Home PEx Campus University of Santo Tomas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

[Q] Transferring to UST [Complicated]

Medyo komplikado po ang buhay ko kaya sana may makatulong sakin kasi gustong gusto ko talaga lumipat ng UST! Ganito kasi yun:

I am 20 years old. Tatlong College/University na ang napasukan ko. First, Saint Louis University. Umabot ako ng second year pero may mga bagsak at dropped subjects ako. Nag-try ako mag inquire sa Faculty of Engineering ng UST nun pero sabi nila pag may bagsak di na pwede mag-transfer. So pumasok muna ako ng STI. Again nagka-bagsak ako isa(medyo complicated kasi ang buhay ko madaming inaasikaso noon but now focus na talaga sa pag-aaral). After ko sa STI since hindi ko talaga nagustuhan ang experience ko dun, umalis ako. Now, nag-aaral ako sa FEU. Back to zero ako hoping na hindi na mabuklat ng UST ang dati kong transcript. Medyo matataas ang grades ko sa FEU at scholar ako ngayon. Ang tanong, makaka-transfer ba ako sa UST using my new credentials na? Madi-disregard ba yung dati kong transcript since di ko naman siya sinubmit sa FEU? Sana may makatulong. Thanks!

Comments

  • quezacoltquezacolt PEx Rookie ⭐
    Malalaman rin nila yan. Maari nila itanong kung ano yung ginawa mo after mo mag HS since may lapse yung years.
  • quezacolt wrote: »
    Malalaman rin nila yan. Maari nila itanong kung ano yung ginawa mo after mo mag HS since may lapse yung years.

    Ganun ba. So kakailanganin parin nila yung records ko sa mga previous colleges/univs na pinasukan ko? :(
  • quezacoltquezacolt PEx Rookie ⭐
    Ganun ba. So kakailanganin parin nila yung records ko sa mga previous colleges/univs na pinasukan ko? :(

    Most likely. Pero the best thing to do is contact ofad or the dean's office ng college na gusto mo pasukan.
Sign In or Register to comment.