Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.
gummy smile problem (picture included)
na mention sakin ng ortho ko na maliit nga ang teeth ko and malaking ang gums pero never nya na mention and surgery. gusto ko sana pa bawasan ang gums ko kasi nakaka apekto narin sa sa akin yung tipong ngingiti ka or tatawa ka pero tatakpan mo yung bibig mo. tapos may mga times na parang sumasabit yung upper lip ko sa gums ko lalo na pag tuyo sya hindi ko alam kung dahil yung sa excess gums.
kaya po ba sa ortho ang mag pa surgery dito? mga magkano po kaya ang aabutin rin nya?
thanks!
http://tinypic.com/view.php?pic=24b2bt5&s=9#.VmVX7fl97IU picture :rotflmao:
kaya po ba sa ortho ang mag pa surgery dito? mga magkano po kaya ang aabutin rin nya?
thanks!
http://tinypic.com/view.php?pic=24b2bt5&s=9#.VmVX7fl97IU picture :rotflmao:
Comments
Pinapaalala ko lang, hindi basta-basta pwedeng bawasan ang gilagid. Titingnan ng Periodontist ang width of the Attached gingiva at titingnan din nila yung tinatawag na biologic width. Kailangang mag-usap yung Periodontist at iyang gumagawa ng braces treatment mo para malaman nila kung pwede bang bawasan at kung kailan babawasan ang mga gilagid mo. Hindi ko masyadong makita sa litrato pero parang namamaga ang mga gilagid mo. Palinisan mo ang mga ipin mo doon sa Periodontist para mawala ang pamamaga at tingnan ulit kung nasaan ba talaga yung level ng mga gilagid mo.
Tandaan natin na tulad ng ating hairline ang ating mga gilagid ay uurong din habang tayo ay tumatanda.
Makakatulong sa iyo ang malimit na pag-inom ng purong tubig. Mas mainam tubig, huwag juice at mas lalong bawal ang softdrinks.
salamat po