Home PEx Relationships Love - Principles, Practices & Preferences

Love Analogy: The Blue Dress

Ang love, parang pagsho-shopping lang yan eh....

Kunwari, naghahanap ka sa isang mall ng magandang dress na susuotin mo bukas para sa party. Ang tagal mong naghahanap sa mall ng dress, pero ilang oras na pero wala ka pa rin makita na dress na sakto sayo. Yung mga nagugustuhan mo na dress, hindi naman kasya, kung hindi masikip sayo, maluwag naman. Yung ibang size mo naman kasi, out of stock. May nakita kang sakto lang sa size mo pero mahal ang price at hindi mo naman afford. Lahat ng nagugustuhan mo hindi pwede at hindi naman para sayo. Hanggang may isang saleslady na lumapit. "Miss, baka gusto mo i-try itong dress na to? Bagay sayo tong blue dress at mukhang fit na fit to sayo. Affordable lang dahil discounted ito. Try mo lang Miss." Kahit hindi mo masyadong type yung design, kinuha mo ang dress at sinukat sa dressing room. Kasyang kasya sayo ang dress, at affordable lang ang price. Bumalik ka sa saleslady, "Miss, meron po bang ibang style at color? Meron ba kayong pink?" Tanong mo sa saleslady. "Naku Miss, wala na eh. yan na lang ang style at color sa ganyang size ang available, kunin mo na. Baka mamaya mabili pa yan ng iba."

Kukunin mo ba ang dress kahit hindi mo naman masyadong gusto? O i-tatry mo pa rin maghanap ng iba na mas maganda kahit pagod ka na at masakit na paa mo kakaikot? Naghanap ka na kasi sa ibang mall pero wala ka rin nakita. Eh pano kung kailangan mo na talaga bumili, at pag hindi mo pa kinuha, baka wala ka ng makita pa na iba na sakto sayo? Anung gagawin mo, kukunin mo na ba?

Parang love lang, eh pano kung ang tagal mo ng inaantay yung taong para sayo. Tumatanda ka na, malapit ka ng mawala sa kalendaryo at sinasabi nila na wag ka na maging choosy. Ang tagal mo ng inaantay si Mr. Right pero wala pa rin. Lahat ng nagugustuhan mo, hindi pwede o hindi ka gusto. Hangang isang araw may dumating na isang tao na magmamahal sayo, pero hindi mo naman ganun ka-gusto dahil hindi naman siya yung ideal guy mo. Bibigyan mo ba siya ng chance? O maghahanap ka pa ng iba? Eh pano kung pinakawalan mo pa siya, baka wala ka ng makitang iba. Eh pano kung pinili mo siya, magwowork ba ang relasyon kung napilitan ka lang sa kanya? Any comments?
Sign In or Register to comment.