Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Malas Sa Kaibigan

Feeling ko malas ako sa kaibigan. Ever since hindi na ako nagbest friend nung hayskul, wala ng dumating na matinong kaibigan sa buhay ko. May naging tropa ako nung hayskul, pero in the end, nagkawatak watak. Sumama sila sa ibang grupo yung kikay na grupo na klasmeyts ko.

Pagdating naman ng college, nagkaroon ako ng tropa. Mababait naman sila di bad influence pero sa huli wala rin. Sinabi ko pang best tropa ever yun pala hindi rin kasi nagkawatak watak. Nagsimula lang naman sa dalawang tropa ko na nag-away hanggang sa nagkaroon ng gap. Nahati na sa two groups ang tropa. Ako naging neutral wala akong sinamahan permanently. Pero sa huli naramdaman kong hindi ako BELONG. Iniichapwera na lang nila ako. Kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko pa sa kanila, umalis na ako sa grupo.

Nagkaron na naman ako ng isang grupo. Mabait sila pero sila yung grupo na madulas mabully ng mga ka-batch ko. Ewan ko ba, parang 'weakling'ang dating kasi masyado silang tahimik. Ito na naman problema, nagka-misunderstanding na naman. At ang resulta? FRIENDSHIP OVER agad. :mecry: GRABE. Alam ko naman may mali rin ako, pero di man lang nila ako binigyan ng chance para ayusin! :grrr: Ganun ganun na lang yun? Sabagay, wala nama silang paki na mawala ako kasi add-on lang ako sa kanila.

Kaya feeling ko talaga malas ako, wala akong mahanap o makita na tunay na kaibigan ko na pwedeng pakisamahan. Kahit isa lang sana eh, pero wala talaga :( Kaya tuloy ito, mind set ko na: HINDI KO KAILANGAN NG KAIBIGAN. Nalulungkot tuloy ako at naiinggit kasi hindi ko man lang na-enjoy ang college life ko hanggang sa makatapos ako. :( Gusto ko pa naman maranasan yung nag-oouting na tropa, nagpaparty, yung ganun.

Anyway, sana makahanap rin ako ng tunay na kaibigan kapag nagkatrabaho na ako. Gusto ko na magka-best friend. Yung hindi ako huhusgahan at tatanggapin ako kung ano ako. Yun lang!


Salamat sa pagbabasa :lol:

Comments

  • kurttrukkurttruk PEx Veteran ⭐⭐
    ano bang klaseng kaibigan ba ang hanap mo?

    tamang tama ka ng napuntahan iha.

    wala ka ng kailangan gawin kungdi sumagot sa mga PM dito at tiyak, di kalaunan magkakaroon ka ng maraming kaibigan.

    PM mo ako at nang makita naten kung anong pwede gawin sa iyong labis na pangungulila :naughty:
  • amicivanceamicivance PEx Veteran ⭐⭐
    kurttruk wrote: »
    ano bang klaseng kaibigan ba ang hanap mo?

    tamang tama ka ng napuntahan iha.

    wala ka ng kailangan gawin kungdi sumagot sa mga PM dito at tiyak, di kalaunan magkakaroon ka ng maraming kaibigan.

    PM mo ako at nang makita naten kung anong pwede gawin sa iyong labis na pangungulila :naughty:

    hahaha!!! ikaw na talaga kurt...

    medyo relate ako kay ate...

    may girl bestfriend ako.. tawagan naming ay 'bestie' pero hanggang tawagan lang iyon... hnd talaga kami magbestfriend. we never open-up with each other so much... and.. kaya ako nakipag-bestfriend sa kanya noon kasi gusto ko siya pero ayaw ko ipursue :rotflmao:

    meron din akong guy bestfriend.. kababata!!! pero di na kami masyado nag-uusap.. :lol: busy siya sa school and ako..working aman.

    may group of friends naman ako...sa college life.. mga ka-groupmates ko sa thesis...pero ewan d ko masabi na close na close talaga..

    meron din ako from my previous company... 6 kami.. ako lang lalaki. Madalas ako OP lalo na pag 'adult' (*** na bahala mag-isip) ang usapan.... and madalas pa kami magtalo sa mga bagay-bagay nung isa. masasabi kong d ko rin sila ganoon ka-close kasi never naman ako nagopen-up sa kanila... ganund in sila sakin.

    I guess a friend who will accepts you and never judge is so hard to find... what I mean is.. when we are become close to a person.. makikita natin flaws nila, either matu-turn off tayo.. but I believe if that persons loves you as a friend, he/she cares what's best for you.. pupunain nya *** pag-uugali na mali sa iyo... hnd *** kukunsinti ng mali mo..

    'Acceptance didn't mean tolerance...and correction must be done with love'.

    Yun lang TS. Aja!!!
  • i guess siguro nga ganun talaga. ang hirap hanapin pero sana makahanap tyo.
  • Ganyan din ako before, nawala silang lahat dahil lang sa sinulat ko sila sa NOISY, (elementary pa, haha) . Haha, hindi ko na lang sila hinabol hinayaan ko na lang ang tadhana kung saan ako dadalhin.. :)

    At tama ngang hinayaan ko lang tapos lumipat na ko ng school. Then nakilala ko sina Dabarkads, simula nung Highschool hanggang makatapos ako ng College at hanggang sa magkaroon na ng mga pamilya e, kami pa din ang dabarkads :)

    Makakahanap ka din ng dabarkads mo :rotflmao:
  • hardrivehardrive PEx Influencer ⭐⭐⭐
    To my best friend


    Friend alam mo lagi kang nasa sibay ko pag nagka problema ako
    Na aalala mo pa ba nong naka banga ako ng sasakyan ko
    Nandoon ka
    Noong na holdap ako nandoon ka din
    Friend talaga
    Asta meron akong problema nandoon ka
    Nong iniwan ako ng gf ko pare freind nandoon ka din
    Nong ninakaw sasakyan ko nandoon ka plagi *** sa akin
    Pero pare friend puwede ba lumayo layo ka kunti ikaw ata malas ko sa buhah eh :rofl:
  • wag mo naman sa sabihing malas :lol:
    baka naman mataas standards mo sa "kaibigan".
  • hardrivehardrive PEx Influencer ⭐⭐⭐
    paano naman kasi basta ba minalas nandoon siya palagi :lol:
  • hindi po mataas :( kahit sino lang naman ok sakin eh basta totoo. :(
  • hahahah grabe naman! baka sya nga malas lool
  • Hindi naman siguro malas. Ang importante kasi yung ikaw ang nagpakita ng katapatan sa kanya. Sila ang malas kung pinakawalan pa nila ang kaibigang tapat tulad mo. 😀
  • QubethaQubetha PEx Veteran ⭐⭐
    gusto ko sana mag share pero .... sa akin na lang, thread starter maybe hindi naman ako ganong kayaman o ka guwapuhan pero if you want labas tayo maski coffee talk man lang o drinking session kung saan gusto mo / nyo. maybe hopefully friendship starts here, thank you, yun ay opinyon lang naman saka suggestions lang, thank you !!
  • nako po kuya. busy pa ako *****. sguro kapag hnd na busy. haha salamat?
  • ano TS? may friends k na ba??
  • I wanna be friends with you.. coffee-buddy pwede ka? :)
  • gelodudegelodude Member PEx Expert 🎖️
    nakakarelate din ako. halos lahat ng kabarkada ko nung HS at college, hindi na ako nagcacatch-up with them. pero ako yung type na joker ah. so kahit joker ka hindi assurance na di ka mawawalan ng friends. yung mga former workmates ko, through FB na lang. grabe din kasi yung hirap na pinagdaanan namin sa work kaya ayon, naging close. pero hindi sobrang close na lahat ng sikreto mo ibubulgar.

    pero mahirap talaga makahanap ng bestfriends forever. parents, asawa at mga anak lang talaga siguro ang hindi iiwan sa iyo kung talagang ok ang relationship niyo.
  • wala pa rin! hahaha naka grad na ko at nakapasa sa exam waley
  • J05J05 PEx Veteran ⭐⭐
    ako, hindi naman malas

    mapili lang ako sa kaibigan.

    malungkot pag walang friend, lalo na yung best friend mo pag pumanaw nalang bigla.
  • kurttrukkurttruk PEx Veteran ⭐⭐
    yumikoo wrote: »
    wala pa rin! hahaha naka grad na ko at nakapasa sa exam waley


    wala pa rin? cleared na inbox ko ma'am...:naughty:
  • yumikoo wrote: »
    wala pa rin! hahaha naka grad na ko at nakapasa sa exam waley

    Meet new people, embark on journeys, try different things. Eventually magkakaroon ka rin ng lasting friendship with some people :)
    J05 wrote: »
    ako, hindi naman malas

    mapili lang ako sa kaibigan.

    malungkot pag walang friend, lalo na yung best friend mo pag pumanaw nalang bigla.

    Mapili din ako sa friends haha. Ayoko kasi makipagplastikan kaya pag d ko trip ugali ng tao I won't bother.
  • I-bestfriend mo muna sarili mo. Then pag nakahanap ka na ng "friend" huwag masyadong all-out. In time malalaman mo rin sino yung deserving i-bestfriend eh. Ako swerte ako na may mga maituturing akong mga totoong kaibigan. Marami sa kanila medyo malayo sa akin pero we communicate regularly through social media. I can be myself with them nang kampante akong hindi ako ija-judge. Walang inggitan at masaya kami para sa successes ng bawat isa.


    Hindi kaya medyo may pagka-possessive ka? Hindi kaya ikaw naman ang unang lumalayo once na makita mo lang nakikiassociate rin sa iba yung friends mo? Hindi pag-aari ang mga kaibigan. At kung may hindi pagkakaunawaan, it's best na pag-usapan niyo agad (just like any relationship).


    Hindi naman siguro sa MALAS ka sa kaibigan. Baka masyado ka lang TRUSTING o baka ang taas ang expectations mo sa kaibigan. Well, it's never too late diba? I guess andami mo nang new friends since nagsign up ka rito sa PEx. Have fun! :)
Sign In or Register to comment.