Home PEx Family and Society Parenting 101

RA7610, what would you do if you find out that your baby's nanny has been hitting him

It was five months ago when my wife and I found out from the other nanny that our baby boy has been maltreated by his very own nanny.

Maraming nagsumbong na sa amin na it has been months na ginagawa na pala ng yaya ng baby namin na sinasaktan siya. She was nice noong una. Pero yung last three months niya, nagulat kami dahil ang kwento ng isang yaya at mga kasambahay na kinukurot, ibinabagsak ang baby namin, at kinakatok daw ang ulo para i-prove na matigas ang ulo ng baby namin.

Noong isang araw, lumabas na ang warrant of arrest niya dahil hindi niya sinagot sa korte ang liham na mag-explain sa side niya. Nagmamakawa ngayon ang mga magulang niya na iurong namin ang kaso.

Ang sa akin lamang, hindi na lang siya naawa sa anak namin noon. Kung may sama siya ng loob sa amin, bakit baby namin ang gagantihan niya? My wife wants to continue the case dahil baka daw magawa niya ito sa ibang tao kung sakali.

Mabigat daw na kaso ang violation of RA7610. Totoo ba na kung di man namin ituloy ang kaso ang DSWD ang hahabol sa kanya?
Sign In or Register to comment.