COMMUNITY NOTICE: Please send your reports, concerns and other inquiries to admin "pexer99". This account will handle all community functions for PinoyExchange. You can also email us at [email protected] For category related concerns, you can also send a message to one of our moderators. Check the updated list of moderators here.

anong pinaka namimiss mo sa childhood Christmas mo?

yestoyesto Administrator PEx Admin

Iba parin ang pasko para sa mga bata! Anong mga Christmas moments ang pinaka namimiss mo galing sa childhood mo?
«13456

Comments

  • HotMix_02HotMix_02 حب ♥MRS.VARGAS♥حب ✭✭
    yung mga games samin magpipinsan ..

    yung paunahan maubos yung nakataling grapes ..

    yung kakain ng kamias na hindi masisira ang mukha ?!.. hihihi ..

    yung aabutin ng dila yung icing sa balikat ?!.. ak ak ..

    at pagalingan mag sayaw ng macarena .. wahihihi ..


    at nawawala kong mga ninong at ninang .. :rotflmao:
  • bicst8fembicst8fem Member ✭✭✭
    Regalo mula sa magulang, lola, ninong at ninang.
    Magsusulat ng Christmas wishlist at iaabot tuwing misa de gallo.
    Magkaroling sa mga kapitbahay at paghahatian ang mga barya.
    Christmas party sa school, exchange gift sa classmate.

    xmastree.gifxmastree.gifxmastree.gif
  • Zep_TepiZep_Tepi Carpe Diem ✭✭✭
    For me it would be just be spending the whole day playing with my new toys and eating spaghetti and hotdogs.
  • Zep_TepiZep_Tepi Carpe Diem ✭✭✭
    Ah, to be a child again with not a care for the world.

    Merry Christmas!
  • artalm_2604artalm_2604 Moderator ✭✭✭
    Yung yearly Christmas Party namin sa compound dati. Complete with karir song and dance numbers naming mga kabataan. :hiya:
  • artalm_2604artalm_2604 Moderator ✭✭✭
    Namimiss ko din yung ako yung nanghihingi ng regalo sa mga ninong at ninang. Ngayon kasi ako na ang hinihingan. :lol:
  • CrownRoyalCrownRoyal Alistair Pendragon 💜 ✭✭✭
    Syempre yung paghihintay sa matatanggap na gift galing kay Santa, na parents pala ang naglalagay :glee: :rotflmao:
  • artalm_2604artalm_2604 Moderator ✭✭✭
    Namimiss ko din yung Christmas songs na madalas i-play dati tulad ng "Sa Araw ng Pasko." Madalang ko na lang kasi marinig ngayon. :depressed:
  • CrownRoyalCrownRoyal Alistair Pendragon 💜 ✭✭✭
    Christmas party sa school, exchange gift sa classmate. Yung umaasa ka sa bagay na sinabi mo sa wishlist pero iba pala yung ibibigay :mecry: :lol:
  • CrownRoyalCrownRoyal Alistair Pendragon 💜 ✭✭✭
    Gusto ko ulet bumalik sa pagiging bata para ma-experience yung caroling. KJ kasi parents ko :bop: :lol:
  • genre914genre914 राजकुमार का अंतर ✭✭✭✭
    Yung Mangagaroling kami. Para malaki ang ibibigay, kakantahin namin ang iba't ibang christmas songs, bale yung mga kantang di palaging kinakanta sa caroling ng iba pang bata. Di bale na hindi alam ng mga kasama ang kanta ko. E.g. Silver Bells, White Christmas, Oh Holy Night, etc. o di ba? Galing ko no. :lol: Pero hindi ko na ginagawa nang nasa grade 5 na ako. Tinubuan na ng hiya sa katawan. :lol:

    Isa pa, ang namiss ko ngayon ay ay ang Christmas Party. Yung traditional christmas party. Di ko na naexperience yan ngayon.
  • genre914genre914 राजकुमार का अंतर ✭✭✭✭
    CrownRoyal wrote: »
    Gusto ko ulet bumalik sa pagiging bata para ma-experience yung caroling. KJ kasi parents ko :bop: :lol:

    goosies. Bakit naman? Baka delikado sa lugar niyo para mangaroling. :lol:
  • genre914genre914 राजकुमार का अंतर ✭✭✭✭
    Overall, nakakamiss maging bata. Ang bata kasi ang pinakamasaya pag pasko pag icelebrate. :D
  • mars11mars11 引きこもり ✭✭✭✭✭
    when you're a kid, christmas always seem really special. when you grow older though, you slowly realize that it's just an ordinary day.

    i miss hanging the giant socks by the window near the christmas tree and wake up christmas morning with loads of goodies stuffed in it. i miss santa claus.
  • dark_runicdark_runic Anyone Is Common.... ✭✭✭✭
    Namimiss ko yung nagpupunta kami sa mga bahay ng tito at tita namin para mag reunion.
  • dark_runicdark_runic Anyone Is Common.... ✭✭✭✭
    And of course yung pag sisimbang gabi na kami lang magkakasamang magbabarkada. The best yun walang matandang kasama.:bungi:
  • mars11mars11 引きこもり ✭✭✭✭✭
    another one is those creamy pretzel blobs in white chocolate and almonds. it was always a happy christmas when those were around.
  • silverwhizsilverwhiz Member Next Gen. Tennis Star
    Pangangaroling sa barangay namin. :lol:

    Bahala na kung wala sa tono ang pagkanta basta may barya-baryang maiuuwi pagkatapos. Pambili rin yung ng damit o laruan. :glee:
  • silverwhizsilverwhiz Member Next Gen. Tennis Star
    Movie marathon habang hinihintay ang noche buena/media noche, na ngayon ay di ko na nagagawa dahil isa na 'ko sa nagtratrabaho sa kusina. :bop:
  • silverwhizsilverwhiz Member Next Gen. Tennis Star
    CrownRoyal wrote: »
    Christmas party sa school, exchange gift sa classmate. Yung umaasa ka sa bagay na sinabi mo sa wishlist pero iba pala yung ibibigay :mecry: :lol:

    Tama! Iba pa rin talaga yung exchage gift nung elementary/high school. :lol:
«13456

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file