Tama ba ang sinasabi ni panis na puto na dapat mag impok para sa kinbukasan?

in Buhay Pinoy
meron bang kinabukasan? ..alam mo ba ang mangyayari bukas?. hawak mo ba ang future?. bakit mo kailangang paghandaan ang hinaharap na hindi mo naman hawak?
every minute nagbabago ang cells sa katawan, di mo alam kung mamayang gabi ay bigla kang ma stroke.
every minute namamatay ang tao.
every minute nagbabago ang cells sa katawan, di mo alam kung mamayang gabi ay bigla kang ma stroke.
every minute namamatay ang tao.
Comments
hmm..eh pano kung namatay na ko noong bagyong yolanda?
tama naman rin si ser puto, kasi wala naman mawawala kung ngayon palang naghahanda ka na para sa future mo.
hindi mo alam ano mangyayari bukas, pero alam mong magugutom ka bukas kapag hindi ka nakapaghanda ngayon.
hindi mo hawak ang hinaharap, pero ikaw parin ang pwedeng humubog nito. sabi nga nila,
"hindi mo kasalanang nabuhay kang mahirap, pero kasalanan mo kapag namatay kang mahirap"
kaya ikaw totoy, kung mamamatay ka man mamaya habang ikaw ay naghahanda. ok lang yun..ganun talaga. katapusan mo na eh :glee:
Kung patay ka na e di tapos na. Problema kung nabuhay ka at wala kang ipon ... pupulutin ka sa kangkungan!
[#]IsipPaMore[/#]
[#]kawawa[/#] dahil pwede kang mailibing ng walang tamang rites sa pagpapalibing dahil d mo ito napaghandaan
[#]kawawa[/#] dahil nagkasakit ka walang ipon, walang suporta paano ka kikilos para magpagamot?
[#]kawawa[/#] kung ikaw ay nag iisa magiging pabigat ka pa sa ibang tao at di ka naman din sure kung tutulungan ka nila
Kung wala nga siguro assurance ang karamihan ng bagay sa mundo, at least may nagawa na hindi mo mahihinuhang pwedeng nakatulong pala, hindi man sa sarili mo, pero at least sa iba.
Kung wala kang ipon at nagkasakit ka, kawawa naman ang pamilya mo at magiging pabigat ka sa kanila
Paano kung may maliliit ka pang anak na maiiwan kung mamatay ka, hindi kaba naawa sa kanila?
sorry sa kagwapuhan ko...:(
meron namang DSWD para tulungan ang mga biktima ng sakuna. ang ibig kong sabihin, ano ang kailangan mong paghandaan sa hinaharap? yun bang pagtanda, pagkakasakit?..eh lahat naman yan patungo din sa pagkamatay.?.
First of all, it's better to make yourself prepared for everything. Be aware of your surroundings. You cannot predict the future. Anything can happen! You can't rely on someone forever. Practice yourself to do everything on your own. The moment you enjoy won't last long as you may face the darkness hour of your life. The bad luck is part of our life! The moment we suffer from something is just a test thus you must overcome the trials! Save enough money as you use it in the future! and Oh yeah, I remember my dad was telling me, all people he knew had experienced being poor before they became a millionaire and billionaire!
At least, what I say is simple but meaningful at may sense. Hindi katulad ng iba dyan napaghahalaan, mahina ang utak!
Kung aasa ka sa DSWD para sa tulong mas mabuti MAMATAY ka na lang!
Wala katiyakan ang hinaharap kaya dapat handa sa lahat ng mangyayari! Ang pag-iimpok ang isang paraan ng paghahanda!
[#]IsipKaPaMore[/#] [#]SentidoKumon[/#]
you've been warned. :glee:
kahit naman hindi natin alam kung ano mismo ang mga magaganap sa kinabukasan natin, wala naman masama na maging handa. lalo na ngayon na may access tayo sa maraming impormasyon, mas alam na natin kung ano ang mga pwedeng mangyari kung hindi tayo maghahanda.
halimbawa, may sariling pamilya at anak ka na, hindi ba mas mabuti kung meron ka ng ipon para sa pang college ng anak mo by the time na magka-college na siya/sila? or kung may plano kang bumili ng bahay o di kaya sasakyan, mas mabuti na meron kang ipon para sa mga ito.
ganun din naman yung iba sa retirement nila, nagiipon din sila para may pang gastos pa rin sila kahit na retired na sila, saka hindi nila kailangan dumepende sa mga anak nila.
hindi ko po kilala si panis na puto, pero based sa thread title, ang masasabi ko na tama naman ang sinabi niya na mag impok para sa kinabukasan.
Maaaring sentido kumon ito sa iyo at sa akin. Subali't maniwala ka, maraming tao ang talagang mangmang sa larangan ng salapi at pag-iimpok! Marami ang nabubuhay lang sa araw-araw at hindi tinatanaw ang hinaharap!
[#]IsipPaSilaMore[/#]
[#]impokpamore[/#]
Ito ay malaking diskriminasyon.
Ignorante ka talaga.
Kamangmangan lang lohika mo.
Maaari na walang disiplina sa pag iimpok ang nakakarami..
Pero ang sabihin mangmang sila sa salapi??? Maling mali.
[#]SentidoKumonNamanDyan[/#]
Invest in real estate, money market, mutual funds, business etc...
Maniwala ka o hindi, maraming taong mangmang talaga ukol sa salapi. Bakit ko alam? Kasi ang kabiyak ko tumutulong sa lipunan bilang financial counselor. Nagpapatakbo siya ng programang turuan ang mga tao ukol sa financial literacy!
Marami ring walang disiplina sa salapi. Pero hindi nangangahulugang hindi marami ang talagang walang kaalam-alam!
[#]IsipIsipKaPaMore[/#] [#]TutalTaong2016Na[/#]