Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities

[PBB Lucky 7] DJ Chacha

forgforg Administrator PEx Moderator

Comments

  • sasumansasuman 猛烈な獣 PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Astig yang si DJ Chacha komedyante na prangka pa.:D
  • JeSuisBillyJeSuisBilly Pursuing My True Passions SOON PEx Moderator
    mars11 wrote: »
    [#]DJChaCha[/#]

    bdaychacha.jpg

    :cake:*party*
  • JeSuisBillyJeSuisBilly Pursuing My True Passions SOON PEx Moderator
    DJ Chacha's Bag Raid

  • JeSuisBillyJeSuisBilly Pursuing My True Passions SOON PEx Moderator

    ASAP TLC Recap: Czarina Baiba and Mike Guevara Story


  • JeSuisBillyJeSuisBilly Pursuing My True Passions SOON PEx Moderator
    Jonathan Manalo, DJ Chacha expressing their gratitude





    ctto
  • JeSuisBillyJeSuisBilly Pursuing My True Passions SOON PEx Moderator
    Empress Schuck Vino Guingona Athalia Guingona
    Former model Vino Guingona asks his partner, actress Empress Schuck, to marry him as their daughter Athalia celebrates her 5th birthday, Sunday, September 27. 
    PHOTO/S: @ITSEMPRESSITA, @NICEPRINTPHOTO ON INSTAGRAM
     
     
    449
    SHARES

    Engaged na ang aktres na si Empress Schuck sa partner niyang si Vino Guingona.

    Sinorpresa ni Vino, 28, ng wedding proposal ang 27-year-old actress nitong Linggo, September 27.

    Itinaon ni Vino sa celebration ng fifth birthday ng anak nilang si Athalia ang pag-aalok niya ng kasal kay Empress.

    Lunes, September 28, nang sabay na ipinost nina Empress at Vino sa Instagram ang mga litrato mula sa Frozen-themed birthday party ni Athalia.

    Ayon sa post ni Empress, sorpresa niya kay Athalia ang pinapangarap nitong birthday party na inspired ng patok na Disney movie na Frozen (2010, 2019).

    Bukod sa party, niregaluhan din ni Empress ang anak ng inflatable slide set.


    Dahil sa enforced quarantine, walang batang imbitado sa party ni Athalia, bagamat naroon ang kanilang malalapit na kamag-anak.

    EMOTIONAL WEDDING PROPOSAL

    Pero sa kasagsagan ng picture-taking, makikitang biglaang lumuhod si Vino sa harap ni Empress, hawak ang isang engagement ring.

    Sa sumunod na litrato, kapwa luhaan at nagpupunas ng luha sina Vino at Empress—na suot na ang engagement ring.

    PHOTO/S: @ITSEMPRESSITA ON INSTAGRAM
     

    Sa post ni Empress, nagpasalamat siya kay Vino na itinaon nito ang wedding proposal sa birthday ng kanilang anak.

    Naroon daw kasi—at naging saksi sa proposal—ang lahat ng mahal sa buhay ng aktres.

    PHOTO/S: @ITSEMPRESSITA ON INSTAGRAM
     
     

    “A new chapter begins for me,” saad sa post ni Empress.

    “And I know by walking with God together, we are on the right path.

    “The goal of our relationship is to honor him and do things what’s right in his eyes and that’s what we’re going to do real soon.”


    Labis naman ang pasasalamat ni Vino na dumating sa buhay niya si Empress, na tinawag niyang “My Love, My Everything.”

    Post ni Vino (published as is): “Thank you for Inspiring me everyday to be the best Dad, The best partner, The best person that I can be.

    “Thank you for Loving me for who I am and accepting me as your partner for the rest of your life.

    “I Love you and always will.”


    CELEBS CONGRATULATE EMPRESS & VINO

    Nagpaabot naman ng pagbati sa newly engaged couple ang mga kapwa celebrities ni Empress na sina Jessy Mendiola, Enchong Dee, Sheena Halili, Karen Reyes, Chariz Solomon, at Kelly Misa.

    Masayang-masaya rin para sa mag-anak nina Empress, Vino, at Athalia sina Kitkat, Melissa Ricks, Iya Villania, Ria Atayde, at DJ Chacha.

    EMPRESS’S PREGNANCY

    April 2015 nang kumpirmahin ni Empress ang nababalita noong buntis siya.

    Nang mga panahong iyon, isa si Empress sa mga bida ng GMA afternoon series na Kailan Ba Tama ang Mali?.

    Sa pag-amin na tatlong buwan na siyang buntis, ipinakilala rin noon ni Empress si Vino, ang kapwa niya taga-Zamboanga at ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

    Si Vino ay isang crossfit enthusiast at dating model na mula sa kilalang political clan ng mga Guingona. Apo siya ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni former Senator Teofisto Guingona III.

    Sa ngayon, freelance actress si Empress, na abala rin sa kanyang milk tea business.

    Huli siyang napanood sa Kapuso teleseryeng The Better Woman noong 2019, at sa pelikulang Kahit Ayaw Mo Na noong 2018.


    Hindi updated ang PEP. Nagbida pa sa MMK si Empress after siyang magbalik-Star Magic noong February (her birth month).

Sign In or Register to comment.