Stars you consider/not consider as CERTIFIED ACTRESSES/ACTORS

Sinong mga actress ngayon yung masasabi mong nadadala ka sa emosyon bilang artista?

Iilan lang kasi yung ganyan. Meron naman mga hilaw pa.

Para sakin ito ang considered kung actress/actors yung magaling talaga.

Actresses:

1. Angel Locsin – wala na ako masabi. Sana siya pa rin si Darna
2. Jennylyn Mercado – sobrang galing nya sa Walang Forever. Queen of Rom Com na siya.
3. Angelica Panganiban – galing umarte sa Tadhana at convincing sa Pangako Sa’yo. Pwedeng pang-romcom din.
4. Julia Montes – aminin natin na kulang lang sa exposure ang batang to pero ang galing niya sa Doble Kara.
5. Toni Gonzaga – ang galing sa romcoms. Magaling magpatawa, nakakadala rin yung pag-iyak niya,
Actors:
1. Coco Martin
2. John Lloyd Cruz
3. JM De Guzman – facial expression pa lang at mata nangungusap na. Sayang to.
4. Jericho Rosales – favorite ko ang Bagong Buwan at Tanging Yaman. What more sa Walang Forever.

Mga kulang

1. Kathryn Bernardo and Sarah Geronimo – masyadong pabebe lang.
2. Liza Soberano – konting training pa pero mas lamang siya kay Kath.
3. James Reid - parang kulang talaga, dinadala lang siya ni Nadine
4. Kris BErnal - okay siya magaling umiyak kaso minsan OA sa Little Nanay
5. Marami sa Channel 7

No hate guys. Kanya kanya namang opinyon. At least makicriticize natin sila dito sa pag-acting

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file