Quark henares blames horrible working hours as cause of death of directors

renz7renz7 Member ✭✭✭
http://www.pep.ph/news/62409/quark-henares-blames-horrible-working-hours-as-cause-of-death-of-directors?ref=latest


Sa unang bahagi ng Facebook post ni Direk Quark nitong Linggo, March 6, ibinahagi niya ang kanyang ugnayan kay Direk Francis at ang mga magandang alaala niya tungkol sa direktor.

“He was my professor, he was my friend, he was the founder of my college org, he was my colleague.

“What I remember most about Francis Xavier Pasion was how he would fervently post posters around the campus for The Loyola Film Circle's first ever short film festival and I was this little chubby freshman following him around ripping the scotch tape in half. 'Thanks Quark. Keep this up and one day baka magiging President ka ng Loyola Film Circle.'

“I never did, but I always found that view of leadership to be funny. Rest in peace, Mr. Pasion.”

POSSIBLE REASON. Sa ikalawang bahagi ng kanyang post, ibinahagi ni Quark kung ano sa tingin niya ang posibleng dahilan ng pagpanaw ng ilang direktor.

“PS. This might not be a good time to say this but I'll say it anyway.

“I think the reason a lot of TV directors like Wenn Deramas and Gilbert Perez, and now Francis Pasion are getting cardiac arrests, is because of the horrible working hours and conditions in Television.

“And it's not just directors: stuntmen, Ads [assistant directors], crew people and cameramen all go through similar situations.

“This should really change. And I don't know how it will, considering that this entails losses for the networks. But it really is time.”

Read more at http://www.pep.ph/news/62409/quark-henares-blames-horrible-working-hours-as-cause-of-death-of-directors#VWUgzuh11zuIjLhB.99

Comments

  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    I believe na talagang dapat magbago na ang working hours. Ilang artista na ba ang nag suffer ng health problems dahil sa working hours? Si Kris Aquino, may reklamo din sa pagtaas ng kanyang BP. Sana magkaron ng sila ng protection lahat at ma regulate ang working hours sa entertainment industry.
  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    http://www.pep.ph/news/62408/kris-aquino-to-make-important-life-choices-soon


    HEALTH IS WEATH. Lahad ng Kapamilya TV host-actress nitong Linggo, tatlong araw na tumaas ang blood pressure (BP) niya last week.

    “My BP Thu night to Sat night was elevated, sadly when I have a heavy workload for 3-4 straight days, even on maintenance, it spikes.”

    Bumalik naman daw ito sa normal pagdating ng Linggo dahil nakapagpahinga siya noong Sabado.

    “Normalized today because I had complete bed rest yesterday. Went to 1st Friday Mass w/ Ate, updated & consulted this weekend w/ all my siblings regarding my health issues because they worry about their bunso...

    “We consulted w/ my team of doctors on what I should do for long term wellness. (Our dad had his heart attack when he was 47 years old, I'm now 45 & the only 1 in our family w/ hypertension)- I obeyed Viel [older sister] & after a high fiber brunch, I did 40 minutes on my elliptical (she sent me several heart health articles)...”
  • mel414mel414 Member ✭✭
    Sa US, ang mga drama nila, once or twice a week lang. Eh dito, 5 days a week. Tapos minsan, ine-extend pa kahit wala nang mapiga sa kwento, kasi ni-request ng fans.

    Tapos ngayon, may teleserye na din kahit hapon. Once, twice, or thrice a week na lamang dapat ang mga teleserye, tapos 1 hour each. Then the rest eh puro comedy, variety, musical, etc na dapat.

    Tanggalin na din ang mga drama sa hapon at palitan ng ANIME at children's programming. Nakakaawa ang mga bata, lalo na pag galing sila sa eskwela. Ang nadadatnan nila, drama na agad. Eh hindi naman lahat may cable.
  • etxeteraetxetera Member ✭✭✭
    Pag mga kalahati na ng direktor namamatay baka sakali mag ka changes ang production system ng Pinas na shoot now show later at never ending extension pag nag rate.
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! 👁 PBB Loyalist
    mel414 wrote: »
    Sa US, ang mga drama nila, once or twice a week lang. Eh dito, 5 days a week. Tapos minsan, ine-extend pa kahit wala nang mapiga sa kwento, kasi ni-request ng fans.

    Tapos ngayon, may teleserye na din kahit hapon. Once, twice, or thrice a week na lamang dapat ang mga teleserye, tapos 1 hour each. Then the rest eh puro comedy, variety, musical, etc na dapat.

    Tanggalin na din ang mga drama sa hapon at palitan ng ANIME at children's programming. Nakakaawa ang mga bata, lalo na pag galing sila sa eskwela. Ang nadadatnan nila, drama na agad. Eh hindi naman lahat may cable.

    pwede rin ibalik ang anime sa hapon, at siyempre, more mini-series na weekly ang airing. Para na rin matutukan ng cast and crew ang health issues nila! :)
  • xzzzxzzz Member ✭✭✭✭✭✭
    Aside sa strenous production schedule, may bad habits din kasi nasa production na dapat iwasan na rin nila namely inom and yosi. And in some cases drugs.

    And to be fair di lang yan sa TV, advertising ganyan and lalo na sa indie movies which Quark should know
  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    etxetera wrote: »
    Pag mga kalahati na ng direktor namamatay baka sakali mag ka changes ang production system ng Pinas na shoot now show later at never ending extension pag nag rate.

    wag naman sana. sobrang nalungkot na ako kay direk wenn. sana naman pangalagaan din nila ang kanilang mga kalusugan.
  • ginkings1999ginkings1999 Proudly La Salista 2016
    Puyat at Stress ang kalaban ng mga Directors lalo na kapag 2 or more ang TV shows na dinederek nila plus movies pa, fell sad sa pagkawala nila Direk Wenn at Direk Francis :( sana naman mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga Directors.
  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    Puyat at Stress ang kalaban ng mga Directors lalo na kapag 2 or more ang TV shows na dinederek nila plus movies pa, fell sad sa pagkawala nila Direk Wenn at Direk Francis :( sana naman mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga Directors.

    i think ang biglaan nilang pagkamatay ay wake up call na rin sa kinauukulan. sana magawan nila talaga ng paraan. iyon lang naman sa akin.
  • ginkings1999ginkings1999 Proudly La Salista 2016
    renz7 wrote: »
    i think ang biglaan nilang pagkamatay ay wake up call na rin sa kinauukulan. sana magawan nila talaga ng paraan. iyon lang naman sa akin.

    tama ka dyan sir,hindi rin kasi biro ang trabaho ng direktor kasi sakanila nakasalalay ang takbo ng isang show or movie, sana pangalagaan sila ng management.
  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    Ayon kay John 'Sweet' Lapus, nagpapa-medical exam na ang mga kaibigan niyang direktor sa ABS-CBN dahil sa magkasunod na pagkamatay ng dalawang direktor mula sa Kapamilya network.

    Read more at http://www.pep.ph/news/pepalerts/read/17744#c2XBohXIyVVJw9py.99
  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    bakit kaya takot mag comment ang mga kapamilya fantards dito? I mean, can you not be objective once in your lives? lol!
  • ginkings1999ginkings1999 Proudly La Salista 2016
    renz7 wrote: »
    bakit kaya takot mag comment ang mga kapamilya fantards dito? I mean, can you not be objective once in your lives? lol!

    bakit po sir? totoo naman po ei, kailangan din talaga gumawa ng management ng mga networks ng paraan para mapangalagaan ang ating mga direktor, sabi nga ni Direk Wenn dati sa Bandila noon ng nagkasakit sya diun nya narealize na hindi sya robot, need din talaga ng rest at proper medication.
  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    bakit po sir? totoo naman po ei, kailangan din talaga gumawa ng management ng mga networks ng paraan para mapangalagaan ang ating mga direktor, sabi nga ni Direk Wenn dati sa Bandila noon ng nagkasakit sya diun nya narealize na hindi sya robot, need din talaga ng rest at proper medication.

    aanuhin mo ang fame and glory and money kung ito ang maging dahilan ng pagkasira ng kalusugan mo o pagkawala ng buhay mo.

    napa timely na topic ito but then konti lang ang gusting magbigay ng kanilang kuro kuro lol!
  • ginkings1999ginkings1999 Proudly La Salista 2016
    renz7 wrote: »
    aanuhin mo ang fame and glory and money kung ito ang maging dahilan ng pagkasira ng kalusugan mo o pagkawala ng buhay mo.

    napa timely na topic ito but then konti lang ang gusting magbigay ng kanilang kuro kuro lol!

    Correct, Health is Wealth pa rin :)
  • renz7renz7 Member ✭✭✭
    Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Direk Jerry Sineneng support call for better working filming condition
    by Nerisa Almo posted on March 16, 2016

    Suportado nina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, at Direk Jerry Lopez Sineneng ang panawagan ng mga kasamahan nila sa industriya na mapabuti ang kundisyon ng mga nagtratrabaho sa harap at likod ng camera.

    Ito ay nag-ugat sa magkasunod na pagkamatay ng mga direktor na sina Wenn Deramas at Francis Pasion dahil sa cardiac arrest at heart attack.

    Ganito rin ang ikinamatay ng direktor na si Gilbert Perez noong 2008. Kasalukuyan namang comatose ang talent manager at talent coordinator na si Cornelia 'Tita Angge' Lee.

    Bunsod nito ay nagpahayag ang filmmaker na si Quark Henares na posibleng “horrible working hours and conditions” ang dahilan ng pagpanaw at pagkakasakit ng maraming nagtatrabaho sa industriya.

    Halos ganito rin ang panawagan ng singer-actor na si Aiza Seguerra.

    Sa press conference para sa finale ng You're My Home kagabi, March 15, natanong si Direk Jerry Sineneng tungkol sa sitwasyon na ito.

    Ayon sa direktor, nais din niya ng “makataong” working hours.

    “I'm totally for it, sinusuportahan ko po yun.

    “I'm just hoping na sana mayroon tayong ma-reach na common grounds na beneficial sa lahat ng parties -- sa producers, sa directors, artista, sa ating lahat.

    “Ipinapanalangin ko talaga na maayos ang lahat ng problema, yung hindi masyadong masasaktan ang producers or network.

    “Yung makataong working hours.”

    PIOLO PASCUAL. Sa hiwalay na panayam naman sa Kapamilya actor na si Piolo Pascual, sinabi niyang maganda ang panawagan na ito ng mga taga-industriya, ngunit maaaring mahaba-haba pa ang magiging pag-uusap tungkol dito.

    “You know, it's going to be a long discourse, a long process,” sabi ni Piolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa blog conference ng pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis noong Linggo, March 13.

    Ngunit diin niya, “Of course, these are signs na huwag nating balewalain.

    “At the end of the day, I'm all for health -- hindi lang makakapagpabata kundi pati makakapagpatagal ng buhay natin, so it's up to us.

    “I guess it's important now na nagkakaroon ng ganitong awareness para at least alam din natin kung hanggang saan tayo and what we can offer.

    “But it's going to be a long discourse.

    “I'm all for what is beneficial. I'm all for what is healthy para sa lahat, para naman hindi magkasisihan sa huli.”

    SHAINA MAGDAYAO. Sa kabilang banda, mas nais bigyang-pansin ni Shaina Magdayao ang kalagayan ng production staff kaysa sa mga artista.

    Sa panayam ng PEP at Cinema News kay Shaina, sa Sky Alive event noong Linggo, sinabi niyang silang mga artista ay may cut-off time na pagdating sa taping.

    “Alam mo, nag-start na 'yan sa amin, more than a year na meron na kaming cut-off.

    “Unfortunately, siyempre hindi laging nasusunod.

    “That cut-off applies to us only, hindi sa mga tao behind the camera.

    “So, mas nahihirapan sila, sa totoo lang.

    “After the taping, may iba pa silang trabaho, babalik pa sila. Kami uuwi na or se-segue sa kabilang set.”

    Kaya naman katulad ng iba, umaasa rin si Shaina na para sa kabutihan ng lahat ang magiging resulta ng panawagan tungkol sa mas maayos na sistema sa taping.

    “I am hoping, with everything that's happening, sana magawan na ng paraan, sana maging united.

    “It's not just for us na mga artista but also para sa mga crew namin o mga staff namin.

    “Para din sa ikabubuti ng buong industry.

    “I don't know kung posible, pero kung matutulungan naman at magkakaisa, wala naman sigurong imposible.”


    Read more at http://www.pep.ph/news/62514/piolo-pascual-shaina-magdayao-direk-jerry-sineneng-support-call-for-better-working-filming-condition#1yBQg8LjCK8OA6yw.99
  • fridazzafridazza Anti hypocrite PExer
    Ewan ko nga bakit yan pinupuna ng DOLE.

    Sa ABS-CBN puro teleserye sa umaga, hapon, at gabi, tapos pare parehas lang naman ang storya. Hindi ata uso ang brainstorming sa network. Buti pa ang ibang network, nagttry mag innovate.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file