Arianne Bautista recalls life as Toni Gonzaga’s body double, fond memories with Coco Martin
by Bernie V. Franco
ALL PRAISES FOR COCO MARTIN
Bagamat nagsimula siyang maging visible sa GMA-7 noong 2014, binanggit ni Arianne na ang kanyang first TV appearance ay sa Kapamilya teleseryeng Juan dela Cruz noong 2013.
Pinagbidahan ito ni Coco Martin, at nagkaroon ng guest appearance dito si Arianne.
“I was the secretary. Guesting lang siya. Seventeen years old ako,” kuwento ni Arianne.
Pero hindi naman daw iyon ang unang beses na nakatrabaho niya si Coco.
Nagkasama sila sa commercial ng isang cellular service provider na inendorso ni Coco noong 2012.
Laking tuwa raw ni Arianne nang makilala pa rin siya ni Coco nang sumunod na magkita para sa Juan dela Cruz.
Sabi raw ni Coco: “O, ikaw yung leading lady namin sa TM.”
Ani Arianne: “Nakaka-touch kasi ang galing niya sa memory, nakakaala siya ng tao.
“Even recently, nung nasa Dubai, nagkasabay kami ng flight.
“Sabi niya, ‘Nakakatuwa nga kasi GMA ka na. Nakikita kita sa GMA.’
"Alam mo yung feeling na naa-acknowledge ka, napapansin ka pala kahit papa'no."
Nitong March 2020 ay nagpunta sa Dubai si Coco para sa shooting ng isang pelikula.
Mensahe pa ni Coco, “Thank you so much Coco Martin, I’m such a fan.”
PHOTO/S: YOUTUBE (ARIANNE ANGELI BAUTISTA)
Nagkaroon siya ng exposure sa pag-arte sa teleseryeng Kambal Sirena (2014) sa Kapuso network.
Pero itinuturing niyang pinakamalaking break ay ang teleseryeng Ika-6 na Utos(2016-2018), na pinagbidahan nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, at Gabby Concepcion.
Naging co-host din siya sa Wowowin (2015) at napabilang sa Kapuso gag show na Bubble Gang.
Comments
Kylie Padilla, Mayton Eugenio, Mona Louise Rey and Arianne Bautista soon on BUENA FAMILIA sa GMA
GMA7 Actress Arianne Bautista