Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

My husband is leaving me after 12 years

jidheljidhel Member PEx Rookie ⭐
I'm married with 2 kids. Last 2013, my husband went overseas to work. I stopped working at the same time because I got a back injury. We were happy, full of dreams for a house and for our children. May times na nagtalo kami pero bago siya magbakasyon, naayos naman, nakapagusap kami at sabi nya pagod lang daw sya. OK na uli, normal messages, Skype, I love yous. Last sweet message was May 8, Mothers Day. Bakasyon nya this May, ayaw nya ipaalam kung ano exact date uwi nya basta dumating na lang sya. May 11 ng gabi dumating, nakainom agad. Kinabukasan, umalis at uminom uli, ang uwi nya 9 am the next day. Simula dumating, umiwas sa akin, ni hindi ako mahawakan. Hinintay namin sya for more than 2 years pero parang iba naman ang umuwi. Hanggang July 8 sya dito. Hanggang ngayon, umaalis at hindi umuuwi. I know something's not right. Ayaw nya magsalita. Accidentally I found another fb account and I analyzed kung sino sa friends nya doon ang babae nya. Sinabi ko sa kanya yung name ng girl. Wala na sya maitago, inamin na niya while crying and holding my hands. Wala akong reaksyon, nagkarelasyon daw sila sa Dubai pero pinauwi yung girl kasi daw bawal. Ban na daw si girl sa UAE. And now patuloy pa din sila. Inuna nya pa nga makipagkita doon kesa sa akin. After that, halo halo na, minsan sumasabog ako at kung anu ano sinasabi ko. I feel crazy and wants to die. Sabi nya tapos na daw kami. Palayain ko na sya. Wala pa sya isang buwan dito. Ganun lang. I'm not his girlfriend. I'm just his wife na pinakasalan. Is that so easy to say tapos na. What will happen next? Wala kaming pampa annul so malamang I will be forever married. Kinausap ko na sya paulit ulit. Hindi naman sila pwede magsama o magpakasal dahil illegal pa din yun. Basta my husband just wants to leave me. Pinamumukha nya na wala na daw kami. I'm on the verge of fighting or giving up. Im in so much pain. I need some advice. Thanks.
«134

Comments

  • mayo_sleepethmayo_sleepeth hung jurist PExer
    YOU'VE lost him. He might still be around physically, but he's gone emotionally. Papano mo ipaglalaban ang isang taong wala na sa yo?

    IF you have financial concerns, may legal recourse ka naman para suportahan ka pa rin at mga anak ninyo. Medyo complicated nga lang ang situation mo dahil OFW kamo si mister.
  • BubblesButtercupBubblesButtercup I Love Holly Golightly!!! PEx Expert 🎖️
    collect the evidences that he's cheating. lahat ng pwede laban sakanya. para mas mapadali ang annulment, pwede mo din sya kasuhan at mapakulong
  • jidheljidhel Member PEx Rookie ⭐
    You are right @mayo_sleepeth. Siguro I have to accept it. I feel so betrayed, I want them to be put in jail.
  • jidheljidhel Member PEx Rookie ⭐
    collect the evidences that he's cheating. lahat ng pwede laban sakanya. para mas mapadali ang annulment, pwede mo din sya kasuhan at mapakulong

    I'm planning to take legal actions pero baka hindi sya makaalis papunta abroad. And pag nalaman niya, umalis siya dito at hindi namin alam saan hahagilapin.
  • BubblesButtercupBubblesButtercup I Love Holly Golightly!!! PEx Expert 🎖️
    mas madali sya hanapin dito kesa abroad at mas magastos sa abroad. block his access na makalipad, ruin his life, get much help as possible. sobrang soft mo naman sa asawa mo, make him feel your wrath!
  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    Naku, hija, huwag ka nang maghanap ng higanti. Kung ayaw na sa iyo ng tao, wala kang magagawa. Palayain mo na basta ang mahalaga suportahan niya ang kanyang mga anak!

    [#]IsipIsipPaMore[/#]
  • JobyBryant24JobyBryant24 Jovitus Primus PEx Rookie ⭐
    jidhel wrote: »
    You are right @mayo_sleepeth. Siguro I have to accept it. I feel so betrayed, I want them to be put in jail.
    Wag naman. Eh wala ka naman magagawa pa kung ayaw na sa yo. Mahirap ipilit sarili sa taong ayaw na di ba? I-settle mo mga financial obligations nya kesa ikaw magpakahirap sa anak nyo. Then kahit di ka na pwede ikasal sa iba, it's time to move on na at maging masaya. :bop:

    Wag ka nang malongkot.
  • J05J05 Don't matter PEx Veteran ⭐⭐
    @jidhel,

    You are not alone, it happen to me and to other women around the globe.
    I understand you at this moment "galit" ang nasa isip mo, for meantime cry ka muna.

    This will take time, many months to soften your heart.

    Beautify yourself, then look for work so that you would be able to stand up and be strong like me :D

    Revenge is USELESS.

    Ask financial obligation for 2 kids (like everyone's advise).

    Be strong Jidhel.
  • NilsNils Hunter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mag-usap kayo.
    Kailangan nya bumalik sa Dubai para mag-ipon ng pampa-annul.
    Kailangan nyang ituloy ang sustento sa mga anak ninyo.

    Yung asawa mo mukhang close proximity ang kailangan. Kapag bumalik sya sa Dubai, maaaring makalimutan nya rin yung naging gf nya. Siguraduhin mong habang andun ay puro masayang balita lamang ang ire-relay mo sa kanya kapag maguusap kayo. Pursigido mo ring ayusin ang pangangatawan mo. Mag exercise ka at magpaganda. Higit sa lahat, maghanap ka ng trabaho para miski hindi maging effective ang lahat ng yan, hindi ka maiiwanang nakanganga at walang ikabubuhay.
  • mayo_sleepethmayo_sleepeth hung jurist PExer
    jidhel wrote: »
    You are right @mayo_sleepeth. Siguro I have to accept it. I feel so betrayed, I want them to be put in jail.

    HUWAG naman sana umabot sa ganyan. Papaano kapag nakasuhan si Mister at hindi nakaalis, kaya mo ba suportahan at pag aralin mga anak mo mag-isa? Tapos against all odds pa ang drama nya at nung chicks nya and that might all the more strengthen their bond. For now, isipin mo na lang kung papaano kayo mapapabuti ng mga anak nyo financially.

    panis_na_puto, IMO dapat decriminalize na yung Concubinage and Adultery.
  • BubblesButtercupBubblesButtercup I Love Holly Golightly!!! PEx Expert 🎖️
    Kung di sila kasal okay lang di pakulong, pero kasal sila e, that's my opinion, TS, pakulong mo yan! :glee:
  • balbolskibalbolski Count D PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kaya si insan nun nalaman dubai ang offer kay BF nya.. pinapili kagad dubai o sya.. :lol:

    kamot bayagg na lang si bf :glee: :lol:
  • jidheljidhel Member PEx Rookie ⭐
    Thank you sa mga advice nyo. In fairness, naliliwanagan ako pero may mga times talaga na gusto ko sila kasuhan. Sa ngayon, kung pwede ibato na siya pabalik sa Dubai e. Magtitiis pa ako na makita siya hanggang July. Life is so unfair. So he is.
  • Kent_210Kent_210 Member PEx Guru 🎖️🎖️
    Ang masakit kasi diyan, ambilis ng mga pangyayari. You thought it was ok yesterday, tapos ngayon may malaking problema pala..wala man lang transition period.

    Ilang taon na ba mga kids mo? Time to re-plan, start it with having a job. Consider legal separation muna.

    If I may ask, ano daw rason ni mister bakit ganun na lang siya mang iwan? Parang may pinaghuhugutan si mister.
  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    panis_na_puto, IMO dapat decriminalize na yung Concubinage and Adultery.

    Sang-ayon ako riyan. Isama na rin ang pagpapatupad sa batas ng NO-FAULT DIVORCE.

    [#]BigyanTiwalaAngMgaTaongNasaTamangGulang[/#]
  • jidheljidhel Member PEx Rookie ⭐
    Kent_210 wrote: »
    Ang masakit kasi diyan, ambilis ng mga pangyayari. You thought it was ok yesterday, tapos ngayon may malaking problema pala..wala man lang transition period.

    Ilang taon na ba mga kids mo? Time to re-plan, start it with having a job. Consider legal separation muna.

    If I may ask, ano daw rason ni mister bakit ganun na lang siya mang iwan? Parang may pinaghuhugutan si mister.

    My kids are 11 and 4 years old. Ang sabi niya lang mahal niya si other girl. Parang wala nga kami pinagsamahan kung pano ako itrato. Wala ng pakialam sa iba basta siya masaya.
  • JobyBryant24JobyBryant24 Jovitus Primus PEx Rookie ⭐
    jidhel wrote: »
    My kids are 11 and 4 years old. Ang sabi niya lang mahal niya si other girl. Parang wala nga kami pinagsamahan kung pano ako itrato. Wala ng pakialam sa iba basta siya masaya.
    Dont worry, ***** lang ng asawa mo umiiral sa kanya ngayon. Bale kausap mo eh yung pangalawang "ulo" nya. :rotfl:
  • jidheljidhel Member PEx Rookie ⭐
    Nils wrote: »
    Mag-usap kayo.
    Kailangan nya bumalik sa Dubai para mag-ipon ng pampa-annul.
    Kailangan nyang ituloy ang sustento sa mga anak ninyo.

    Yung asawa mo mukhang close proximity ang kailangan. Kapag bumalik sya sa Dubai, maaaring makalimutan nya rin yung naging gf nya. Siguraduhin mong habang andun ay puro masayang balita lamang ang ire-relay mo sa kanya kapag maguusap kayo. Pursigido mo ring ayusin ang pangangatawan mo. Mag exercise ka at magpaganda. Higit sa lahat, maghanap ka ng trabaho para miski hindi maging effective ang lahat ng yan, hindi ka maiiwanang nakanganga at walang ikabubuhay.
    Thanks dito Nils. This might work. Medyo matagal tagal nga lang hihintayin ko bago sya makaalis.
  • RedparkRedpark Implementing Compliance PEx Rookie ⭐
    jidhel wrote: »
    My kids are 11 and 4 years old. Ang sabi niya lang mahal niya si other girl. Parang wala nga kami pinagsamahan kung pano ako itrato. Wala ng pakialam sa iba basta siya masaya.

    I think lahat ng nagloloko ganyan. They will show to you the worst part of them kasi they want to get rid of you.

    Sa tingin ko women should not be completely dependent talaga Sa mga asawa Nila, Sa mga ganitong scenario mahirap manindigan Kung Di ka financially stable at you will end up being martyr kasi you cannot stand on your own.

    Somehow, focus ka nalang ts Sa mga anak mo... Madalas the more Na pinipigilan ang affair the more Nila pinapatunayan Na unstoppable sila. Keep yourself intact so you can be a mom and dad to your kids.
  • Tourjack10Tourjack10 Member PEx Rookie ⭐
    TS, try mo magpasexy at magpaganda ka. Yung tipong revealing na suot tapos magandang make-up. Hanap ka rin ng friend na gwaping, magpicture kayo, at ipost mo sa fb or kahit saan na makikita nya. Ewan ko lang kung hindi masira ulo nyang kantootero mong asawa. :glee:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file