Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Catcalling

inviinvi PEx Influencer ⭐⭐⭐
“Miss, angkas ka na sa ‘kin”
I got catcalled this morning, on my way to work. I got catcalled last week. I get catcalled almost weekly. The picture below shows how I looked like earlier when I was waiting for my ride. MERON BANG MALI? Kabastos bastos ba yung suot ko? Forearm, leeg at mukha ko lang ang balat na nakikita, nakatawag pa din ba ng pansin? Ang putla putla ko, magulo ang buhok, attractive ba?
Gusto kong malaman sa mga lalake mismo, BAKIT GINAGAWA NG MGA LALAKE ITO?
“Good morning, miss ganda”
“Hatid na kita”
“Uwi ka na? Ingat ka ha”
“Ganda mo naman”
Lahat yan sinabi na sa akin. At alam kong LAHAT ng babae naranasan nang ma-cat call. Sa mga lalakeng nagbabasa nito ngayon, ipapaalam ko sa inyo anong pakiramdam ng isang babae pag ginaganyan nyo sila.
Nahihiya, hindi kumportable, natatakot, naiinis, nagagalit, nababastos.
Tuwing may nagaganyan sa akin, nanginginig ang buong katawan ko sa takot at inis.
Sabihin nyo nga sa akin? Ano’ng dapat kong gawin? Ano’ng dapat gawin naming mga babae para hindi nyo kami bastusin?
Pag may nag catcall sa akin, minsan gusto kong murahin kahit hindi naman ako nagmumura. Kanina gusto kong ituro sa mukha nung lalake yung middle finger ko. Pero natakot ako. Lagi akong takot. Paano kung bumaba sya ng bike nya, at patulan ako? Paano ako lalaban, eh ang hina hina ko?
Sumagi din sa isip ko ang sumigaw para mapahiya sya. Pero, natatakot ako. Natatakot ako na imbes na yung lalake ang mapahiya, sa norm ng society na ‘tin baka ako pa ang pag isipan na papansin kasi iisipin na “harmless naman yan, di ka naman hinawakan wag kang maarte ate, pa famewhore ka eh”.
Kayong mga lalake wala kayong idea kung anong klaseng discomfort ang binibigay nyo sa aming mga babae tuwing ginagawa nyo yan. Wala kayong idea kung gaano kami nappraning. Ako, ayokong mag public commute talaga, dahil yan ang isang sitwasyon na mapipilitan kang makisalamuha sa kung sino sino. Ayoko, hindi dahil maarte ako, ayoko kasi I feel unsafe.
Napansin ko, tuwing kasama ko ang boyfriend ko; NEVER AKONG NA CATCALL. Kahit kasama ko si Dave, yung kapatid ko NEVER akong nabastos.
So ganon? Pag may kasama kaming lalake, dun nyo lang kami marerespeto?
Mula highschool ako hanggang ngayon nangyayari pa din sakin yan.
Nung nagwowork pa ako sa BDO, so mini skirt at naka stockings ang uniform namin. Sumakay ako ng trike, sabi nung driver “Talagang may stockings ang uniform nyo?” Sabi ko “opo”. Sagot nya, “AHHH OK NGA EH, ANG SEXY”. Again, nanginig ako sa sobrang takot.
Lalo na nung college ako, nakasakay ako sa jeep. Medyo maluwag mga apat lang kami nakasakay so nakatagilid ako maupo at yung kamay ko nakahawak sa bakal nun bintana. Paghinto ng jeep may barker sa kanto, HINAWAKAN NUN BARKER YUNG KAMAY KO SABAY SABING “INGAT KA HA”.
Pagdating ko sa school, iyak ako ng iyak sa takot. Hindi ko makwento kahit kanino kasi NATATAKOT ako na sabihin ang arte ko. Pero ngayon, hindi na ko teenager. ENOUGH IS ENOUGH. Kaya ko ‘to pinost kasi naalala ko yung pamangkin kong si Zildjian. Balang araw, dadating yung time na maglalakad na din syang mag isa sa mga kalsada. HINDING HINDI KO KAYANG MAIMAGINE NA PAGDADAANAN NYA YUNG CATCALLING AT KUNG ANO ANG MAGIGING EPEKTO SA KANYA.
Naala ko nitong Sabado lang sa KalyeSerye, tinanong ni Lola Nidora “May balot na balot bang nababastos?” Sabi ni Tinidora “MERON!” Nung tinanong ni Nidora yun, sobrang nagsisigaw ako sa loob ko na “OO, MERON! Kung alam nyo lang iba na ang panahon ngayon. Walang pinipili ang mga BASTOS.”
Sa mga kagaya kong babae, I encourage you to speak up. They may be physically stronger but if we show them resistance then maybe this unfathomable practice of catcalling will end. Or at least become illegal sa bansa natin.
Also please, sa mga lalake dyan ipaliwanag nyo sa kin, bakit nyo yan ginagawa at ano ba ang dapat naming gawin para hindi na yan mangyari sa amin. </3 Kasi ako ang tingin ko, dapat may makulong dahil sa pag cat call, para tigilan nyo yang ginagawa nyo.

Read more at http://www.wheninmanila.com/look-netizens-post-on-catcalling-goes-viral/#qGR8DU660i1GJQ7C.99

Saw this on Facebook, and I'm sure most women can relate. May nababastos, natatakot... Ladies, what do you feel when you encounter this on the street?

To the men here, have you ever catcalled, and why do you do it? Bored, papansin, o di niyo lang ma-control? Be honest and pls explain. :lol:

To everyone, what can you say about her post? Is she right, or OA na ba reaction niya?

I'll go first. When I was younger, natatakot ako pag nakakaencounter ako ng ganito. I distinctly remember one time I went out at the street and I was wearing pambahay shorts when someone from the inside of a car catcalled me (I don't remember what he said pero sinigaw niya talaga from a moving car). I felt so uncomfortable that I went back home and changed my shorts. Kasalanan ko ba yun, dahil sa suot ko (which hindi naman talaga bastusin. What's wrong with white shorts?)? There were also times that I got so pikon (or I guess bad mood ako nun) that I responded by shouting curses at them or raising my middle finger. To be honest, I wanted to do that for so long and when I finally did it, it felt so good to fight back. :lol:

Ngayon naman, I guess nasanay na ako. Parang natanggap ko na ganyan talaga ang mga lalake (ganon ba talaga kayo?) kaya hindi ko nalang pinapansin. Kung bastos ka at walang modo at sisipol ka o bubusina o "ang sarap!" ang sabihin mo just to get attention, iintindihin ko nalang na siguro biologically di mo talaga ma-control yang kamanyakan mo. :lol:

Wishful thinking nalang na ihiling sa mga lalake na itigil yang pag catcall, so I guess medyo oa ang reaction nung babae, pero I'm sure most women understands how she feels.
«13456

Comments

  • -gelay--gelay- PEx Influencer ⭐⭐⭐
    invi wrote: »
    Saw this on Facebook, and I'm sure most women can relate. May nababastos, natatakot... Ladies, what do you feel when you encounter this on the street?

    i would respond with a MEOWWWW! or i RAWRRRR! when i'm feeling the need to intimidate the predator. ahahaha! :glee: :lol:

    but seriously, dedma mode lang. silence is the best way to shut someone up, as if wala kang nakita or narinig.
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    madalas ko yang naririnig sa mga kundoktor ng jeep/bus

    "idol/miss/ganda, sakay ka na dito...."

    kulang na lang, hilahin nila sa tabi nila yung babae para sumakay sa jeep/bus
  • parang pagtatapon ng upos ng yosi sa kalsada or patuloy na paniniwala na may tuwid na daan – hindi alam ng mga gumagawa na sobra itong/silang sablay.

    dati, naglalakad ako sa aurora ng mga hatinggabi, sinutsutan ako ng isang babae tapos sabi, "pogi, three hundred na lang." catcalling ba yun?

    :blowsmoke:
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    This may sound weird to some TNLs but I have never catcalled in my life.

    Actually yung bestfriend ko (lalake) ganyan ang ugali minsan. Pag ginagawa nya yan sinasabihan ko ng "Tit-tidi-dit-dit...Flirt". :lol:

    Sa ibang kaibigan kong lalake na na-experience kong nanggaganyan, ako yung nahihiya sa ginagawa nila. Pero di ako nananaway kasi nga its none of my business para sakin. Pwera na lang siguro kung GF ko o kapatid kong babae ang ginaganun (di ko pa naman na-experience sa mga naging GF ko).

    Yung 2 kong kuya, hindi rin ganyan ang ugali. May mga kapatid din kaming babae so siguro may ganung factor.

    Naalala ko nung tumutugtog yung banda ng ate ko sa isang bar nung high school ako, may isang lasing na nambastos sa kanya sa stage na sinigawan sya ng malaswa. Magkasama kami ng panganay kong kuya. Di kami naka-react kasi medyo may edad na yung mamang bastos. Pero nung lumabas na yung lasing sa bar at pumasok dun sa kotse nya, hinampas ng kuya ko ng bato yung windshield sabay takbo kaming dalawa. Nakatulog na lang ata yung mama dun sa loob ng di nya alam basag na salamin ng kotse nya. :lol:

    So yeah, we still exist. Di sa pagmamalinis o ano pero yan ang totoo. :)
  • ickoloraiickolorai PEx Rookie ⭐
    ako, kapag lasing lang.
  • BeerhandBopBeerhandBop PEx Influencer ⭐⭐⭐
    puro naman skwatter kasi yung mga nagsasabi sa kanya ng ganyan e. We can't do anything about that.

    us guys are actually scared of doing catcalls...
  • mel414mel414 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I'm a guy too, and the only thing I can say to those kinds of animals (I don't considered them as MEN), they are a bunch of MERVERTS- Mother-effing Perverts.

    Palibhasa kasi, hindi nabiyayaan ng kagwapuhan, o matinong itsura ang ilan sa mga ito. Hay, kasi naman, UMASTA nang naa-ayon sa ITSURA.

    At gaya ng sinabi ni Valorian, yes, I also hate it kapag ginagawa din yun ng konduktor o barker ng mga PUV. Sarap batukan, sa totoo lang. Parang walang mga nanay, lola, tita, o kapatid/pinsan na babae. Again, MERVERTS.

    Marahil kasi, sukang suka na din sa pagmumukha ng kanilang mga nobya/asawa. Kasi naman, kung pipili ng makaka-relasyon, pumili ng mala-Fiona, at HINDI MALA-SHREK. Pumili ng Beauty, WAG NG BEAST, ok?
  • iskwatter din ba sya?
  • Hindi ako nambabastos ng babae dahil ayokong mabastos ang aking nanay, kapatid na babae, pamangking babae, pinsang babae, atbp.

    Kasi NAG-IISIP ako dahil taong 2015 na.... :glee:
  • pusang_miyawpusang_miyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nakakainit ng ulo pero pag pinansin mo o pinatulan ngingisihan ka pa mas iinit lang lalo ulo mo.

    Mas mabuti pang dedmahin mo na lang at kunwari di narinig para hindi ma-satisfy yung pagpapapansin nila sayo.

    Saka wala naman disenteng lalake ang nagka catcall e, mga wala silang pinag-aralan, mga jeje, mga iskwa-kwa.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sayang at walang pakinabang na kilos yan para sa akin... Wala pa akong kilalang naka-iskor dahil sa pag-gamit ng catcalling... Kung type mo yung babae, lapitan mo at kausapin mo ng maayos, hindi yung isisigaw mo yung gusto mong sabihin...
  • XOXOLOLXOXOLOL PEx Rookie ⭐
    Nakakainit ng ulo pero pag pinansin mo o pinatulan ngingisihan ka pa mas iinit lang lalo ulo mo.

    Mas mabuti pang dedmahin mo na lang at kunwari di narinig para hindi ma-satisfy yung pagpapapansin nila sayo.

    Saka wala naman disenteng lalake ang nagka catcall e, mga wala silang pinag-aralan, mga jeje, mga iskwa-kwa.

    Agree!!!

    Sinasamaan ko rin ng tingin. May isang time minura ko na dahil sobrang badtrip ko. Ang taray ko daw wth.
  • Ang payo ko lang sa mga babae, kapag may gumawa sa inyo nito, ngitian at ilingan na lang ninyo. Karamihan naman sa kanila hindi kayo sasaktan.

    Ngayon kung pinagtangkahan kayong saktan, ilabas ang inyong taser/pepper spray/357 calibre baril at tiyak aatras na ang mambabastos.... :glee:
  • inviinvi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Actually, usual reaction ng babae is to ignore eh. Kaya minsan pag may babaeng palaban nagugulat sila.

    This I what she was wearing:

    4Unbq

    safe to say she looked 'balot na balot'.

    But how about those girls who like to dress in mini skirts, short shorts, form fitting clothes... Do you think they are asking for it?

    Minsan I get comments na because of the way I dress, I invite catcalls from men, and that I even do it on purpose. Do you agree with this?
  • invi wrote: »
    But how about those girls who like to dress in mini skirts, short shorts, form fitting clothes... Do you think they are asking for it?

    Minsan I get comments na because of the way I dress, I invite catcalls from men, and that I even do it on purpose. Do you agree with this?

    Sablay na katuwiran iyan. Katuwiran iyan ng mga Taliban na nais balot buong katawan ng mga babae. Katuwiran iyan ng mga mapang-api.... :glee:
  • true_orangetrue_orange PEx Veteran ⭐⭐
    Nakakainit ng ulo pero pag pinansin mo o pinatulan ngingisihan ka pa mas iinit lang lalo ulo mo.

    Mas mabuti pang dedmahin mo na lang at kunwari di narinig para hindi ma-satisfy yung pagpapapansin nila sayo.

    Saka wala naman disenteng lalake ang nagka catcall e, mga wala silang pinag-aralan, mga jeje, mga iskwa-kwa.
    ..mga slight na adik, if there's such a thing.

    Most of the time wala rin talaga mapapala sa Pagsaway sa kanila.

    When i was in my tweens, while binabantayan ko baby bro ko sa playground, may isang group na teenagers or early 20s siguro sila na humarang sakin, so in retaliation minura ko sila ng simple at mahinang p.i., and i was ready to fight mano y mano, then sabi nga matapang, halikan daw niya ako. Buti na lang dumating mom ko at kinawayan ako na umatras na lang ako.

    That's when i learned to fight only if i'm sure i got a chance of winning.

    Sa LRT, pag may dumidikit kahit hindi rush hour, pasimpleng ikot sabay jab ng siko binibigay ko. Pag kasama ko si BF noon, may mga binabatukan siya pag halatang nambabastos na.

    Ngayon, wala na eh. :lol: baka naumay na sila sa legs ko or mahina na tenga ko. :lol:
  • mcsteamy17mcsteamy17 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Miss, maganda ka pa sa mga gulay ko... bili ka na po...









    ...aaahhhh... :dizzy:
  • pusang_miyawpusang_miyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    invi wrote: »
    Actually, usual reaction ng babae is to ignore eh. Kaya minsan pag may babaeng palaban nagugulat sila.

    This I what she was wearing:

    http://uploadpie.com/4Unbq

    safe to say she looked 'balot na balot'.

    But how about those girls who like to dress in mini skirts, short shorts, form fitting clothes... Do you think they are asking for it?

    Minsan I get comments na because of the way I dress, I invite catcalls from men, and that I even do it on purpose. Do you agree with this?

    It is unfair na sabihang you were asking for it just because you want to wear skimpy clothes. Saka wala yan sa pagsusuot marami lang talagang mga lalaking Pinoy ang parang asong ulooool na walang pipiliing bastusin basta mapagtripan nila tulad na lang ng babae sa picture na wholesome naman ang pananamit.

    Dito sa ibang bansa ko na-appreciate yung freedom sa bagay na yan. Dito kahit anong suutin ko walang babastos, walang sisita walang lalakeng parang loser na magkaka-catcall. Kung meron mang gagawa nun mga taong lasing o dodgy guys pero hindi yun ganun ka common unlike sa Pinas.

    Sa Pinas mag sleeveless lang big deal na, mag skirt lang kahit di kaikliaan may pukinginang mamboboso na, naka suot ka lang ng school uniform pagfa fapfapan na. Hindi mo kailangan magsuot ng slutty para mabastos ka. Ganyan ka loser karamihan ng lalake sa Pinas.

    Dito I can dress up all I want. Parang ang sarap ng ginhawa na makakasuot ka ng shorts shorts, spaghetti strap top, kita cleavage, kita tiyan, bikini, etc etc. na walang mamanyak sayo. Yang ganyan medyo wholesome pa yan pero ang hirap isuot sa Pinas. Pag nakita nilang magsuot yung mga puting babae dito na kita kuyukot, see through dress, kita thongs etc etc baka dumugo ilong nilang mukhang ginisang pagong.
  • Adore_Deli_GinAdore_Deli_Gin PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I don't do catcalls sa mga babae.

    I have this belief na walang breeding ang lalakeng nagca-catcall, mapamayaman man siya o mahirap.

    Though you cannot immediately assume that you've been catcalled when you're addressed as ganda, etc. Filipinos tend to uplift the status of another in a conversation. Taxi drivers address male passengers as pogi. Male passengers address the taxi driver as boss or chief.
  • Alpha_GreenAlpha_Green PEx Influencer ⭐⭐⭐
    4Unbq

    Ito ba ang babaeng binastos?

    my god, WALANG KA APPEAL APPEAL.

    Its either this story is fake or may topak yung mga nag cat call.
Sign In or Register to comment.