Mga car dealers na ayaw ng spot cash payment. — PinoyExchange

Mga car dealers na ayaw ng spot cash payment.

Kasama ko pamangkin noong isang linggo para kumuha ng Jimny, hes got some cash with him 1M to be exact. Excited siya kasi dahil kung anong sukli ibibili daw ng accessories..well fast forward, ayaw ng SA ng cash at iniiba ang usapan at nag memention na ng partner bank sa financing. Haaai naku po may dalang isang million na nga yung bata ano ba?! Gusto ko sanang bigyan ng bad publicity sa fb pero di ko pa napakiusapan ang manager. Kayo? Ano ginawa ninyo? Lipat dealer na lang ba?
«1

Comments

  • Paano yun?Hindi pwede bumili ng sasakyan ng cash?
  • Lipat ka na lang. Hindi naman sa ayaw nila ng cash, mas malaki lang kita kung financing, specifically in-house. Kapag cash kasi maliit lang.
  • kelunji wrote: »
    Lipat ka na lang. Hindi naman sa ayaw nila ng cash, mas malaki lang kita kung financing, specifically in-house. Kapag cash kasi maliit lang.

    Pero may right ba sila na tumanggi sa sale?Parang ngayun lang kasi ako nakadinig na tinaggihan mabentahan ng sasakyan dahil cash magbabayad.Sa casa sya nagpunta diba?
  • Ama-ron wrote: »
    Pero may right ba sila na tumanggi sa sale?Parang ngayun lang kasi ako nakadinig na tinaggihan mabentahan ng sasakyan dahil cash magbabayad.Sa casa sya nagpunta diba?
    O naman sa dealer kami nagpunta, SA ang nag entertain sa amin. Kung nandun sana ang manager siguro may naiuwi kaming sasakyan araw na yun. Ngayon naghahanap kami ng ibang SA mismong dealer pa rin. Let see.
  • O naman sa dealer kami nagpunta, SA ang nag entertain sa amin. Kung nandun sana ang manager siguro may naiuwi kaming sasakyan araw na yun. Ngayon naghahanap kami ng ibang SA mismong dealer pa rin. Let see.

    OUtright ba na pagtanggi? As in "ayaw namin ng cash"? Or yung tipong, paligoy-ligoy like "sir sayang ang cash niyo, ilagay niyo na lang sa negosyo. Bigyan ko na lang kayo ng mababang DP deal" or "kapag cash sir, walang discount, insurance at freebies"? Minsan naman priority nila yung financing sa units lalo na sa mga models na popular.
  • kelunji wrote: »
    OUtright ba na pagtanggi? As in "ayaw namin ng cash"? Or yung tipong, paligoy-ligoy ....

    Yung latter sir, in fact they gave as sample financing plans. We computed it, we'd end up paying almost 40% over cash casis. Hanap na lang kami ibang dealer because my nephew wants fast transaction, i mean FAST.
  • crazp
    crazp _DaNcE_AdDiCt_
    ^yeah, hanap na lang ng ibang dealer. Mga mukhang pera ang mga p*ta! first time ko nakarinig ng ganyan.
  • So pinipilit lang kayo na kumuha ng installment plan. Pwede nyo din naman ipagpilitan na kukuha na kayo at babayaran ng cash ng buo diba?
    As in diretsahin nyo nang tablahin yung SA?
    Pwede ba yun?
  • Parang ganito, sabihin nyo sa SA direct to the point.

    After nya iexplain yung financing plan nya sabihin nyo na sa SA:
    So meron kaming 1M na pwede naming ipambayad sa sasakyan ng buo, pero suhestyon mo mas maganda kung bayaran namin ng hulugan na magreresulta ng 40% na dagdag sa kabuuang babayaran namin sa sasakyan. Ano tingin mo samin?walang common sense?

    Ewan ko lang kung ipagpilitan pa nya yung installment plan nya.

    Pano ba treatment sa inyo nung SA, TS? Talaga bang deadma hanggang hindi nyo inientertain yung installment na suggestion nya?Pwede nyo siyang ithreaten na ireklamo sa higher ups diba?
    Or may right ba sila to refuse a sale talaga?
  • Hayaan niyo na lang. Loss nila yan. Can't blame them kung gusto nila mas malaki na kita. Parang telemarketer lang yan na makulit or mga buwisit nw MLM at networker.
  • Kailangan ba talaga Jimny? Many other better alternatives available.
  • Ama-ron wrote: »
    Parang ganito, sabihin nyo sa SA direct to the point.

    After nya iexplain yung financing plan nya sabihin nyo na sa SA:
    So meron kaming 1M na pwede naming ipambayad sa sasakyan ng buo, pero suhestyon mo mas maganda kung bayaran namin ng hulugan na magreresulta ng 40% na dagdag sa kabuuang babayaran namin sa sasakyan. Ano tingin mo samin?walang common sense?

    Pano ba treatment sa inyo nung SA, TS? Talaga bang deadma hanggang hindi nyo inientertain yung installment na suggestion nya?...
    '
    Yan sana gusto kung sabihin kaso lang first kaming na turned down kaya ayun nangibabaw ang pagka dismaya. Haha
    Well, di namat dinedma kami. Professional naman ang pakitutungo, hindi lang straight to the point.

    Sana may taga Suzuki makapansin nito.
  • rational wrote: »
    Kailangan ba talaga Jimny? Many other better alternatives available.
    Hehe my nephew wants a city dwelling car and able to conquer offroads too. Di nagagawa ng Vios, Accent o City yan. Habol ko din ang solid live axle. Which you rarely find in inepensive vehicle these days.
  • '
    Yan sana gusto kung sabihin kaso lang first kaming na turned down kaya ayun nangibabaw ang pagka dismaya. Haha
    Well, di namat dinedma kami. Professional naman ang pakitutungo, hindi lang straight to the point.

    Sana may taga Suzuki makapansin nito.

    Resbakan mo paps. Balikan mo yung kasa tapos pilitin mong makabili. MagBeast-mode ka na dun sa SA. :rotflmao:
  • Kasama ko pamangkin noong isang linggo para kumuha ng Jimny, hes got some cash with him 1M to be exact. Excited siya kasi dahil kung anong sukli ibibili daw ng accessories..well fast forward, ayaw ng SA ng cash at iniiba ang usapan at nag memention na ng partner bank sa financing. Haaai naku po may dalang isang million na nga yung bata ano ba?! Gusto ko sanang bigyan ng bad publicity sa fb pero di ko pa napakiusapan ang manager. Kayo? Ano ginawa ninyo? Lipat dealer na lang ba?

    Kung ako iyon, tatanungin ko kung bakit hindi tumatanggap ng CASH. Kung hindi ako masaya sa paliwanag, iyong Sales Manager ang gusto kong kausapin.

    Mainam ang maliwanag!

    [#]KaysaMalabo[/#]
  • Noong binili namin ang 2015 Nissan Pathfinder, pinagpipilitan ng dealer na kumuha ako ng car loan. Sayang naman daw ang cash ko kung gagamitin sa pambili ng sasakyan. Mas mainam daw na gamitin sa investment ang cash at umutang sa sasakyan.

    Kaya sumakay ako. Tinanong ko kung magbibigay siya ng 1% interest. Hindi raw. Hindi raw pasok ang modelong binibili namin sa 1% finance. Tinanong ko kung magkano ang ibibigay na interest. Mga 4% daw. Sabi ko hindi ako hilo para magbayad ng 4% sa sasakyan! Cash pa rin ang binayad ko. Pero wala akong bitbit na cash. Bank transfer ang ginawa namin.

    [#]MgaPatayGutomLangAngNangungutang[/#] [#]ParaBumiliNgSasakyan[/#]
  • MoonStruck
    MoonStruck Sintunadong Rakista
    TS, saang Suzuki branch po yan?
  • Sir ask ko lang po kung anong dealer ng Suzuki po yan?
  • nakaka beast mode naman ang Sales Agent na yan, ayaw niya yata ng sales....wala nga naman kasi siyang malaking kickback pag cash payment. Saka karamihan po sa mga casa di tumatanggap ng cold cash, they prefer Manager's check or bank transfer.

    If I were you, parang pretty woman style ba. Go to other casa and buy the unit na prefer ninyo, then park your new unit doon sa harapan nila tignan natin kung di siya mang hinayang sa chance at least may sale siya sa buwan na iyon. May quota kasi ang mga sales agent buwan-buwan.

    Swerte na kayong makahanap ng Sales agent na more on quota habol niya kaysa kita niya.
  • Ngayon lang ako nakabasa ng ganyang storya, me ganyan palang SA?

    Sa ts naman, kasimple simple lang naman, pwede mo naman sabihin in a nice way na cash mo talaga balak bilin. Makes me wonder if this story is really authentic o imbento lang since hindi man lang masabi yung actual suzuki branch.
Sign In or Register to comment.