Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA Network: DESTINY ROSE

ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
[instagram]


director: Don Michael Perez

cast:
Katrina Halili
Sheena Halili
Jackie Lou Blanco
Manilyn Reynes
JC Tiuseco
Ken Chan
Ken Alfonso
Fabio Ide

Ito ba papalit sa Healing Hearts (Afternoon Prime serye):?:
«1345

Comments

  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    [instagram]
  • Anyareee GMA? Hindi na naman pinagisipan ang casting.... Sino naman interesting sa kanila?? Haayyyyy
  • Based sa nakita ko sa Twitter, Transwoman si Destiny Rose :) I'm just not sure kung transwoman din talaga ang gaganap or isa kina Katrina at Sheena ang gaganap
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    ito siguro papalit sa Healing Hearts... :hmm:
  • etxeteraetxetera PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Bakla..tomboy... transgender ???? kaliwat kanang kaliwaan puro heavy plot na masakit sa ulo :bash: :bash: di pa ba naamoy ang formula - bakit ba hit ang AlDub simple lang lang man + woman with chemistry = kilig moments tumbling na lahat :rolleyes::rolleyes::rolleyes:
  • meowmeowkdollmeowmeowkdoll Kapuso Elite ⭐⭐
    etxetera wrote: »
    Bakla..tomboy... transgender ???? kaliwat kanang kaliwaan puro heavy plot na masakit sa ulo :bash: :bash: di pa ba naamoy ang formula - bakit ba hit ang AlDub simple lang lang man + woman with chemistry = kilig moments tumbling na lahat :rolleyes::rolleyes::rolleyes:

    di naman pwede na palaging ALDUB na lang, baka magsawa na ang mga tao sa kanila.
    atsaka, Afternoon Prime naman itey! Gusto mo bang ilagay ang ALDUB sa hapon:?: :rolleyes: Might as well kung gagawa sila ng serye, sa Telebabad na. :bop:

    Keri lang sakin yang Transgender serye, edgy na rin compare sa typical serye na mga nagkakawalaang magnanay! :lol:
  • I heard si Ken Chan pala talaga ang bida dito. Siya si Destiny Rose :D In fairness naimagine ko na sya na naka-drag. Pretty! :love:
  • PIK: Finally, mabibigyan na rin ng break ang isang alaga ni Kuya Germs na si Ken Chan.

    Si Ken ang kinuhang bida sa isang bagong drama series ng GMA 7 kung saan gaganap siya bilang isang transvestite.

    Kakaiba ang kuwento at sa rami ng mga nag-audition para gumanap sa mapanghamong role, si Ken ang bumagay kaya malaking pagbabago raw ito sa kanyang career.
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    GMA Network, Aug. 18, 2015

    Ken Chan, bibida bilang isang transwoman sa 'Destiny Rose'
    ni Cherry Sun

    ken_1439879058.jpg

    Akala ni Ken Chan ay isang ordinaryong audition lang ang kanyang pinuntahan kaya’t laking gulat at saya niya nang mapiling gaganap sa title role ng upcoming Afternoon Prime drama, ang Destiny Rose.

    “Talagang full make-over ang ginawa sa amin. Tapos, pinalakad kami, pinaarte kami, pinaiyak din kami,” pag-alala nito sa 24 Oras.

    Itinuturing big break ito ni Ken kaya naman kaagad siyang naghanda.

    Aniya, “Inaral ko talaga lahat, kilos, yung galaw, yung ugali nila, how they move, yung mga mannerisms. Lahat ‘yun inaral ko and nakisalamuha rin ako sa mga transwomen.”

    Ang gaganap na love interest ni Ken bilang Destiny Rose ay ang Kapuso hunk na si Fabio Ide.

    “We just gonna have to probably do some workshops to break that wall being two guys who’d be in love. But I think it’s gonna be good,” bahagi ni Fabio.
  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru 🎖️🎖️
    Yay! A big break for Ken Chan :love:
    Mas deserving naman siya magkaroon ng projects kesa yung mga ibang alaga ni Germs na palaging meron project, pero waley pa rin ang acting :bop: :glee:
  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Ken Chan:rotfl::rotfl:

    susme wala ng option kundi mga alaga ni Germs na lang ba?:lol:
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Pil. Star Ngayon, Aug. 21, 2015

    ni Sol Gorgonio

    PAK: Sobrang manghang-mangha ang production staff ng binubuong drama series ng GMA 7 na Destiny Rose sa ganda ni Ken Chan nang inayusan itong girl.

    Isang transvestite ang gagampanan ni Ken, at malaking challenge raw ito sa kanya dahil first time niyang gumanap bilang isang trans girl.

    Nasilip namin ang look test nito at nakakamangha nga ang ganda ni Ken.

    May ayos si Ken na kamukha ni Pia Guanio, meron ding kamukha niya si Toni Gonzaga at si Rachelle Ann Go.

    Pati sa mga pilantik ng mga daliri ni Ken ay girl na girl talaga, kaya sobrang na-internalize na niya ang role ng isang girl.
  • meowmeowkdollmeowmeowkdoll Kapuso Elite ⭐⭐
    [instagram]


    [instagram]


    young Ken Chan si Miggs? :lol:
  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru 🎖️🎖️
    Umm... on Walang Tulugan just now, nagpasalamat si Ken Chan sa magandang ratings ng pilot episode daw. :wow2:
    Grabe, hindi pa naman nagsimula. :lol:
  • kwaeguhlkwaeguhl PEx Veteran ⭐⭐
    Matagal ko nang inaabangan magbida itong si Ken Chan simula noong napanood ko yung Pond's webenovela niya sa Youtube. Anlakas kasi maka-Thai celebrity ng pez niya.

    Nakakaloka naman yung role niya :bop: Sana man lang mala-Love Sick o Hormones yung launching show niya. Pero pwede na rin, aabangan ko ito.
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    Ken Chan, bibida bilang transwoman sa afternoon seryeng Destiny Rose‪‬ soon on GMA

    11825747_1128542797173679_4508657632005332163_n.jpg?oh=dc79045e81db2eef5fd9274fd68cc584&oe=56795493
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Phil. Entertainment Portal, Aug. 25, 2015

    8370ad9dd.jpg

    photo by Noel Orsal

    Katrina Halili reveals getting an offer from TV5 before
    by Rey Pumaloy

    May kasunod nang project si Katrina Halili sa GMA Network matapos ang pagwawakas sa ere ng primetime series na The Rich Man’s Daughter.

    Ito ay ang Destiny Rose, isang transgender story na pagbibidahan ni Ken Chen.

    Gaganap si Katrina dito bilang third wheel sa pagmamahalan ni Ken at ng Brazilian-Japanese model/actor na si Fabio Ide.

    Ang panibagong trabahong ito ang dahilan kung bakit ipinako na ni Katrina sa sarili ang salitang “loyalty.”

    Wala raw sa isip niyang lumipat pa sa ibang network.

    “Masaya na po ako sa GMA, hindi naman po nila ako pinababayaan,” sabi ni Katrina sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

    Mula nang magsimula siya sa showbiz noong 2007 at tuwing magtatapos ito kada dalawang taon, lagi naman siyang nire-renew ng istasyon.

    [snip]
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    GMA Network, Aug. 26, 2015

    LOOK: Ang pagbabagong anyo ni Ken Chan para sa 'Destiny Rose'
    by Michelle Caligan

    ken_chan_1440587604.jpg

    Dahil sa nalalapit na pagganap niya bilang Destiny Rose, na-realize ni Kapuso actor Ken Chan na hindi pala madali ang maging isang babae.

    Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ipinasilip ang transformation ni Ken para sa kanyang kakaibang role.

    "Talagang pinili po kung ano ang perfect na buhok for her, kung ano ang perfect outfit, perfect makeup, lahat," kuwento niya.

    Very supportive naman ang kanyang female co-stars na sila Katrina Halili, Sheena Halili at Manilyn Reynes.

    May iminungkahi nga raw si Katrina sa young actor.

    "Sabi namin, bumili siya ng waist trainer para mas lumiit ang waist niya, at saka yung tayo niya. Nakakatulong 'yun."

    Si Sheena naman, tinutulungan si Ken sa paghahanap ng pegs. ""Iba yung pagiging Destiny Rose, 'di ba? So hinahanapan namin siya talaga ng babaeng puwede niyang i-peg."

    "Sabi ko huwag siyang matakot. He should feel free to act kasi bibihira ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon," payo ni Manilyn.
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Journal, Aug. 27, 2015

    ni Nitz Miralles

    Nag-first taping day na nga ang Destiny Rose, ang bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Ken Chan.

    Launching soap ito ng aktor na nag-audition sa role ni Joey na magiging si Destiny Rose, isang transwoman.
    Ang daming nag-audition sa nasabing role, pero si Ken ang napili.

    Sa pictorial, nag-ayos babae na si Ken at may anggulo raw na kamukha niya si Cristine Reyes.

    Tatlong wigs ang ginamit ni Ken sa pictorial at ang bawat wig ay nagkakahalaga ng P48,000.

    Masaya si Ken dahil hindi pa man airing ang Destiny Rose, trending na agad. Mas magti-trending pa ito ’pag umeere na simula September 7, kapalit ng Healing Hearts.

    Bilang paghahanda sa kanyang transwoman role, pina-wax ni Ken ang lahat ng buhok sa katawan maliban sa buhok at kilay.

    Kina-career niya ang role at nangakong hindi sasayangin ang big break na binigay ng GMA-7 sa kanya.

    Mula ito sa direction ni Don Michael Perez at kasama sa cast sila Manilyn Reynes, Sheena Halili, JC Tiuseco, Fabio Ide at Katrina Halili.

    Tumutulong sila Manilyn, Sheena at Katrina na maghanap ng girl na gagawing peg ni Ken.
  • etxeteraetxetera PEx Influencer ⭐⭐⭐
    di naman pwede na palaging ALDUB na lang, baka magsawa na ang mga tao sa kanila.
    atsaka, Afternoon Prime naman itey! Gusto mo bang ilagay ang ALDUB sa hapon:?: :rolleyes: Might as well kung gagawa sila ng serye, sa Telebabad na. :bop:

    Keri lang sakin yang Transgender serye, edgy na rin compare sa typical serye na mga nagkakawalaang magnanay! :lol:

    Not referring to Aldub na mag-primetime serye that will be overkill mas prefer ko movie lang sila what I'm referring is the formula na minsan mas magandang mag back to basics mas na-aappreciate ng viewers.
Sign In or Register to comment.