PEx Playlists Official Thread

yestoyesto Administrator PEx Admin
Every story has a tune. TeamPEX will share you our current playlist depending on certain themes which inspire us. Feel free to share yours also.

Do you have a theme in mind? Just let us know and we'll find the right song for it.

Saang eksena ka pinaka nakakarelate?

Sign in to vote!
This is a private poll: no-one will see what you voted for.
«1

Comments

  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    PEX PLAYLIST PRESENTS: Kwentong Hugot featuring SoundCloud Philippines

    Nakatulala ka na naman sa kawalan habang iniisip ang ultimate Star Cinema-inspired moment na matagal mo nang binubuo sa utak mo. Sige, sabayan natin ng tagos sa pusong musical scoring para mas maramdaman mo na si Cathy Garcia-Molina ang nasa likod ng mga eksenang iyan. A perfect hugot scene deserves a perfect theme song. Kaya, ipinakikilala ng PinoyExchange at SoundCloud Philippines,ang kanilang musika at kwento sa likod ng himig na pwedeng istorya rin ng puso mo.

    UNANG EKSENA: Gusto mo siya. Alam niya na gusto mo siya pero hindi ka sigurado kung pareho ba kayo ng musikang pinakikinggan. Sabi ng utak mo, tama na, pero you believe in risks at handang tumuloy ang puso mo. Pero kahit puso mo marunong din namang mapagod. Hanggang kelan ka lalaban? Takbo! Pwedeng sa direksyon niya; pwedeng ring palayo sa kanya.

    SONG: Chasing Pavements
    PERFORMED BY: NAT CASILLAN

    [soundcloud]

    IKALAWANG EKSENA: Hindi mo naman first time ma in-love. In fact, ilang beses ka nang naniwala na pwedeng siya na nga ang forever mo. Pero kahit sinubukan mong panindigan ang definition ng better-half, palagi ka namang nasasaktan. Papaniwalain kang mahal ka pero iiwan ka. Tapos heto na naman,may isang darating na magpapatibok ng gullible mong puso. May tako-takot masaktan, takot maiwan pero mas takot kang mawala pa siya kung hindi mo sasabihin na gusto mo siya. Bahala na si batman.

    SONG: Fallin
    PERFORMED BY: KEIKO NECESSARIO

    [soundcloud]

    IKATLONG EKSENA: Mesmerized ka parin sa kanya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng partner na crush ng bayan. Who would have thought na yung pinapangarap ng lahat eh ikaw ang pinili? Kahit gaano pa kahaba ang byahe, kahit ilang humps pa ang daanan niyo, wala ka nang pakialam basta’t kasama mo siya.

    SONG: PASSENGER SEAT
    PERFORMED BY: KENNARD FARAON

    [soundcloud]

    IKAAPAT NA EKSENA: Minsan, may isang tao ka na makikilalangsa una pa lamang na pagtatama ng inyong mga mata, alam mo nang mas may malalim na kwentong pwedeng mabuo. Minsan lamang magtugma ang puso at pagkakataon. Kung tadhana na ang gumawa ng paraan para makilala mo siya, sino ka nga ba para humadlang pa?

    SONG:TADHANA
    PERFORMED BY: Emme Celera

    [soundcloud]

    IKALIMANG EKSENA:Ilang tao na ba ang nagsabi sa’yo na move-on? Ilan na din silang sumubok na iuntog ka sa pader nang paulit ulit. Pero mas pipiliin mong gamitin ang pader para mag walling at damdamin ang sakit ng pag-iwan sa’yo. Aminin mo, umaasa ka pa kahit alam mong kailangang kalimutan mo na siya. Here’s a classic example of you trying to move forward and your feelings looking backward. Sa mga gabing nasa isip mo siya,tingin mo ba, iniisip ka parin niya?

    SONG: GABI
    PERFOMED BY DREXLER CRUZ

    [soundcloud]

    IKAANIM NA EKSENA:Paano kung yung taong dahilan ng pag-iyak mo eh siya din naman ang dahilan ng pagngiti mo? Ang gulo diba? Eh, ganyan din naman talaga ang pag-ibig. Hindi perfect; never ito magiging perfect. Pero may kakaibang lakas ang mga taong handang harapin ang bawat imperfections. Kahit ano pang gulo ng mundo mo, kahit siya pa ang dahilan ng sakit ng ulo mo, fight lang… Mahal mo eh!

    SONG: Clarity
    PERFORMED BY: Ivan Ortiz

    [soundcloud]

    IKAPITONG EKSENA: Ano nga ba ang feeling ng in love? You know you feel it but it’s subjective. Basta ang alam mo lang,masaya ka at feeling mo magagawa mo ang kahit ano dahil nandiyan siya. Alam mo na rin na mahal mo siya kung mapapangiti ka niya kahit sa maliliit na bagay. Even at doing nothing,napapasaya ka niya. Tinamaan ka na nga 

    SONG: We Could Happen
    PERFORMED BY: Ceidge Razon

    [soundcloud]

    IKAWALONG EKSENA: Utak o puso? Palagi na lang nila tinatanong kung ano ba ang mas mahalaga. Ang totoo, proseso naman ang pagmamahal. Bahala ka na lang kung ano ang ano ang unang gagamitin mo. Somewhere in the middle, magkikita din naman ang puso at utak mo. Things start with a thought. Yung idea na nariyan siya sa buhay mo, yung ideya na pwedeng maging kayo. Diyan naman mag sisimula yan.

    SONG: THINKIN BOUT YOU
    PERFROMED BY: Rome John

    [soundcloud]

    PExer, ano ang theme song ng puso mo? Kahit ano pang kwento mo, sigurado naman kami na may ka-match na kanta yan. Ang pag-ibig naman, kahit ano pang anyo niyan,handa mong tangapin.
  • Strider07Strider07 Legion ✭✭✭
    gusto ko yung Ikatlong Eksena :glee:
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    Strider07 wrote: »
    gusto ko yung Ikatlong Eksena :glee:

    nakakarelate ka? haha
  • JobyBryant24JobyBryant24 Jovitus Primus PExer
    Grabeng effort ng hugot ni Yesto ah! :glee:
  • mtynee_13mtynee_13 The Lifter
    ikalawa at ikalimang eksena. I Like! :hiya:
  • Strider07Strider07 Legion ✭✭✭
    EKSENA NI STRIDER07: Mahal mo siya, ang tanong mahal ka ba? Ilang ulit mo na siyang sinusuyo pero naka-ilang ulit na din niyang tinanggihan ang pag-ibig na alok ng nagsusumamo mong puso. Ngunit sa kabila ng lahat, may isa kang kaibigan na laging sumusuporta sayo at laging nandyan sa tuwing nalulugmok ka sa pagiging brokenhearted mo. Tapos isang araw, inamin sayo ng kaibigan mo na umiibig din pala sya sayo. Sino ang pipiliin mo. Ang mahal mo o ang nagmamahal sayo? :rotfl:
    PEx song para dito please. Sana naman may pin diba? :bop: :rotflmao:
  • mtynee_13mtynee_13 The Lifter
    ^

    :glee:

    Sino ang iibigin ko
    Ikaw ba na pangarap ko
    O siya bang kumakatok sa puso ko
    Oh anong paiiralin ko
    Isip ba o ang puso ko
    Nalilito litong litong lito

    :note:
  • forgforg Administrator PEx Moderator
    Daming hugot ni Admin Yesto :D
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    forg wrote: »
    Daming hugot ni Admin Yesto :D

    hindi naman masyado.. Ikaw din gagawa ka ng playlist mo.. wait ka lang haha
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    Strider07 wrote: »
    EKSENA NI STRIDER07: Mahal mo siya, ang tanong mahal ka ba? Ilang ulit mo na siyang sinusuyo pero naka-ilang ulit na din niyang tinanggihan ang pag-ibig na alok ng nagsusumamo mong puso. Ngunit sa kabila ng lahat, may isa kang kaibigan na laging sumusuporta sayo at laging nandyan sa tuwing nalulugmok ka sa pagiging brokenhearted mo. Tapos isang araw, inamin sayo ng kaibigan mo na umiibig din pala sya sayo. Sino ang pipiliin mo. Ang mahal mo o ang nagmamahal sayo? :rotfl:
    PEx song para dito please. Sana naman may pin diba? :bop: :rotflmao:
    Dahil kayong tatlo, nagbabakasakali lahat sa isang pagkakataong wala parin namang kasiguraduhan.

    Chance na gusto ka rin niya.chance na magustuhan mo siya,chance na sana, siya na lang,ako na lang.Chance na sana, sa kanya na lang :)
  • forgforg Administrator PEx Moderator
    yesto wrote: »
    hindi naman masyado.. Ikaw din gagawa ka ng playlist mo.. wait ka lang haha

    Ipa-familiarize ko pa sarili ko sa soundcloud :lol:
  • L0rd_xer0L0rd_xer0 Queen Mezziaz Hardenned ✭✭✭✭✭
    EKLAVU NI L0RD_XER0:

    palayain mo ako..

    mahal kita at mahal mo ako...
    minamahal mo ako at lumalayo ako
    pero may hangganan ang pagtanggap at pagkukunwari..

    mahirap pa lang turuan ang puso.. oo totoo!! sinubukan ko at hanggang ngayon sinusubukan ko.. kung paanong ang mali ginagawa kong tama. kung paanong ang tama nagiging mali.. mali ang maging tama para sa kasiyahan ng isang tao. kapalit ng ngiti at kalayaan mo.. hindi ko alam kung sinu ang mas ****** sa ting dalawa.. ikaw na namamalimos o ako na pilit humuhulagpos..

    bakit ba kasi ako? malayo ako sa pagiging santo.. tharanthado ako galing na nga sa bibig mo..pero bakit ako? gabi gabi na lang na gumugulo sa isip ko.. bakit ba ako?? nakakapraning ang pagkapraning mo.pagmamahal na tatalunin ang bulag, pipi at bingi.. wala namang kapansanan pero daig pa ang lumpo sa pagkamanhid at bobo..
    palayain mo ako.. uulit ulitin ko..
    pagod na ako magkuwanri, ayokong maglaro at ayokong manloko..
    kung kapalaran ko ang mag isa hayaan mo na at buhay ko naman ito..
    bakit ba ang tagal mapagod ng puso? samantalang ang utak ko matagal ng sumuko..kung puwede ko lang i-program ang binubulong nito..ginawa ko na noon pa nung umo-O ako na magpatali sayo..
    daig ko pa ang ibon na ikinulong mo sa hawla. parang isda na nalulunod sa tubig..tigre na tinurukan mo para mag astang maamong aso.. pagod na ako.. ayoko ng ganito, muli uulitin ko.. palayain mo ako.. bow!! charaughtt!!
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    forg wrote: »
    Ipa-familiarize ko pa sarili ko sa soundcloud :lol:

    pwede din namang hindi soundcloud. haha
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    L0rd_xer0 wrote: »

    anetz ba diney admin yestie?
    di na ako nakacollect ng pin sa sobrang busy sa buhay ko. bwahahaha!!
  • hethlerhethler Moderator PExer
    yesto wrote: »
    PEX PLAYLIST PRESENTS: Kwentong Hugot featuring SoundCloud Philippines

    IKAWALONG EKSENA: Utak o puso? Palagi na lang nila tinatanong kung ano ba ang mas mahalaga. Ang totoo, proseso naman ang pagmamahal. Bahala ka na lang kung ano ang ano ang unang gagamitin mo. Somewhere in the middle, magkikita din naman ang puso at utak mo. Things start with a thought. Yung idea na nariyan siya sa buhay mo, yung ideya na pwedeng maging kayo. Diyan naman mag sisimula yan.

    SONG: THINKIN BOUT YOU
    PERFROMED BY: Rome John

    [soundcloud]

    PExer, ano ang theme song ng puso mo? Kahit ano pang kwento mo, sigurado naman kami na may ka-match na kanta yan. Ang pag-ibig naman, kahit ano pang anyo niyan,handa mong tangapin.

    Ay gusto ko yung [#]WhoGoat[/#] dito. Kinkilig ako, kaasar! :hiya:
    forg wrote: »
    Ipa-familiarize ko pa sarili ko sa soundcloud :lol:

    Kaloka, nabasa ko yung tweet mo about sa Spotify! So dalawa na assignment mo! :rotflmao:
  • kysh27kysh27 Moderator PEx Moderator
    talaga nga namang may ipinaglalaban ang PEx! :glee:

    anyway, yung ikawalong eksena ang pinakanagustuhan ko :hiya:
  • bayaniVANbayaniVAN J'adore treVBault ✭✭✭✭
    Mas may [#]hugot[/#] yung 5th scene :mecry:

    Your Favorite Music
    Clem Snide

    Your favorite music
    Well, it just makes you sad
    Your favorite music
    Well, it just makes you sad
    But you like it
    'Cause you feel special that way

    You feel special
    That you're like no one else
    You feel special
    That you're like no one else
    But then you're lonely
    And you need someone to help

    I can't teach you
    To learn to love yourself
    I can't teach you
    To learn to love yourself
    But here's a sad song
    That I wrote for no one else
  • Hiroshi08Hiroshi08 Damon Griffith PExer
    Heto yun eh!!!! :bawling:

    IKALIMANG EKSENA:
    Ilang tao na ba ang nagsabi sa’yo na move-on? Ilan na din silang sumubok na iuntog ka sa pader nang paulit ulit. Pero mas pipiliin mong gamitin ang pader para mag walling at damdamin ang sakit ng pag-iwan sa’yo. Aminin mo, umaasa ka pa kahit alam mong kailangang kalimutan mo na siya. Here’s a classic example of you trying to move forward and your feelings looking backward. Sa mga gabing nasa isip mo siya,tingin mo ba, iniisip ka parin niya?

    Mas okay na kanta dito:
    Rascal Flatts - What Hurts The Most
  • extraordinaire05extraordinaire05 You don't say? ✭✭
    Okay yung ika apat na eksena. *okay*
«1

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file