin sa teleserye ang 2016 Cannes Best Actress Jaclyn Jose na co-star noon ni Megan sa Marimar. Kasama rin sa cast sina Andrea Torres at Sid Lucero.

Tamang-tama lang daw ang pagbigay sa kanyang ng teleserye dahil matagal siyang nakapagpahinga at ready na siyang sumabak sa taping.

“It's great to be back on television after Marimar.

“Medyo matagal-tagal din akong nag-break, which is good kasi I got to focus on doing movies and my business.

“Happy ako na there was time allotted for me to do other things.

“Excited na akong mag-taping ng three times a week ulit!” tawa pa niya.

May natapos ngang pelikula si Megan sa ilalim ng Regal Entertainment titled Super Yaya kunsaan bida si Ai-Ai delas Alas.

Kasalukuyan namang napapanood si Megan sa comedy series na Conan, My Beautician with Mark Herras.

Sa bagong teleserye role ni Megan, nakaka-relate raw siya sa karakter dahil mayroon rin itong mga advocacy na ginagawa para sa mga nangangailangan.

“Nakakatuwa kasi parang Miss World siya sa teleserye, so may advocacies rin yung character ko rito.

“She's working towards helping other people more than herself.

“Nakakatuwa kasi marami akong mapaghuhugutang experiences.”-- For more showbiz news, visit PEP.ph

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/576607/showbiz/chikaminute/megan-young-compares-her-new-teleserye-character-to-being-miss-world#sthash.EKQmqG2A.dpuf

Comments

  • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Expert 🎖️
    itatapat ba ito sa TIMY?
  • meowmeowkdollmeowmeowkdoll Kapuso Elite ⭐⭐
    Sana mag-guest sila ng mga artista to play characters na inspire sa DC Heroes & Villains

    suggestion:

    226120032.jpg

    Tom in Batman like character

    Baron%20Geisler,%20tutuparin%20ang%20pangako%20niyang%20iiwas%20na%20sa%20alak-460x280.jpg

    Baron ala Joker

    chynna_ortaleza_explores_singapore_for_the_first_the_lion_city_1471173941.jpg

    Chynna in a Catwomanish role, so on and so forth.
  • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Expert 🎖️
    Freelancer ba si Carla Humphries? pwede rin siya iguest here.
  • etxeteraetxetera PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I like DD to be an action star nung time ng kasagsagan niya pero puro Richard G ang nabibigyan ng action role sa ngayon parang he is too old na pero lets see kung huli man at magaling may pag-asa pa din.
  • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Expert 🎖️
  • meowmeowkdollmeowmeowkdoll Kapuso Elite ⭐⭐
    GABLK-20_17_580_546452326d85e3.65692145.jpg

    13628270_868310099967895_1292322160_n.jpg?ig_cache_key=MTMwNTc2NDk1MjUxMDYxMzgyMg%3D%3D.2

    Pwede bang isali dito si Ate Ryza bilang side kick ni Dong? Pwedeng mala Cupid yung character nya tapos from Villain magiging kakampi sya ng bida. :glee: Archery ang pinagkakaabalahan ng lola nyo ngayon! swak na swak lang sa concept ng show! :lol:
  • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Expert 🎖️
    Pwede dito i-guest sina Maricel Soriano and Gabby Concepcion as parents of a rebellious young lady (to be played by Empress Schuck) na nasangkot sa isang scam... and among the victims are Thara Jordana (an aspiring singer), Jem Cubil (her on-off sweetheart) and Marlann Flores (their best friend na raketera) :hmm::?:
  • dryedmangoezdryedmangoez PEx Influencer ⭐⭐⭐
    This show is getting everyone talking so much that Canadian actor Stephen Amell and rival TV5 have been posting about the show! Awesome!







    :lol:
  • etxeteraetxetera PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Good or bad publicity is still publicity :naughty: wala namang pruweba na kinopya talaga dahil ni isang episode nga wala pa naipalalabas :lol: sino ba headwriter nito ???
Sign In or Register to comment.