Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

WISH I MAY (Bianca, Miguel, Alex, Camille, Mark Anthony, Rochelle)

ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
Instagram pic of Tracy Baky:

Maybe this time❤️ Soon on [#]gma[/#] [#]afternoonprime[/#] [#]powerfulcast[/#] [#]kapuso[/#] [#]migueltanfelix[/#] [#]biancaumali[/#] [#]rochellepangilinan[/#] [#]biguel[/#] [#]alexderossi[/#] [#]camilleprats[/#] [#]markanthonyfernandez[/#] [#]showsomeppllove[/#]

11849141_521826624636817_718581770_n.jpg

Instagram pic of Alessandra de Rossi:

Abangan!

11875437_1105612779450380_1262535474_n.jpg

Ito na papalit sa The Half Sisters. ;)
«134

Comments

  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Instagram pic of Miguel Tanfelix:

    With Bianca here at the story con. of our newest teleserye, Maybe This Time. 🔜 [#]MaybeThisTime[/#] [#]BiGuelMaybeThisTime[/#] (c) @michaelfoz

    11910226_1613471518905644_687735025_n.jpg

    Instagram pic of Michael Foz:

    Miguel Tanfelix @migueltanfelix_ and Bianca Umali @bianca_umali being interviewed by the press here at the story con. of Maybe This Time. [#]MiguelTanfelix[/#] [#]BiancaUmali[/#] [#]BiGuel[/#] [#]BiGuelMaybeThisTime[/#]

    11326145_814553018642710_967218159_n.jpg
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Instagram pic of Elizabeth delos Reyes Rivera:

    [#]MaybeThisTime[/#] top bills by Bianca Umali and Miguel Tan Felix! For GMA7's Afternoon Prime! Casts (left to right) Neil Ryan Sese, Rochelle Pangilinan, Alessandra de Rossi, Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Bianca Umali and Miguel Tan Felix! Directed by Neil del Rosario. Soon!

    11906182_1626677837620226_512485488_n.jpg
  • Wow, some of the "Munting Heredera" casts. Mark - Camille - Neil. Love it!!! :D
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    MODERATORS - Please merge this with the other MAYBE THIS TIME thread... thank you....
  • vernalvernal PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Wow Mark Anthony and Camille again! *okay*
  • bodyworxsbodyworxs PEx Rookie ⭐
    Mabubuhay uli ang Camille-Mark Anthony fans. [#]CamMark[/#]
  • bodyworxs wrote: »
    Mabubuhay uli ang Camille-Mark Anthony fans. [#]CamMark[/#]

    Isa na ako don. I will always love Jacob and Sandra x Mark Anthony and Camille. :D CobRa Fans asan na? Hahahaha
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Journal, Aug. 27, 2015

    ni Nitz Miralles

    Nag-story con. na para sa bagong soap na pagtatambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at may title na Maybe this Time sa direction ni Neal del Rosario.

    Matsa-challenge nito ang magka-loveteam dahil kasama nila sa cast sina Camille Prats at Alessandra de Rossi na kilalang mahuhusay na aktres.

    Kabilang pa sa cast sila Mark Anthony Fernandez, Neil Ryan Sese at Rochelle Pangilinan at tiyak na marami pa ang madadagdag sa cast habang tumatakbo ang story.

    Mas bagay sa edad nina Miguel at Bianca ang title ng soap nilang Maybe this Time kesa naunang napiling title na Womb for Hire.

    Sa title pa lang, parang sobrang bigat na ang story, kaya may ilang BiGuel fans na nagprotesta.

    Ang Maybe this Time raw ang ipapalit sa The Half Sisters. Ibig sabihin, magti-taping na agad kung totoong hanggang first week na lang ng September ang airing ng hit afternoon soap nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

    May tsika kasing sa October pa magtatapos ang The Half Sisters at humihirit ang cast na paabutin na lang ng December para masaya ang Pasko nila.

    Tingnan natin kung ano ang desisyon dito ng GMA-7.
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    GMA Network, Aug. 27, 2015

    LOOK: The faces of GMA's upcoming drama, 'Maybe This Time'

    Here's an initial look at the fabulous cast of GMA's new family drama, 'Maybe This Time.'

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__the_cast_1440653133.jpg

    (L-R) Executive Producer Jojo Aleta, Neil Ryan Sese, Rochelle Pangilinan, Alessandra de Rossi, Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Bianca Umali, Miguel Tanfelix and director Neal del Rosario.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__biguel_1440653150.jpg

    The tandem of Miguel Tanfelix and Bianca Umali will once again bring on the kilig.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__bianca_umali_1440653163.jpg

    Bianca Umali will play Carina, a daughter constantly vying for her mother's love.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__miguel_tanfelix_1440653210.jpg

    Miguel Tanfelix is Tristan, a friend and inspiration to Carina.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__camille_prats_1440653232.jpg

    Camille Prats will play Olivia, a mother who must fight to get her daughter back.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__rochelle_pangilinan_1440653269.jpg

    Rochelle Pangilinan is Audrey, the mother of Tristan.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__neil_ryan_sese_1440653299.jpg

    Neil Ryan Sese will be the money-hungry Gabo.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__mark_anthony_fernandez_1440653316.jpg

    Mark Anthony Fernandez is Clark, a playboy who will fall in love with Olivia.

    look__the_faces_of_gma_s_upcoming_drama___maybe_this_time__alessandra_de_rossi_1440653336.jpg

    Alessandra de Rossi will play Loreta, Clark's spiteful ex-girlfriend.

    photos by Elisa Aquino
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Phil. Entertainment Portal, Aug. 28, 2015

    18eff2ca7.jpg

    photo by Noel Orsal

    Miguel Tanfelix on being careful about social media posts: "Huwag lahat ilabas."
    by Rommel Gonzales

    [snip]

    BIGUEL LOVETEAM. Samantala, kahit sila pa rin ngayon ang magkapareha sa Kapuso sitcom na Ismol Family, malulungkot daw si Miguel kung hindi si Bianca Umali ang makakasama niya sa susunod niyang teleserye.

    Ang huling teleseryeng pinagsamahan nila ay ang Once Upon a Kiss.

    Pahayag ni Miguel, “E, kasi, may Ismol naman, kaso parang iba, e, iba.

    "Kasi, kumbaga, parang kami ni Bianca, tantiyado na namin, e. Gamay na namin yung isa’t isa.

    “Masaya ako pag kasama ko si Bianca sa taping. Iba yung energy ko.”

    Pero wala namang dapat ipag-alala si Miguel dahil si Bianca muli ang kapareha niya sa bagong drama series na sisimulan ng GMA Network, ang Maybe This Time.

    Nagkaroon na nga sila ng story conference noong Lunes, August 24, at posible namang umere ito sa October.

    "Maybe this time" ba ay liligawan na ni Miguel si Bianca?

    “Hindi pa,” tugon ni Miguel.

    Bakit?

    “Kasi bata pa,” nakangiting sabi ng binata.

    Sixteen years old si Miguel at 15 naman si Bianca.

    Wala naman daw sinasabing edad ang mga magulang nila kung kailan sila puwedeng magligawan.

    “Basta, 'pag settled ka na, 'pag alam mong kaya mo nang mag-girlfriend,” sabi raw ng mga magulang ni Miguel sa kanya.

    [snip]
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Journal, Aug. 29, 2015

    ni Nitz Miralles

    Totoo na raw ito, sa October 2 na ang ending ng The Half Sisters at papalitan ito ng Maybe This Time nila Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Alessandra de Rossi at ang loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

    Kung magtatapos sa Oct. 2 ang The Half Sisters, magpa-pilot sa Oct. 5 ang Maybe This Time sa direction ni Neal del Rosario.

    Hindi isyu sa dalawa na sa afternoon ang timeslot, ang importante, maganda ang story ng soap nila.

    Samantala, after Cherie Gil, si Ruru Madrid ang bagong papasok sa The Half Sisters at gagampanan ang role ng anak ni Cherie at manliligaw ni Barbie Forteza.

    Excited na si Ruru na muling makatrabaho si Barbie.
  • CarlymeCarlyme PEx Rookie ⭐
    Excited na ako kina Mark at Camille. Nag start na kaya sila ng taping?
  • JaehuJaehu PEx Influencer ⭐⭐⭐
    badboyherras
    Katukayo.... [#]MaybeThisTime[/#] [#]Taping[/#] [#]Gma7[/#] [#]MarkAnthonyFernandez[/#] 

    11881833_905860459483113_452208249_n.jpg
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    GMA Network, Sept. 9, 2015

    Camille Prats teases new drama 'Maybe This Time'
    by Marah Ruiz

    Kapuso actress and heavy drama favorite, Camille Prats has started taping for her new drama, Maybe This Time.

    She teased her Instagram followers with a composite of screens showing her and co-star Mark Anthony Fernandez.

    11899713_924084767670846_1182217223_n.jpg

    Camille is set to play the good-natured Olivia, while Mark Anthony will be Clark, a reformed playboy who will fall in love with her. Due to unforeseen events, the couple will have to part even though they have a child together — Carina, who will be played by Kapuso tween actress Bianca Umali.

    Aside from Camille, Mark Anthony and Bianca, this unique drama will star Miguel Tanfelix, Alessandra de Rossi, Rochelle Pangilinan and Neil Ryan Sese.

    Maybe This Time, coming soon on GMA Afternoon Prime!
  • SolvaySolvay PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mark Anthony and Camille Prats again! :love: Mabubuhay nanaman ang JacSan (Jacob-Sandra of MuHer) this time ipa trending na yan! :lol:
  • Kailan ang airing ng Maybe This Time?
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Phil. Entertainment Portal, Sept. 18, 2015

    39d6879b0.jpg

    photo by Noel Orsal

    Miguel Tanfelix and Bianca Umali say there’s no difference doing primetime and afternoon soaps
    by Arniel C. Serato

    [snip]

    MAYBE THIS TIME. Masaya ring ibinalita nina Bianca at Miguel na nakapag-taping na sila para sa bago nilang soap, ang Maybe This Time.

    Ilang buwan na mula nang natapos ang primetime series na pinagsamahan ng dalawa sa GMA, ang Once Upon a Kiss.

    Sabi ni Bianca, “Nakapag-shoot na po kami.”

    Dagdag ni Miguel, “Nakapag-second taping na kami.”

    Ang naturang serye ang papalit sa babakantehing timeslot ng The Half Sisters na magtatapos na sa susunod na buwan.

    Kuwento pa ni Miguel, “Mga bigating artista po ang kasama namin dito at ang daming twists na mangyayari.”

    Ano ba ang pagkakaiba nito sa nauna nilang pinagbidahang soap na Once Upon a Kiss?

    Sagot ni Bianca, “Kung ikukumpara nila sa Once Upon a Kiss, dito po, medyo may halong bigat, may halong hugot.

    “Kumbaga, ibang side naman po namin ni Miguel ang mapapanood nila.”

    Dugtong ni Miguel, “Kumbaga, noon nakita nila yung lighter side nung BiGuel, ngayon makikita nila yung lalim, may pagdadaanan kaming mas mabigat na problema.”

    FROM PRIMETIME TO AFTERNOON PRIME. Ikinatuwa rin ng dalawang Kapuso stars na tuluy-tuloy ang mga proyektong ibinibigay sa kanila ng GMA na magkasama sila.

    Sa ngayon daw, mas lalong tumibay ang kanilang teamup.

    Ano ang pakiramdam nila na mula sa primetime programming ay mapupunta sila sa panghapong timeslot?

    Ayon kay Miguel, “Sa amin, wala namang problema sa amin ni Bianca.

    "Basta sa amin, blessing pa rin na magkatrabaho ka.

    "And para kasi sa amin, bago kasi yung afternoon prime, na magkasama kami.

    “Iba yung audience, 'yun yung exciting du'n.”

    Sabi naman ni Bianca, “Wala naman talaga kaming nakikitang difference between shows on primetime and shows on afternoon prime, so 'yun po.

    “We still do our best, kung paano po namin ginawa yung prime, kung paano po kami umarte, still the same process, kung paano po namin ginagawa ang pag-akting.”

    Makakasama nina Miguel at Bianca sa Maybe This Time sila Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Neil Ryan Sese, at Alessandra de Rossi.

    Sana rin daw ay maabot nila ang tagumpay ng papalitan nilang show na The Half Sisters, na umabot sa halos isa’t kalahating taon sa ere.
  • geseptembergeseptember PEx Influencer ⭐⭐⭐
    11221768_878912652200437_1275169811775044365_n.jpg?oh=0f32204a4bf014b2b754a4143cbe5eb6&oe=5692E244

    kapuso teen loveteam Miguel Tanfelix and Bianca Umali won the FAMAS Awards German Moreno Youth Achievement Award.
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Pil. Star Ngayon, Oct. 3, 2015

    SEEN: Sa October 26 ang pilot telecast ng Maybe This Time, ang afternoon teleserye ng loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na ipapalit ng GMA 7 sa The Half Sisters na magwawakas sa October 23.


    Kailan ba talaga ang pilot nito:?: May lumabas na hanggang Oct. 30 daw ang THS, ngayon naman eh Oct. 23. :confused:

    Wish I May na ang title nito, nasabi sa Eat Bulaga kanina. ;)
Sign In or Register to comment.