Home PEx Business and Careers Pinoy Careers

2015-2016 CPA Board | CPA Topnotchers

lairah.mananlairah.manan PExer
edited March 25 in Pinoy Careers
Tapos na ang cpa board exam, ano sa tingin nyo ang pamatay na subject?
«134

Comments

  • Ano ang liability ng mga partners sa creditors pag naubos na yung partnership assets? Joint o Solidary?
  • markidudelmarkidudel PEx Rookie ⭐
    20jerome14 wrote: »
    Ano ang liability ng mga partners sa creditors pag naubos na yung partnership assets? Joint o Solidary?

    Pro-rata po ang sagot.

    Article 1816. All partners, including industrial ones, shall be liable pro rata with all their property and after all the partnership assets have been exhausted, for the contracts which may be entered into in the name and for the account of the partnership, under its signature and by a person authorized to act for the partnership. However, any partner may enter into a separate obligation to perform a partnership contract.
  • markidudel wrote: »

    Awwww! Eh pag mageextend ba ng life ang corporation kelangan pa bang ichange din ang bylaws?
  • Isa pa po. Yung na pledged item pwede pa syang ipledge ulit?
    Yung isa naman yung mortgaged item pde pa b syang imortgage ulit?
  • markidudelmarkidudel PEx Rookie ⭐
    20jerome14 wrote: »
    Awwww! Eh pag mageextend ba ng life ang corporation kelangan pa bang ichange din ang bylaws?

    Sa Articles of Incorporation po yata ang amendment, hindi sa By-laws.

    Sec. 11. Corporate term. - A corporation shall exist for a period not exceeding fifty (50)
    years from the date of incorporation unless sooner dissolved or unless said period is
    extended. The corporate term as originally stated in the articles of incorporation may be
    extended for periods not exceeding fifty (50) years in any single instance by an
    amendment of the articles of incorporation, in accordance with this Code; Provided, That
    no extension can be made earlier than five (5) years prior to the original or subsequent
    expiry date(s) unless there are justifiable reasons for an earlier extension as may be
    determined by the Securities and Exchange Commission.
  • markidudelmarkidudel PEx Rookie ⭐
    20jerome14 wrote: »
    Isa pa po. Yung na pledged item pwede pa syang ipledge ulit?
    Yung isa naman yung mortgaged item pde pa b syang imortgage ulit?

    Hindi ko na po alam. :rotflmao: Antayin ko din kung may sasagot.
  • AT- Puro unfamiliar yung mga questions considering na natapos ko yung Roque, Bobads at Salosagcol. Around 10items yung nasa resa. Average.

    TOA- Copy paste sa resa. UNFAIR.Taga cpar kasi ako :(. Ni isang questions wala atang lumabas sa cpar. Easy.

    P1- For me, eto yung killer. Yung mga iniskip ko sa Valix Book, yun yung lumabas. Like hyperinflation, retrenchment provision, diluted, etc. Note: Wag kayong maniwalang mala Audprob yung P1. Actually pinagdikit lang yung 2 problems as 1 problem. Pero as 2 independent cases mo rin naman siya isosolve..Pakaba lang yung examiner. Anw totoo ang sabi nila, Valix 100% lang talaga ang P1. Difficult.

    MS- Naiyak ako sa theories about TQM, CSR, etc. Saan kaya kinuha yun? Medyo tricky. Hate ko kasi tong subject na to. Kaya wala kong maalala haha. Ugh. Average.

    AP- Easiest. You can ask anyone, sasabihin nilang eto yung pinakamadali. Worth it ang pagabsent ko lagi kay Sir Ibay haha! Kaso nandito yung grammar questions na di ko inexpect. Akala ko kasi sa blt lalabas. May isang problem na lumabas from PRTC. Easy.

    P2- Time pressure. Ok sana kung 4hrs yung exam. Reasonable naman yung difficulty (favorite ko kasi to haha) kaso di ko natapos. Evenly distributed pa yung mga questions. Lahat ng topic nandoon. Even standard costing nandoon. May lumabas ng konti sa Dayag book. Wala yung sikat na multisubsidiary question last batch. Difficult

    BLT- Hinulaan ko karamihan yung tax. Puro Vat at Income Tax. No remedies. Sa law puro basic lang lumabas. Kaso naparami ata Partcorp. Mga 10items. Hate ko pa naman yun huhu. Mali ko na yung PRO RATA. 2 items yun huhu! Average.

    Overall, reasonable yung exam. Ang ayoko lang ay yung mga typo sa exam. Meron kasi sa TOA at AT na sinadya na typo kaya maiiba yung sagot. Dapat di sila nagtatanong ng ganun kasi may mga typo yung ibang question na hindi sadya ugh. Example yung systematic sampler. Ang best daw ay statistical sampling dahil sadya daw yung typo sa sampler kahit yung definition ay referring to systematic sampling. Kamusta naman yung ibang typo like barrowed, reagards, saels, etc? Sadya rin ba yun ugh.

    God bless sa mga future examinees! Hope makatulong to. Basta hindi mahirap ang board exam basta nagaral ka at isanapuso mo ang pagaaral. Goodluck!

    Ps: Wag maniwala sa mga kumakalat na chismis na eto yung lalabas blah blah blah. I swear sisirain lang diskarte niyo promise.
  • 20jerome14 wrote: »
    Isa pa po. Yung na pledged item pwede pa syang ipledge ulit?
    Yung isa naman yung mortgaged item pde pa b syang imortgage ulit?

    bawal i-pledge ang naka-pledge na. Perfected sya through delivery so how come ma pledge yung second one. Sa mortgage pwede siya i mortgage ulit (Mortgage Sr. and mortagage jr.) hinahanap ko pa yung provisions pero sure ako dyan :)
  • markidudel wrote: »
    Pro-rata po ang sagot.

    Article 1816. All partners, including industrial ones, shall be liable pro rata with all their property and after all the partnership assets have been exhausted, for the contracts which may be entered into in the name and for the account of the partnership, under its signature and by a person authorized to act for the partnership. However, any partner may enter into a separate obligation to perform a partnership contract.

    Kung ang pagbabasihan po yang article na binigay nyo e pro rata nga ang pwedeng sagot. Kaya lang kung iintindihin mabuti ang article na yan, pro rata po yan not accdg to their capital contributions o kung ano man but as to the number of partners po. Ibig sabihin, kung 5 partners meron tayo, ang share ng isa is 1/5 of the liab at kung 6 naman 1/6 etc.. Yan po ang magbibigay ng rason naman sa isa pang sagot which is joint. D po kasi prinovide sa article yung ganyan e, ang sabi lang pro rata kaya may magsasagot nga ng pro rata.
  • bawal i-pledge ang naka-pledge na. Perfected sya through delivery so how come ma pledge yung second one. Sa mortgage pwede siya i mortgage ulit (Mortgage Sr. and mortagage jr.) hinahanap ko pa yung provisions pero sure ako dyan :)

    Yessss! Thanks :)
  • markidudelmarkidudel PEx Rookie ⭐
    Kung ang pagbabasihan po yang article na binigay nyo e pro rata nga ang pwedeng sagot. Kaya lang kung iintindihin mabuti ang article na yan, pro rata po yan not accdg to their capital contributions o kung ano man but as to the number of partners po. Ibig sabihin, kung 5 partners meron tayo, ang share ng isa is 1/5 of the liab at kung 6 naman 1/6 etc.. Yan po ang magbibigay ng rason naman sa isa pang sagot which is joint. D po kasi prinovide sa article yung ganyan e, ang sabi lang pro rata kaya may magsasagot nga ng pro rata.

    I think the article would have said "equally" and not "pro rata" if they mean to say what you have said. Stipulation naman lagi ang nasusunod, kung walang stipulation, edi capital contributions. Parang huli na lagi yung "equally", unless nasa stipulation. Just my 2 cents.

    Ang stipulation/s po ng partnership ay effective lang between the partners themselves except in certain cases like in limited partnership kung san pwede sabihin kung hanggang san lang liable ang limited partner. Kahit may stipulation po na 5:5:6 etc hindi na po papakialaman ng creditor yan, kasi hindi po sya affected ng stipulation na yon. Yung article po yun talaga yon. Yun po yung wording, pero magkakatalo sa interpretation.

    Well, as I've said, that's just my 2 cents, and that is my interpretation of the article. I'd go for "pro rata" if ang wording ng question ay katulad ng pagkakatanong ni 20jerome14. Besides, it is explicitly stated na pro rata. Chill lang. *okay* *okay* *okay*

    I did some searching. This is from "Notes in Business Law" by F.R.Soriano:
    9hibti.jpg
  • Liab to creditors kasi din ang tanong, hindi between the partners. And besides, hindi pwede maka pro rata share sa excess of liab over partnership assets ang industrial partner, kasi parang loss to partnership labas nun. Anyway, we have different interpretations. Hindi din naman tayo answer key. Haha. :rotflmao: Goodluck sating lahat! :)
  • markidudelmarkidudel PEx Rookie ⭐
    Liab to creditors kasi din ang tanong, hindi between the partners. And besides, hindi pwede maka pro rata share sa excess of liab over partnership assets ang industrial partner, kasi parang loss to partnership labas nun. Anyway, we have different interpretations. Hindi din naman tayo answer key. Haha. :rotflmao: Goodluck sating lahat! :)

    Check my reference. Industrial partner is only exempt from loss from operations, hindi sa liability from third parties.
  • markidudel wrote: »
    Check my reference. Industrial partner is only exempt from loss from operations, hindi sa liability from third parties.

    Yung reference nyo nadin po ang nagsabi, that the liability will be divided equally between the partners. Hindi po kaparehas ng pro rata ang "equally divided". At alam po natin na walang takas talaga ang industrial partner sa creditors, pero magkakright of reimbursement sya from the other partners. Dagdag ko lang kung pro rata po ang susundin ano pong basis ng pro rata? Pro rata as to what? Wala pong nakalagay sa article. I have read both notes in bl by atty soriano and law on parcorp by atty de leon. Sa libro po ni atty de leon nakalagay yung paliwanag tungkol sa pro rata na ginamit sa article. Hanapin ko pagkagising. Hahahaha anywaaaay may results naaa. 😁 congrats sating mga pumasa! 👍🏻
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    October 2015 CPA Board Exam Results

    12088326_1662234777387550_5160511712725753059_n.jpg?oh=982c1ba495721964a1b0bcc88f888c2d&oe=56C2FDE7

    kawawa naman yung isang hindi nakapasa sa UP

    S/O to BU..maganda Accountancy program nila

    12112351_1662236890720672_1334384642031689554_n.jpg?oh=7271400712f2fd39ad94fdcaeb260f3c&oe=568C7486
  • Pumasa na din ako :)
This discussion has been closed.