Home PEx Hobbies Cars and Motoring
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread misinformation.

first time kong bumili ng car...

housewife po ako and yung husband ko po ofw...wala po sya ngayon dito sa pinas..ask ko lang po...

1. ok lang po ba na si husband ang maging principal buyer kahit wala sya dito ngayon sa pinas?...meron po kc na
car dealer na pumapayag meron din po na hindi...

2. sa pumayag binigay ko na po ang details ko para daw po mapa approve...kaya lang ngayon lang po...may nakita po ako na car dealer na pumayag po na si husband ang principal buyer at the same time po low dp and low monthly po talaga kesa dun sa una...binigay ko rin po yung details ko para mapa approve po nla...ok lang po ba na ganito na 2 na ang car dealer ang magpapa approve?

Comments

  • hardrivehardrive PEx Influencer ⭐⭐⭐
    jjm_074 wrote: »

    Ok lang na dalawang dealer mag approved sayo
    Mas maganda pa nga yan eh
    Kumbaga mag labanan silang dalawa na mag bigay sayo ng mas magandang deal dahil gusto nila maka benta

    hindi ka pa naman nag sign ng papeles sa sasakyan
    Bakit hindi mo na lang hintayin si mister maka uwi *** dalawa kayong bibili?
    *** naman mganda pakiramdam ni mister lalo na mahirap trabaho at buhay ng mnga ofw
  • Thank u po hardrive...ok lang po kay husband na bumili na po ako ng car kahit wala po sya dito un din po ang gusto nya...tama po ba ako no commitment pa po habang pinapa approve pa ng ahente sa bank ang application ko?...thank you po ulit...
  • kelunjikelunji PEx Influencer ⭐⭐⭐
    In the end po niyan eh banko pa rin ang mag-decide kung approve o hindi ang gusto niyo na setup. I would not take too much stock sa sabi ng dealership. Have you tried inquiring sa banko mismo? Might save you a few thousand persos sa monthly.
  • kelunji wrote: »

    thank you po kelunji...hindi pa po ako nag iinquire sa bank..naisip ko lang po baka mas malaking dp ang hingin ni bank kesa sa budget na hawak ko ngayon...yung isang car dealer na pinag applyan ko low dp nila and low din yung monthly mejo matagal nga lang daw magpa approve kc marami daw ang nakapila and yung car is 1 to 2 months pa daw bago maibigay...which is ok lang namn po sa akin kahit ganun katagal...ask ko lang po sabi sa akin ng isang ahente na napagtanungun ko sa isang mall...kokonti lang daw ang na aapprove sa mga low dp...totoo po kaya yun o sabi lang nya yun? thanks po ulit..
  • hardrivehardrive PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Low down payment gimik lang mnga yon

    Pag low down mas matagal mabayaran yon at karamihan pag mas matagal ma bayaran
    Mas mahal ang tsikot

    Ang tingnan mo
    Ilan years yon na bayaran mo tapos magkano monthly bills mo

    Tingnan mo silang dalawa icompare
    Tingnan mo alin sa kanila mas mura pag bayad na ang tsikot
  • kelunjikelunji PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^Tama, low DP, either mas mataas ang monthly/or mas matagal ang hulog. If you are going to finance the car, mas mabuti na yung put down as high a downpayment as you can afford. In the long run, mas mababa yung babayaran mo. Kokonti lang talaga ma-aapprove sa low DP, mas strikto siyempre sila. Kung sa dealer ka kasi kukuha (in-house financing) siyempre may patong pa sila on top of the bank.

    If you are a bit low on cash, perhaps now is not the time to get a car. Hindi natatapos ang gastos sa kotse sa DP at monthly amortization. Andyan pa yung gas, preventive maintenance, insurance at registration.
  • Mas maganda cash ang pambili mo ng sasakyan. Kung magkano lang ang pera mo iyon lang ang halaga ng bilhin mo. Kung kulang pa rin ang cash mo, mag-impok ka muna bago ka bumili.

    Kapag cash ang binayad hindi magbabayad ng interest dahil walang utang.
Sign In or Register to comment.