Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Pagkakatiwalaan ko pa ba if ever?

Ganito kasi yun mga ka-PEX: (Disclaimer: Mahaba itong post, sorry)

Yung (ex) girlfriend ko, nauna pumunta dito sa Dubai para magtrabaho. Ako naman sa Pinas, maayos na ang trabaho ko as communications trainer sa isang BPO company. May banda din ako na kahit paano gumagawa ng pangalan sa mainstream scene like tv and radio guestings, bar tours at MTVs. Passion ko talaga ang music at pagtuturo.

Dahil sa pag-ibig, sinundan ko ang (ex) girlfriend ko dito sa Dubai at pagtapos ng halos isang taong pagaasikaso at pagiipon, nakarating ako dito last September 2014.

Live-in kami. Masaya naman. Na-promote siya as supervisor sa trabaho niya at nakakuha din ako ng maayos na trabaho. To make it up for her, pagdating ko sa trabaho, ako na gumagawa ng chores sa bahay. Mamalengke, magluto, maglaba, magplantsa at maglinis. Sinusundo at hinahatid ko siya lagi sa train station dito. Masaya kami. Social life, sex life, career.

Then here comes April.

Nalipat kasi siya ng branch na pinagtatrabahuan. So nagadjust kami sa time ng pasok and everything. Minsan nale-late na siyang umuuwi, sinasabi niya na sasama lang siya magdeliver ng cash/documents sa banks at companies na kliyente ng kompanya nila. Buo naman ang tiwala ko na yun lang talaga ang ginagagawa niya.

Pero lately, napapansin ko na tumatawag at nagcha-chat sa kanya yung indianong driver nila kahit nasa bahay na siya. Ang sabi ko na lang e tapos na ang oras ng trabaho mo at naihatid at nasundo ka na niya so ano pang dahilan para tumawag at mag-chat siya sayo? Lagi niya lang sinasabi na hayaan ko lang daw dahil mabait naman daw yung pana. Madalas na rin niyang naikwekwento sakin yung mga pinaguusapan nila nung panang driver. Ang sabi ko naman wala naman akong interes o pakialam pero sige lang.

Ayun, before April ends, nagdecide kami na maghiwalay ng bahay. Dun siya sa company accommodation niya for 2 reasons. Mas makakatipid siya sa rent dahil libre at mas malapit sa trabaho niya. So pumayag ako. Pero lumipat ako ng bahay na malapit din sa kanya like 5-minute walking distance lang. Kahit malayo sa trabaho ko, keri na basta malapit lang ako sa kanya.

A week after namin magkahiwalay ng bahay, nagbakasyon siya sa Pinas for 3 weeks. Yung indianong driver pa naghatid samin. Tinatawagan ko siya at minsan nakakachat kasi sabi niya hindi daw siya makaconnect sa wifi pag gabi (which is somehow true dahil yun din ang dahilan ko bakit hindi ako nakakapagreport sa kanya dati nung nasa Pinas ako). Yun pala iba na kausap niya. Sabi niya sa nanay niya bestfriend lang daw niya.

So bumalik na siya sa ng Dubai galing Pinas. Napansin ko na ayaw na niyang dumadalaw sa bahay ko. Labas na lang daw kami. Ayaw na din niyang magsimba kasama ako. So inaya ko siya magdate, as usual ayaw niya pumunta muna sa bahay. Sabi ko magbibihis lang ako at sumama ka na. Syempre miss ko na mag-make love, sinubukan ko. Ayaw na niya magpahalik, yakap na lang muna daw sabay tanong kung mahal ko daw ba siya. Sabi ko oo naman, pero latelty ramdam ko na na ang lamig lamig mo na. Hanggang sa nagusap kami at napaamin ko siya na meron na nga siyang iba. Yung indianong driver. Tinanong ko kung may nangyari na ba sa kanila, sabi niya holding hands lang.

Edi nagwala ako kinuha ko ang phone niya at nakita ko lahat ng ebidensya, malinis na call log (never siyang nageerase ng call history), whatsapp convo, skype, nag-install pa siya ng isa pang app, called IMO para sa video calls nila. Pati usapan nila ng kaibigan niya na ayaw niyang iwan ang indiano at ako na lang ang iiwan niya. Nakausap ko din sa phone yung pana at siya pa ang matapang. Pinauwi ko ang (ex) girlfriend ko.

Kinabukasan, susurpresahin ko sana siya at kakausapin. Pumunta ako sa lugar kung saan siya nagtatrabaho at sarado na pala ang branch na yun. At sa gulat ko, nakita ko silang magkasama, nakatawa pa dun sa lugar. Biglang umalis yung lalake nung nakita ako. Inaya ko yung (ex) ko sa bahay para magusap. Hanggang nauwi kami sa sex. I thought it's supposed to be the break-up sex.

Kinagabihan, inaya ko sila magusap ng bago niyang boyfriend. Nagharap harap kami at pinili na niya yung pana over me sa hindi niya masabing dahilan. Sabi sakin ng pana, hindi na daw masaya yung babae sakin at nagmamahalan sila. Wala daw siyang ginawang masama o mali dun. 2 months na daw sila, so ibig sabihin bago pa kami maghiwalay ng bahay nung babae, tinutu-time na niya pala ako. Tinanong ko din yung lalake kung nagsex na sila, hindi daw. Umuwi akong luhaan. Lahat ng hinugot kong lakas ng loob para harapin sila, naglaho bigla. Hayaan ko lang daw siya masaktan, magkamali. Alam niya daw na walang patutunguhan yun pero go pa din siya.

Gusto pa din daw ako makausap at makita lagi ng babae. Dun ako naguguluhan. Tumatawag at nagtetext pa. Hindi niya pa ako ina-unfriend o bina-block sa FB, although niremove na niya yung ilang tagged photos at posts ko sa kanya. Nangangamusta siya lagi. Kung kumain na daw ba ako at lagi daw ako mag-iingat. She cares for me daw. Pero sinasabi ngayon sakin ng mga pinsan niya na kasama pa niya yung pana ngayon kapag dumadalaw sa kanila.

Huwag na daw ako magdrama at maging casual na lang. Pwede ba yung ganun? Na parang hindi niya ako niloko at ipinagpalit sa panang driver niya? Alam kong naguguluhan lang siya pero hindi ko magets bakit kailangan pa ng third party. Kilala ko siya, hinding hindi siya papatol sa pana dahil inis siya sa accent at amoy at ugali ng mga yun. Which is absolutely true.

Kinausap na siya ng lahat ng kamag anak niya dito at maging ng nanay niya sa Pinas. Pero wala pa din. Hindi na daw siya college para pagsabihan pa.

Ang akin lang naman e, siya na lang inaaalala ko. Ni hindi niya ng alam kung saang parte ng India yung nanggaling, kung may asawa at pamilya ba yun dun. O kung siya lang ba talaga ang chick nun dito. Karamihan kasi sa mga pana dito, tropy sa kanila pag nakabingwit ng pinay. E infairness naman, maganda at may hubog naman ang (ex) ko. Jackpot ang pana. Na alam naman niya kung ano lang ang habol ng pana sa kanya, iiwan din siya nun balang araw. Hindi naman siya dadalhin nun sa India at lalong hindi naman niya yun madadala sa Pinas. Sabi ng iba kong kaibigan, may itsura daw yung pana.

Ewan ko ba. In a span of ilang months lang, yung babaeng akala ko magiging asawa ko na, nagpasulot sa potaenang panang driver.

Pasensya na po sa sobrang haba na post ko. Ano po sa tingin niyo? Pwede pa ba pagkatiwalaan yung ganitong tao?

Wala lang akong masabihang iba dito dahil mag isa na ako. Ayaw ko naman sabihan pamilya ko sa Pinas dahil ayaw ko silang magalala. Wala akong kamag anak dito at lahat ng mga kakilala ko e busy sa trabaho at malayo ang mga bahay.
«13

Comments

  • Sa haba-haba ng litaniya mo, mauuwi rin sa hiwalayan.... :glee:
  • well TS nung pumunta ka dyan iisa ang dahilan, pero ngayon ang dahilan na yon nagpapahirap sayo, eh sa tingin mo? tama pa ba yan sa buhay mo? pasakit lang yan

    madali sabihin na umuwi ka ng pinas, pero mahal mo pa ex mo.. lol

    sinaktan ka na tapos magaalala ka pa sa ex mo? dahil dimo pinagkakatiwalaan yong pana na yon? who the "f" cares , ang totoo nagtatawanan ang ex mo at pana na yon nagtatawanan sa likod mo, for sure nagyayabang din ang pana na yon.

    save yourself TS... for sure pag nagbreak ang dalawang yong ikaw ang unang una na hahanapin ni ex. lol parang nagsabi na time first sa relasyon, kasi titikim lang sya ng curry flavor meat.. medyo nakakasawa daw kasi ang adobo. you know what i mean.

    wag ka na umasa, dami pang iba at mas bata at mas sexy sa pinas. dimo kailangan ng ganyang stress sa buhay, mga ex na ganyan hindi pinanghihinayangan.. tuldok.
  • MegleMegle PEx Rookie ⭐
    mukhang mas malaki ang pana ni pana kaya na pana si jowa mo. hahaha

    hanap kanalang at wag mo ng problemahin ang kaligayahin ng ibang tao - unahin mo muna ang sarili mo - mamana ka nalang jan ng iba, may goggles at fins ako dito baka makatulong lang. hehehe
  • Sey_eLLeSey_eLLe PEx Veteran ⭐⭐
    TS, don't waste your time worrying about that b1tch of an ex you have.. and besides, have some pride! naiputan ka na nga at lahat lahat, nakipag break up sex pa tapos bumalik lang din sa pana! yucckk!!! Tae yan! Yan ang klase ng puk1nginang di na dapat pinag aaksayahan ng time at energy mo! Sows!!!
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    basta ako.. kay Sey_eLLe kolang ipagkakatiwala ang aking pana..
  • gawan mo na lang ng kanta sir, tapos arrange mo ng tama, yung tipong 90s OPM bagsakan style. xD
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Tanong muna sa iyo brad.. Kung bumalik sa iyo yung ex mo na natorjak na ng paulit ulit nung pana at dumikit na yung amoy, tatanggapin mo pa ba?
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS FR ka naman dun sa breakup hate sex nyo ni exgf. surely maanghang ang banatan nyo ? :naughty:
  • SAMSAYSAMSAY PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kaya ka binibilog nyang ex mo kasi hindi pa sya secured dun sa driver.
    Sigurista yung ex mo na kung sakaling niloloko nga sya nung driver eh hindi sya uuwing luhaan dahil andyan ka pa (rebound).

    Sabi nya nag cacare sya sayo pero wala syang paki sa nararamdaman mo at pagdradrama? Wag ka basta basta papadala sa matatamis na salita nya. Hindi pa ba sapat sayo na kinausap pa sya ng pamilya nya at wala na talaga.

    Hayaan mo na sya. Hayaan mo na kung ano man mangyari sa buhay nya or kung lokohin sya.
    Isipin mo lang na napatunayan mo kung anong klaseng babae sya.

    Dapat ito ang tanong mo.
    Kailangan ko pa ba sya sa buhay ko?
    Panahon na para gawin mong masaya ang buhay mo ng wala sya.
    Takas ka na sa bangungot. Maraming mas magandang bagay at tao sa mundo na magpapasaya sayo. Masarap mabuhay. Wag mo ikulong ang sarili mo sa walang kwentang babae dahil ikaw din ang talo.


    [#]MoveOnNaKuya[/#]
    [#]PaBebeSiEx[/#]
    [#]WagPauto[/#]
  • Salamat sa mga insights niyo.

    Kaya ko naman maghanap na lang ng iba.

    Siya lang inaalala ko.

    Pero ganun talaga ang buhay.

    Ipagdadasal ko na lang.

    SALAMAT NG MARAMI!
  • kurttrukkurttruk PEx Veteran ⭐⭐
    in-ogag ka na nga eh, umaasa ka pa..pero dali lang yan boss,Gantihan mo.. kung caring pa siya sayo, gawin mo lahat para makaiskor ulit..tapos saka mo iwan.

    :glee:
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mrbasshole wrote: »
    Salamat sa mga insights niyo.

    Kaya ko naman maghanap na lang ng iba.

    Siya lang inaalala ko.

    sus, wag mo na syang alalahanin oi! malamang ejoy na enjoy siya sa tarug0 ng iba..
  • Mahirap talaga pag mahal mo ang isang tao maski ginagawa ka ng *****. Pero you have to re-settle your mind and unti unti eh umiwas ka na just leave them. There will be a time na maka move on ka na. Huwag ka muna maghanap ng rebound girl. Live as normal, pamper yourself, enjoy life, set ka ng travel to clear your mind. Buy something that will make you happy. Some girls are like that, dumaan sya sa buhay mo to make you stronger. Hayaan mo na siya it's not worthy.
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    so gi nive up mo yung maayos mong trabaho at side gig na banda sa pilipinas para lang sumunod sa gf.. sa gf.. walang anak.. hindi kasal... sa gf??? kung kapatid lang kita.. nabatukan ka na nuon pa.

    never commit to any dream or fascination until you get something growing in her belly.
  • ameleensyameleensy 🙄 PEx Expert 🎖️
    Make the question: SHOULD you still trust her?

    I think you are still willing to trust her, and I can't blame you, because you're in love. But do yourself a favor and as Bearhawk said: look inward and do everything with only yourself in mind. Buy something you've always wanted to buy for yourself, go on a trip, return to your hobbies, etc.

    Babae ako, and I would't even THINK of doing that to someone I love. She's no longer yours to worry about. Bahala na sya. That's a choice she made and you've fought for her enough. All else from here is on her.

    Good luck!
  • Thanks. Alam ko naman na choice niya yun at kung ano man ang dahilan niya kung bakit niya ginawa to, bahala na siya. Kung babalik man siya, hindi ko pa masasabi kung ano magiging reaksyon at desisyon ko. Bahala na si Batman.
  • ameleensyameleensy 🙄 PEx Expert 🎖️
    mrbasshole wrote: »
    Thanks. Alam ko naman na choice niya yun at kung ano man ang dahilan niya kung bakit niya ginawa to, bahala na siya. Kung babalik man siya, hindi ko pa masasabi kung ano magiging reaksyon at desisyon ko. Bahala na si Batman.

    However, I hope that you get a lot more self-respect to at least not make it so easy for her to just come back.

    I can't believe I am rooting against a fellow female, but I believe (and you are free to disagree ha) that respect and love are equally important in a relationship. BUT if made to choose, I would rather my significant other stop loving me, than stop respecting me. That's why being cheated on is more painful than someone falling out of love with me. I speak for myself, of course.

    Just my two cents.
  • Theres a clear distinction accepting and forgiving between men and women, sad to say there is discrimination when it comes to women comiting mistakes. So you have to be wise as to what decision you'll be taking.

    So I was back reading and I couldn't find a statement wherein she wants you back, instead she's constantly checking on you and how you felt about what happened. Which by the way is a defense mechanism of people who's being eaten by their conscience.

    So I think just to be safe, it would be better to just lay -low for a while. Try not to think of her too much.

    "You are not responsible of her actions"
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    saka mo na syang pabalikin sa buhay mo pag tapos na rin syang dumaan sa amin :glee:
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hintayin mo TS pagtapos ma solve nyan sa kaka missionary at WOT kay pana babalik din yan....


    :naughty: :glee:
Sign In or Register to comment.