Car shakes when idle produces white smoke — PinoyExchange

Car shakes when idle produces white smoke

lady driver here..,
yung asawa ko ang nagmemaintain ng car but he is in another country, forgive me if i dont know some car terms

we have toyota avanza 2012 automatic
ok naman ang maintenance on time.
last was april 2015 napalitan na lahat.
we were told pag 37k na patune up, change oil na daw kami.
nasa 35600k nako actually next week punta nasana ako para sa maintenance.

now kanina lang,
nasa parking lot kami, nakaPark ang transmission.
open ang aircon, nakakabit ang fon ko sa radio
ng biglang nanginig ng sobra yung sasakyan na halos mamatayan na
then sa likod ko sobrang daming puting usok.

hindi ako nabaha..

nagpatow na ako kasi ayaw ko abutan sa daan ng sira.
dinala kami sa pinakamalapit sa bahay na talyer

1. umaandar pa ang sasakyan.
2. after a few minutes magshake na
3. sabi ni mekaniko. nagengine overheat daw ako. (wala naman warning sa gauge ko)
4. naghalo daw ang water at oil
5. need daw ng overhaul.
6. 14500pesos daw.

inuwi ko muna sa bahay yung sasakyan.
mga guys, mga sir.. any advise po? bago ako magpaoverhaul?
overhaul?? ang sakit naman non?

by the way,
yung kapitbahay kasi namin, madami daga yung bodega nila
pag umaalis ako sa gabi
may mga daga lumalabas sa makina ng koche
feel ko ito ang rason ng pagkasira ng makina?

help po. god bless you!

Comments

  • Seen zoned?? hehehw
    updatelang
    sa ngayon tinatry ng mekaniko na kilala ng pinsan ko na ichangeoil tune up muna
    sana yan muna.. at sana yan lang ok na
  • prukutung
    prukutung Level 99 Newbie
    100% sure hindi yan overheating... Dapat yung maputing usok dun sa engine compartment nanggaling... And am quite sure hindi needed yung overhaul... Though I'm no mechanic but naranasan ko na din yung overheating at hindi yan ang nangyayari...

    Pero similar yata to sa case ng multicab namin.. Nanginginig ng sobra at naglalabas ng maputing usok... Ang nangyari naubusan ng engine oil.. But still yours is a different case, try mo nalang sa casa..
  • ^thank you sir... 7 out of 9 na nagsabi saakin di naman daw need overhaul.
    Ano ang ginawa at diagnosis sa multicab ninyo?

    Na change oil na kanina yung avanza at sobrang kinalawang na pala yung makina. Choco brown na yung tinapon na oil.. Tapos basa ang filter? .. Hindi namin alam bakit basa. Basta never pako nababaha.

    Niroad test ko after.. Ok naman pero sabi ni mekaniko palitan ulit oil in 3 days para makita kung kinalawang na talaga ... Kung oo. Punta nako sa casa.. Huhuhu...
  • prukutung
    prukutung Level 99 Newbie
    I think yan ang reason why ganun ang nangyari, oil related problem.. Regular ba kayo nagpapa change oil? Like in every 6k km nagpapa change oil na kayo agad? Imposible naman kakalawangin yung makina nyo i think daily driven naman yung avanza nyo..
  • masasabi ko naman na regular sir ang maintanence..
    kasi papunta nako dapat next week para ipachangeoil kasi bantay ko naman ang km na tinakbo.although last was april pa. di naman araw2 nagagamit.. mga 3 to 4 times a week tapos di naman malayuan..
    sabi naman ni mekaniko di naman daw rat problem kasi ok naman daw lahat ng wiring at wala daw butas
    pinipilit nya na nabaha ako.. eh hindi naman ****... hmm..
  • prukutung
    prukutung Level 99 Newbie
    Actually matagal na yata yung april, and 3-4 times a week decent na yata yun... Yung Rio ko nga before 3yrs old yun nung na disgrasya ako mileage niya was around 30k same usage din around 3-4 times a week and within the city ko lang nagagamet.. Regular yung maintenance i think every 3months or every 6k km maintenance whichever comes first wala talagang problema, na total wreck lang.. Haha.. Pretty sure ako dahil yan sa oil, april so around 7months na since last maintenance mo kaya pala choco brown na yung engine oil
  • K.I.L.L.
    K.I.L.L. My brain only has 512mb!
    First off, the white smoke might be steam. If a car has been sitting idle for a while and gets started, there would be steam coming from the exhaust.

    Secondly, you don't need an overhaul for sure. I'd run away from this mechanic suggesting an overhaul.

    Maintenance is usually done in increments of 5k to 10k not in between. Where do you have yours done?

    Have your mass air flow sensor checked. It might be dirty.
  • Hi medyobadgirl, we had the same kind of problem before. Nag-vibrate din yung 2008 Toyota Avanza G namin while naka-idle yung sasakyan then meron white smoke lumalabas sa tail pipe. So, same thing din nangyari kasi puro speculations lang ng problem at walang solusyon sa mga auto mechanic. Napansin ko rin na kada week ay nagbabawas ng engine oil kaya lagi kong dinadagdagan ng langis yung sasakyan every week. Then, my wife and I decided to have it check sa Goodyear Servitek and found out na yung 1 sparkplug ay basang-basa ng oil and sira na pala yung valve seal due wear and tear. Kaya pala siya nag-vibrate kasi nag-misfire yung 1 sparkplug then pinapasok na ng langis yung engine kaya may white smoke na lumalabas. So, top overhaul ng engine ang nangyari since palit lahat ng gaskets and seals. Hindi namin pinasok sa Goodyear Servitek since medyo mataas yung pag-repair nila halos palit makina ang presyo. Hanap ka nalang ng trusted mechanic, para maayos na Avanza mo. Hope this helps...
Sign In or Register to comment.