Home PEx Lifestyle Body and Fitness

Help with my stretchmarks :(

hi guys, im just a 17 yrs old boy. gusto ko lang ilabas frustrations ko about sa katawan ko, im about like 5'6 or 5'7 in height. around 70-80 kg in weight. guys i really need your help. nahihiya ako pumunta ng gym, maitim na batok, stretchmarks sa puwetan hanggang sa hips. stretchmarks from sa tummy hanggang sa taas ng pusod, stretchmarks sa ilalim/gilid ng kili-kili. stretchmarks sa biceps mismo. alam ko lahat ng to galing sa kababuyan ko :/

i need help from you guys, kung ano na dapat kainin ko (please kung mag susuggest kayo yung madali lang at abot kaya please. gusto ko natural lang din) and kung ano ang magandang sa bahay lang na work out? willing ko itest lahat yan with in 3months.

lahat ng nababasa ko nawawala daw tong mga to sa safe na pag loss ng weight. Yung sa itim na batok hindi pa naman siya as in itim medyo halata lang naman na. so gusto ko lang po talaga maayos na katawan ko :/ ngayon lang ako naging concious. pls kung may dumaan man dito na nawala na. pls patulong naman po

Comments

  • Hindi naman problema yang stretchmarks na yan. Lahat naman ng body parts na sinabi mo natatakpan ng damit unless gusto mo magsuot ng short shorts and sando. Kung yun lang pumipigil sa iyo maggym wala kang problema.

    Sa pagkain naman, igoogle mo nalang "caloric deficit" tapos iapply mo sa pagkain mo. Kung magpapayat ka mas tipid ka sa gastos sa pagkain kasi babawasan mo kakainin mo.

    Sa exercise naman sa bahay maghanap ka nalang ng bodyweight routines.

    Depende na sa genetics mo kung mawawala yan. Naglose na ako ng 90 lbs, with 40 lbs to go. May stretchmarks parin at may loose skin pa. Inisip ko nga recently na magbuild ng muscle paramafill yung loose skin pero nagdecide na ako na ireach ko muna target weight ko bago ako mamoblema sa loose skin and stretch marks.
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    Definitely hit the gym and build muscle...
  • Try mo magsimula sa mga bodyweight exercises muna kung mas gusto mo na sa bahay ka lang. Squats, push ups, planks, etc. Focus muna sa form, kahit dahan dahan ang progress basta meron. Marami kang makikita sa YouTube na ituturo kung paano ang tamang form. :)

    Yung sa itim mo sa batok, check mo rin yung diet mo. Ang alam ko kasi may underlying causes yan, pero nabasa ko lang din yun somewhere. Hindi ko alam kung reliable ba yung source.
  • will do the "caloric deficit" thanks po.
  • rock3teer wrote: »
    Try mo magsimula sa mga bodyweight exercises muna kung mas gusto mo na sa bahay ka lang. Squats, push ups, planks, etc. Focus muna sa form, kahit dahan dahan ang progress basta meron. Marami kang makikita sa YouTube na ituturo kung paano ang tamang form. :)

    Yung sa itim mo sa batok, check mo rin yung diet mo. Ang alam ko kasi may underlying causes yan, pero nabasa ko lang din yun somewhere. Hindi ko alam kung reliable ba yung source.

    may gusto po akong itry na work out, kilala nyo si Jordan Yeoh? naguupload siya ng like, work out na pang ano ng fats, im trying po to do dat everyday. and yung sa itim na batok, yeah sa diet talaga yon kasi symptom ata siya ng diabetes.
  • Iffyubble wrote: »
    Hindi naman problema yang stretchmarks na yan. Lahat naman ng body parts na sinabi mo natatakpan ng damit unless gusto mo magsuot ng short shorts and sando. Kung yun lang pumipigil sa iyo maggym wala kang problema.

    Sa pagkain naman, igoogle mo nalang "caloric deficit" tapos iapply mo sa pagkain mo. Kung magpapayat ka mas tipid ka sa gastos sa pagkain kasi babawasan mo kakainin mo.

    Sa exercise naman sa bahay maghanap ka nalang ng bodyweight routines.

    Depende na sa genetics mo kung mawawala yan. Naglose na ako ng 90 lbs, with 40 lbs to go. May stretchmarks parin at may loose skin pa. Inisip ko nga recently na magbuild ng muscle paramafill yung loose skin pero nagdecide na ako na ireach ko muna target weight ko bago ako mamoblema sa loose skin and stretch marks.

    boss, yung pag lose mo ba ng weight, via gym din?
  • blakedaddy wrote: »
    Definitely hit the gym and build muscle...

    the nearest gym is around 15-20km pa po
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    zayrelle wrote: »
    the nearest gym is around 15-20km pa po

    Ok so ano ang plan mo?? taga san ka ba?
  • blakedaddy wrote: »
    Ok so ano ang plan mo?? taga san ka ba?

    from ilocos po, i plan to do some fat burning workout from this guy

    https://www.youtube.com/watch?v=TN2e1iokgIo
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    Balitaan mo kami how your progress goes...
  • zayrelle wrote: »
    boss, yung pag lose mo ba ng weight, via gym din?

    Actually last week lang ako nag-gym ulit. Puro body-weight exercises lang ako at unti-unting pagcut ng kinakain. Importante talaga caloric deficit tapos exercise naman para mag develop/maintain ng muscle at overall health.

    Makakatulong kung i-log mo kinakain mo at volume, mas mabuti kung bumili ka ng food scale para masanay ka kung gaano kadami ang 100 grams na manok o anumang madalas mong kainin. Kung sakaling mahilig ka sa fastfood at hindi ka talaga papapigil alamin mo rin yung calories ng kinakain mo, dati ganyan rin ginawa ko nung madalas pa ako kumain ng fastfood. Basta alamin mo kung ilang calories yung mga madalas mong kainin, i-log mo sa notebook at daily mo rin ilog weight mo.

    I-observe mo ng 2 weeks, kung namamaintain mo lang weight mo bawasan mo ng 200-300 calories kinakain mo. Tapos ulitin mo lang every 2-4 weeks yung pag evaluate kung kailangan mo magadjust or hindi ng kinakain.

    Kayang kaya mo yan basta disiplina lang sa kinakain mo, kahit hindi ka pumunta ng gym, magbodyweight exercises ka lang sa bahay. Dati nagumpisa lang ako sa complete beginner routine dito: http://www.startbodyweight.com/p/some-sample-custom-programs.html

    May progression naman yung mga exercises at basahin mo nalang yung guides. Pwede ka rin maghanap ng iba pang routines marami namang available sa internet.

    Salamat sa pagtulong sir, question ko. uhm, wats the best time para gawin yung workout na mga to?
  • saka sir, di ko control kinakain ko kasi student pa ako, so ang balak ko. half cup of rice para di na masyadong tumaba pa, tapos sa pagkain mismo, minsan tinatansya ko nalang. pero bawal na ako mag take 2 ng rice. pag bitin ako, medyo nag pipick nalang ako sa pagkain hehehe
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    1. Best time is yung time na magagawa mo sya

    2. Ano ibig no sabihin di mo control??,
  • blakedaddy wrote: »
    1. Best time is yung time na magagawa mo sya

    2. Ano ibig no sabihin di mo control??,

    so anytime of the day okay lang siya?

    2nd, is like di pa po ako yung nagplaplano kung ano kakainin ko hehehe like dat po
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    1. Yes.

    2. pero kaya mo i-control ang dami.. and pag asa school ikaw ang pipili so may control ka parin
Sign In or Register to comment.