Home PEx Classifieds Notices and Announcements

Scammer: Reden Sagun Velasco of RedVel Trading

Scammer: REDEN SAGUN VELASCO of RedVel Trading

REKLAMO:
Nais po naming ipagbigay-alam sa publiko na mag-ingat po na makipag-transaction sa taong ito. Kami po ay ilan lamang sa kanyang naging "angel investors" simula pa noong year 2009 ng unang mag-alok siya ng investment scheme na may pamagat na "DON'T LET UR MONEY SLEEP Earn as much as 5% interest per month" sa Pinoymoneytalk.

Ayun sa kanya, siya ay dating may pinapatakbong car rental, pawnshop, lending, casino financing, printing, lugawan, mini-drugstore, atbp. Ngunit simula noong 2010, siya ay hindi na nakapagbayad ng buwanang interes sa kanyang mga investors. Hindi na rin nya naisaoli ang mga capital na perang naiinvest sa kanya. Panay pangako na lamang ang ginawa ng taong ito, at ayaw na ring makipagkita ng personal. Tumalbog na rin ang kanyang mga inisyung tseke. Nakakalungkot isipin na may ilang investors ang naglagak ng milyones sa kanyang negosyo, yung iba naman ay daang libong peso pababa.

Sa kasalukuyan ay mayroong mga pending demand letter at warrant of arrest para sa taong ito. Huli siyang namataan ng isang investor na nasa loob ng Resorts World Casino sa Pasay. Ang kanyang itsura at porma ay medyo iba na daw. Mukhang tumaba at reddish brown ang buhok, pero malamang magpabago uli siya ng kulay. Hindi na rin siya mahagilap sa kanyang dating tirahan sa San Pedro, Laguna.

Hindi na kami umaasa na maibabalik pa ng taong ito ang perang pinaghirapan namin, dagdag pa ang mabagal na hustisya dito sa Pilipinas. Naway magsilbing babala na lamang para sa iba na huwag maging "angel investors" nya at mapaniwala sa pangako na kikita kayo buwan-buwan basta maglagak lamang kayo ng pera!!!

Sa makakakita sa taong ito, pwede nyo pong itawag sa NBI, sa alinmang istasyon ng pulis, o ipagbigay sa mga nabiktimang investors sa mga numerong:
09165221688
09067709986
09158808182
09391998803
09228675404
09183879797
09175995822
09225880855

Sa iba pang detalye ng tinatakbo ng kasong ito, pumunta lamang sa Pinoymoneytalk under "Scams / Possible Scam Discussion"

SHARE po natin para hindi na makapangloko ang taong ito. Salamat po...

Comments

  • AgapitoAgapito PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Akala ko lahat ng tao sa Pilipinas ay naging biktima na ng Ponzi Scam. Meron pa palang natitirang mga virgin.....
Sign In or Register to comment.