Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Bitay- makakatulong nga ba sa pagbaba ng krimen?

A valid question asked by the journalist im watching....

Makakapagpababa nga ba ng krimen ang bitay, o lalo lamang ito makakapagpababa ng halaga ng buhay ng tao?

Just a question. Id like to see the people's thoughts on this.
«13456711

Comments

  • I Agree and Disagree at the same time.
    Kung may bitay kapag may ginawa ang mga tao na kalokohan like drugs ay mas mag-iingat ang mga tao at mababawasan ang mga criminals so I Agree
    Kapag may bitay, napapahamak minsan ang mga taong innocent na walang kinalaman sa krimen tulad dati na may binitay, pagkatapos bitayin saka lang malalaman na innocent pala so I Disagree
  • Kaya nga parang ang hirap desisyunan.

    Kasi mahirap magpataw ng bitay kung walang maayos na legal na proseso. Kaso, sa bagal ng legal na proseso, madaming inosenteng tao na ang namamatay dahil walang katatakutam ang mga kriminal

    Saan ba dapat magsimula?
  • Ang convicted without doubts kumbaga yung mga obvious na obvious na sila ang gumawa ng krimen, that means maraming witnesses..
  • A valid question asked by the journalist im watching....

    Makakapagpababa nga ba ng krimen ang bitay, o lalo lamang ito makakapagpababa ng halaga ng buhay ng tao?

    Just a question. Id like to see the people's thoughts on this.

    CAPITAL PUNISHMENT is not a deterrent.

    ABC (Australian Broadcasting Corporation) did a wonderful fact-check piece on Victorian Supreme Court judge Lex Lasry statement that capital punishment is not a deterrent. The result is an in-depth analysis of death capital laws vis-a-vis prevalence on a world-wide scale and found:
    There is scant research on whether the death penalty deters drug trafficking. Experts who have considered the issue of the death penalty as a punishment for murder, and in some cases drug offences, around the world, say there is not enough evidence to conclude that the death penalty deters.

    Justice Lasry's claim that it has no real deterrent value is well founded.

    READ the rest here.
  • oreoshirleyoreoshirley PEx Rookie ⭐
    YES deterrent ang binay este bitay :lol: DITO sa pinas.

    pang una, nakakahiya sa pinoy ang mabitay in public. ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa mga katropa niya. :rotflmao:

    pangalawa, pinoys are allergic to pain ang sakit kaya mabitay :rotflmao:

    [#]tonguefirmlyincheek[/#]
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi ko alam kung makakabawas... ang alam ko lang yung binitay di na makakaulit.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    A valid question asked by the journalist im watching....

    Makakapagpababa nga ba ng krimen ang bitay, o lalo lamang ito makakapagpababa ng halaga ng buhay ng tao?

    Just a question. Id like to see the people's thoughts on this.

    Maraming studies ang nagsasabing hindi ito deterrent. Nasa sa iyo na yun kung maniniwala ka o hindi.

    Doon naman sa tanong na makakapagpababa ba ito sa halaga ng buhay ng tao. Isipin mo na lang ito. Kung may mga krimen kang binabalak gawin at ang ilan dito ay may parusang bitay na kapalit, aling krimen ang mas pag-iisipan mo bago mo pagdesisyunang gawin?

    Dyan pa lamang sa stage na yan, yun mismong gagawa ng krimen ay maniniguro na na yung mahihita nya sa gagawin nyang krimen ay worth it, sisiguraduhin nya rin na mas magiging maingat para hindi mahuli.

    Doon naman sa naging biktima ng krimen, ano ang magiging kapalit ng pagkasira ng buhay nito? Hindi ba mas nakakababa ng halaga ng buhay nya kung ang kapalit lamang eh ilang taong pagkakakakulong sa nambiktima sa kanya? Paano mo pahahalagahan ang nasirang buhay ng biktima?
  • darmonx wrote: »
    Hindi ko alam kung makakabawas... ang alam ko lang yung binitay di na makakaulit.

    Hehe....funny af.
    Nice.

    I was able to watch the docu and it seems that 70% of convicted to death
    were wrongfully accused (and well, poor) the rich goes on trial and gets to bide time longer,while the poor ends up dying. Though this may not be an issue of rich vs the poor, it makes me quedtion How sure are we, the sovereign, that we are indeed killing the right people when 7 out of 10 judges are having their "lapses"?
  • Nils wrote: »
    Doon naman sa tanong na makakapagpababa ba ito sa halaga ng buhay ng tao. Isipin mo na lang ito. Kung may mga krimen kang binabalak gawin at ang ilan dito ay may parusang bitay na kapalit, aling krimen ang mas pag-iisipan mo bago mo pagdesisyunang gawin?

    Sa isang mayamang nagbabalak gumawa ng krimen, bale wala ang bitay sapagka't alam niyang makukuha naman sa areglo at lagay upang makalusot. Sa Pinas pa na lahat ng alagad ng batas ay kayang-kayang bayaran!

    [#]IsipKaPaMore[/#]
  • darmonx wrote: »
    Hindi ko alam kung makakabawas... ang alam ko lang yung binitay di na makakaulit.

    At si binitay na walang sala ay nawala na rin ang buhay.

    [#]IsipKaPaMore[/#]
  • razzer_risingrazzer_rising PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I like to believe yes makakatulong though there are many studies stating otherwise. However, iba kasi culture ng Pinoys. We are very religious and really believe in afterlife reward and punishment. If a criminal is hanged then many will believe he will be burnt eternally na sa hell. That is what many people fear of. The fear will deter crime IMO.

    btw, yung mga studies ba about death penalty puro western nation ang subjects? Meron ba na Pinoy or at least Asian studies? I really think na yung death penalty will work because of our Pinoy/asian culture. Singapore has death penalty, right?
  • Alpha.OmegaAlpha.Omega PEx Rookie ⭐
    Oo. Madami ng sumusuko ngayon dahil takot silang mapatay. So, bababa talaga ang kriminalidad if nagpatuloy sumuko ang mga criminal na to.
  • Sa isang mayamang nagbabalak gumawa ng krimen, bale wala ang bitay sapagka't alam niyang makukuha naman sa areglo at lagay upang makalusot. Sa Pinas pa na lahat ng alagad ng batas ay kayang-kayang bayaran!

    [#]IsipKaPaMore[/#]

    this is exactly what i was talking about...andaming error ng judiciary system. one was when they sentenced to death a deaf mute for raping only to turn the sentence around. at dito yan sa pinas, and one ***** convict who happens to be a public official, is now on the loose.

    sa akin kasi, hangga't may flaws ang judiciary, how can we implement death penalty?
    the problem is, how long will the flaws be fixed, bago pa maubos ang inosenteng mamamatay dahil sa kawalan ng takot sa batas. agree din ako kay @alphagreen. natatakot na ang mga kriminal kaya sumusuko, so i think for the sake of bluffing, off with everybody's heads.
  • I like to believe yes makakatulong though there are many studies stating otherwise. However, iba kasi culture ng Pinoys. We are very religious and really believe in afterlife reward and punishment. If a criminal is hanged then many will believe he will be burnt eternally na sa hell. That is what many people fear of. The fear will deter crime IMO.

    Eto mga numero para sa Pinas na hango sa wiki:
    Philippines
    Intentional homicide rate per 100,000 population by year

    Mga taong may bitay

    1998 8.12
    1999 7.69
    2000 7.4
    2001 7.4
    2002 8.1
    2003 7.8
    2004 7.6
    2005 7.5

    Mga taong hinimpil ang bitay

    2006 7.1
    2007 6.7
    2008 6.5
    2009 5.4

    Kung nagpapaudlot ng krimen ang bitay, bakit BUMABA ang pagpatay PAGKATAPOS tanggalin ang bitay?

    [#]IsipIsipPaMore[/#]
  • this is exactly what i was talking about...andaming error ng judiciary system. one was when they sentenced to death a deaf mute for raping only to turn the sentence around. at dito yan sa pinas, and one ***** convict who happens to be a public official, is now on the loose.

    sa akin kasi, hangga't may flaws ang judiciary, how can we implement death penalty?
    the problem is, how long will the flaws be fixed, bago pa maubos ang inosenteng mamamatay dahil sa kawalan ng takot sa batas. agree din ako kay @alphagreen. natatakot na ang mga kriminal kaya sumusuko, so i think for the sake of bluffing, off with everybody's heads.

    Palakasan talaga sa Pinas. Eto tunay na nangyari:

    Si Rafael Lacson, gubernador ng Negros Occidental noong 1949 hanggang 1951 ay naparatangang ibitay sa silya elektrika noong 1954 dahil sa pagpaslang kay Moises Padilla. Anong nangyari? Naging habang buhay na pagpiit lamang dahil kulang ang boto sa Kataas-taasang Hukuman.

    Kung pangkarinawang tao lamang si Lacson malamang natsugi na siya.

    [#]IsipIsipPaMore[/#]
  • Eto mga numero para sa Pinas na hango sa wiki:
    Philippines
    Intentional homicide rate per 100,000 population by year

    Mga taong may bitay

    1998 8.12
    1999 7.69
    2000 7.4
    2001 7.4
    2002 8.1
    2003 7.8
    2004 7.6
    2005 7.5

    Mga taong hinimpil ang bitay

    2006 7.1
    2007 6.7
    2008 6.5
    2009 5.4

    Kung nagpapaudlot ng krimen ang bitay, bakit BUMABA ang pagpatay PAGKATAPOS tanggalin ang bitay?

    [#]IsipIsipPaMore[/#]

    sir, ito ay mga numero....numero na gawa ng mga statistika ng mga empleyado na involved sa himpilan ng gobyerno na dapat ay sumugpo ng kriminalidad? hindi po kaya these numbers can be manipulated to serve a polital purpose?

    sa tanong niyo po, hindi po kaya, dahil bumaba ang kaso ng pagpatay dahil walang nagrereklamo dahil sa takot sa sariling buhay? hindi porke walang report na may napatay, e kumonti ang pinapatay,
  • sir, ito ay mga numero....numero na gawa ng mga statistika ng mga empleyado na involved sa himpilan ng gobyerno na dapat ay sumugpo ng kriminalidad? hindi po kaya these numbers can be manipulated to serve a polital purpose?

    sa tanong niyo po, hindi po kaya, dahil bumaba ang kaso ng pagpatay dahil walang nagrereklamo dahil sa takot sa sariling buhay? hindi porke walang report na may napatay, e kumonti ang pinapatay,

    Ang mga numerong ito ay galing sa United Nations. Sa tingin mo gagamitin ng UN ang numero kung huwad?

    Pero ganito na lang: PATUNAYAN MO NA BUMABA ANG KRIMEN NOONG BINALIK ANG BITAY. Maglabas ka ng maayos na mga numero. Nasa sa iyo ang bigat ng katibayan ngayon.

    [#]BagoMataposAngHunyo[/#] [#]Taong2016[/#]
  • razzer_risingrazzer_rising PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Eto mga numero para sa Pinas na hango sa wiki:
    Philippines
    Intentional homicide rate per 100,000 population by year

    Mga taong may bitay

    1998 8.12
    1999 7.69
    2000 7.4
    2001 7.4
    2002 8.1
    2003 7.8
    2004 7.6
    2005 7.5

    Mga taong hinimpil ang bitay

    2006 7.1
    2007 6.7
    2008 6.5
    2009 5.4

    Kung nagpapaudlot ng krimen ang bitay, bakit BUMABA ang pagpatay PAGKATAPOS tanggalin ang bitay?

    [#]IsipIsipPaMore[/#]

    correct me if Im wrong but the last actual execution of death penalty was during Erap's admin. If that is true your theory is inconclusive.
  • Palakasan talaga sa Pinas. Eto tunay na nangyari:

    Si Rafael Lacson, gubernador ng Negros Occidental noong 1949 hanggang 1951 ay naparatangang ibitay sa silya elektrika noong 1954 dahil sa pagpaslang kay Moises Padilla. Anong nangyari? Naging habang buhay na pagpiit lamang dahil kulang ang boto sa Kataas-taasang Hukuman.

    Kung pangkarinawang tao lamang si Lacson malamang natsugi na siya.

    [#]IsipIsipPaMore[/#]

    ayan na nga ba.....
    sana mabago na ang ganitong kalakaran.
    ang hirap kasi desisyunan e....
    may punto si de lima when she said, may problema sa justice system.
    kaso, hanggang kailan nga maghihintay bago ito maisaayos? ikot ikot..
  • Eto pa nga mga numero:
    Mga bansang may pinakamababang krimen at tayo ng bitay

    10. Cyprus - tinanggal 2002
    9. Denmark - tinanggal 1978
    8. Iceland - tinanggal 1928
    7. Ireland - tinanggal 1964
    6. Japan - mayroon
    5. Luxembourg - tinanggal 1949
    4. Bahrain - mayroon
    3. Hong Kong - tinanggal 1993
    2. Singapore - mayroon
    1. Switzerland - tinanggal 1992

    Bakit 7 sa 10 ay walang bitay pero mababa ang krimen. Ibig sabihin HINDI BITAY ang umuudlot sa krimen!

    [#]IsipIsipPaKayoMore[/#]
Sign In or Register to comment.