Life after Depression - Need Medical Advice

Before you read my thread please have an idea first what depression really is. https://www.nimh.nih.gov/health/topics/depression/index.shtml

Prone ako sa depression, siguro dahil sa failures ko sa maraming bagay, sa environment ko, at sa strings of failed relationships ko. For 10 years, everytime na mag end yung relationship ko nag kakaron ako nang depression na tumatagal nang mahigit isang taon. Kakatapos lang nang depression ko. Mahigit isang taon ako nakipag laban dito. Ngayon masasabi ko na ok na ako kasi hindi na ako nakakaisip mag suicide hindi tulad noon na araw araw ko na lang hiniling na mamatay na ako. Eto na siguro yung pinaka matinding depression na dinanas ko at masaya ako kasi naka survive ako.

Eto na ako, Im ok. Pero may napansin ako. Hindi na ako normal..

Twing nakikipag usap ako sa iba napapansin ko ang dalas ko na mabulol.. Twing nakikipag usap ako titigil na lang ako bigla kasi nakalimutan ko na kung ano yung sinasabi ko at nasa isip ko, kaya madalas kung ano ano na sinasabi ko. To the point na it doesnt make any sense na

Nahihirapan na ako mag concentrate, nahihirapan na ako mag absorb nang information, ang dali ko na makalimot. Hindi na din ako makapag explain at makapag kwento nang maayos. Believe me kahit itong sinusulat ko na to hirap na hirap ako ikwento to.


Nag research ako, yung mga taong nag susuffer pala nang depression nag kakaron nang brain damage. This is permanent even after depression. So i guess may problema na din ako.

As of now I am taking active measures to recover from this. Nag tatake ako nang stresstabs, fishoil, binabago ko yunglifestyle ko and most of all removing anything that is toxic to me. Ginagawa ko ding active yung brain ko kahit hirap na hirap ako.

I need medical advice kasi this is frustrating dahil affected na yung work ko, even yung social life ko. Is there any way that I can do to be normal again? Possible pa ba mag regenerate yungbrain damage sakin if ever na meron nga if so ano ano yung mga ways? Kasi if left untreated tingin ko pde to mag progress sa mas malalang sakit tulad nang Alzheimer.


Thanks for reading.
«134

Comments

  • you need a professional help in your case you need medications. your supplements are not enough to help you.
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    I also experienced the so called black cloud of depression as if your all alone, helpless and it's suffocating. It was 2013 when i felt depressed about work and i decided to ingest poison or simply put an end to my life. But thanks to a security guard i met when i tried to kill my self, he showed the light that i was unable to see, if he was not there during the darkest night of my life i may not be writing this to you. But depression is visiting me every November and last til February. I dont know it is a cycle already this is my fourth time to experienced it now second was last two years. I always felt anxious during these months...and i panicked every time....and less confident and i felt bad very bad about what's happening...how will i regain my confidence?
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    i also experienced what you are experiencing like trouble concentrating, trouble speaking as if nakakalimutan ko sinasabi ko nararattle i stutter and less confident when it attacks
  • Mr.DugyotMr.Dugyot Member PExer
    Ang hirap lalo na kung *** trabaho mo kailangan mo mag salita at mag explain. Regarding sa depression I know im out of it though minsan hindi maiwasan malungkot pero I definitely know na hindi yan depression.

    Medyo napaluha ako nang konti nung nabasa ko na parang unrepairable na *** damages nato kasi *** mga nag rerecover daw sa depression most of the time hindi nag rerecover sa brain damages. Nag iiwan **** nang mga ganitong symptoms.
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    minsan malungkot, minsan napakasaya ko...
    low self esteem/self confidence and nararamdaman ako... ang hirap talaga.
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    pwede bang bumalik ulit depressive thoughts?
  • Mr.DugyotMr.Dugyot Member PExer
    Pede. Kahit ako minsan nabalik ****. Pero hindi na katulad dati na ma feel ko lang yan na dodown na ako totally. Yung matutulog ka na lang kasi mabigat **** sa pakiramdam.

    Ngayon pag na feel ko yan hindi na ako nag papaapekto. Nag fofocus na lang ako sa mga productive na bagay. Inabot ako nang mahigit isang taon para maging ganito. Hindi pa ako fully well pero Im glad and I know OK na ako.

    Tip:

    Focus on improving yourself. Mag gym ka, buy something for yourself, treat mo lagi sarili mo, avoid drama, dun ka sa mga emotionally healthy na tao and set goals.


    Ang problema ko na lang *** aftermath.. Yung iniwan na damage sakin nang depression.. Hindi ko maayos.. Im working on it eto naman sana *** maayos ko
  • Mr.DugyotMr.Dugyot Member PExer
    Na eexperience mo din ba yung na eexperience ko regarding sa thoughts, communication, concentration. Bagsak lahat. Para akong retarded minsan mag salita. Nag sslur ako, nawawala ako sa sinasabi ko. nakaka asar.

    Sana may way para maayos to. Ang naiisip ko lang for now is supplement, saka maging mental active para mag regenerate *** mga damage na cells
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    i experienced those...and i felt bad kasi gusto kong maging ok ako pero parang there's a dark cloud na nd ka makawala...i stutter, i dont remember things easily trouble explaining something....pero pag relaxed lang ako wala akong masyadong iniisip...nd natetense ok naman....
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    parang i still recovering from depression continuous or cycle na kasi naeexperienced ko...
    minsan extremely happy ako...at minsan sad
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    sana may website pwedeng magshout out ng nararamdaman...to ease the negative emotions.
  • Mr.DugyotMr.Dugyot Member PExer
    Hindi *** ako nag iisa. Alam ko sobrang hirap yan kasi galing na ako dyan. Yung tipong walang taong makaka convince sayo maging ok regardless kung ilang payo na ang narinig mo, lahat nang mga bagay na dati nag papasaya sayo ngayon boring na. Yung buhay kapa pero parang patay ka na. Yung kada gising mo hinihiling mo na mag gabi na ulit para matutulog ka na at araw araw mo na hihilingin na wag na gumising.

    Alam ko pakiramdam nyan. Ngayon ganyan din ako minsan sobrang saya minsan malungkot. Pero andito ako sa lugar ko ngayon kasi ginusto ko maka recover. Pinilit ko mag recover. Kailangan dedicated ka din sa recovery mo. After mo maka recover sa deep depression na yan mag papasalamat ka nka survive ka! At mangangako ka din na hindi ka na babalik sa pagiging ganon.

    Kaya mo yan :) kaibigan mo ang oras ngayon.
  • Mr.DugyotMr.Dugyot Member PExer
    Ay eto papala tip ko sayo. EGG!! :) kumain ka lagi nang sunny side up egg. may natural anti depressant property yan. For a while naging ok ako dahil dyan mararamdaman mo effect nyan pag araw araw promise pero wag ka dyan dedepende lang kasi masasanay *** katawan mo tapos babalik ka ulit sa dati.. Good food and exercise para mag release nang mag release nang happy hormone yung katawan mo
  • The first thing in Managing Depression is acknowledging you suffer from it. Causes vary from personal relationship, work, unfortunate life event etc. which can last for years. Since you know you suffer from this disorder, it is wise to continuosly seek Psychiatric consult so the doctor can do psychotheraphy and at the same time give you mood stabilizer (medications). I have seen a lot of cases, I know it's hard and being able to acknowledge you suffer from this disorder is a good prognostic sign. I hope all will be well.
  • Mr.DugyotMr.Dugyot Member PExer
    Ang mahirap yung damage after the depression. Hindi ko alam kung i coconsult ko pa ba to sa psychologist or sa neuro. Better siguro na i consult ko na din sa next check up ko bka mabigyan ako nang idea nang doctor ko kahit hindi sya psych or neuro
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    pag super stress ako nararamdaman ko na bumabalik ulit depression ko? :(
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    san ka sa manila?
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    san mura ang psyhologist?
  • Mr.DugyotMr.Dugyot Member PExer
    Ganon talaga boss, kapag stress ka hindi maiwasan bumalik ang depression. Kailangan talaga stay with positive people and positive environtment at higit sa lahat yung will mo mag recover saka iignore yung mga ganyang bagay. Sakin mahirap kasi super negative nang family ko, super stressful nang gf, at super stressful nang trabaho ko

    What I did.
    Binawasan ko yung contact ko sa family ko. Ironic, sila dapat nilalapitan ko sa mga ganitong time pero sila yung nag dodown sakin. So ngayon mas ok na ako

    Stressful gf. Ang unhealthy na nang relationship kaya tinapos ko na. Masakit sa una pero magaan sa pakiramdam. Believe me.

    Stressful na work. As of now wala ako magagawa dito dahil dito ako kumikita nang pera. Pero ang ginagawa ko pag uwi ko nag seself study ako para makalipat na nang work na deserve ko at mas enjoy ko. Konting tiiis lang makakalipat din ako kasi nakakaipon nko.

    Additional. Stressful friends. kinut-off ko na sila. All in all dahan dahan na gumagaan yung buhay ko. kailangan active ka talaga pre sa pag recover.


    Regarding sa psychologist, dumating na din ako sa point na feeling ko kailangan ko na nang psychologist. Pero ang sabi ko sa sarili ko "ganito na ba ako kahina?" so hindi ako nag pa consult.

    Hindi madali ang depression. Tulad nang sabi ko mahigit isang taon ako nakipag laban dyan.

    Active ka dapat pre. Man up tayo!
  • excalibvrexcalibvr Member PExer
    thanks sa advice i know malalampasan ko to... i need to accept this condition and everything is well...

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file