What to do if may bumangga sayo or nakabangga ka? — PinoyExchange

What to do if may bumangga sayo or nakabangga ka?

Bail
Bail Deep Thought
I have to be honest na medyo I really don't know how to handle this kind of situation since ive been a careful driver ever since. But last night a motorcycle bumped me sa rear bumper ko. I was running very slow kasi kaka green light lang when suddenly the jeepney passed in front of me so I have to stop then syempre while going for the gear 1 again medyo na slide konti yung car ko since the road medyo incline but normal slide lang **** backwards which happens all the time sa manual na car. Nagulat lang ako biglang may sound then yun nga si motorcycle na scratch nya konti rear bumper ko but not dents. yung fender nya may slight crack mga 2 inches. sinasabi nya na kasalanan ko daw kasi umatras ako and I told him kasalanan nya kasi in the first place siya yung parang dumidikit and dapat may distance siya. I didn't move my car pero siya nag park siya sa side ng road. To cut the story short, sinabi ko na lang quits na lang para wala ng problema since wala **** gustong umamin and slight scratch lang naman since may mga ibang scratches na rin sa rear ko. I was able to get his plate no.naman. So here are my questions:

1. pag may ganun dapat bang tumawag na lang ng traffic enforcer?
2. is it right for the motorcycle to move away from the incident since sa pagkakaalam ko dapat iwan lang nya dun kung paano siya nakabangga
3. am I too nice na to just let it go? my family always tells me kasi na pag minor lang pabayaan na lang kaysa may mangyari pa sakin.

or maybe pwede po kayo mag provide ng step by step kung ano dapat gawin pag may mga incident na ganun. thanks in advance

Comments

  • Nietono_no_Shana
    Nietono_no_Shana Coup de Gr?ce
    @Bail

    It is your fault since your vehicle moved backward. And it is not normal for a vehicle to move slightly backwards when climbing a hill from a complete stop, you could use the handbrake to avoid it.
  • Ang sasakyang umaatras ay walang right of way. Kapag nabangga ka habang umaatras ka, KASALANAN mo.

    Sentido kumon ito sa mga matagal nang nagmamaneho.... :glee:
  • Bail
    Bail Deep Thought
    hindi naman ako mababangga if may distance yung motor sa vehicle ko diba? the car only moved an inch or 2 lang. thats normal sa manual na car.
  • Bail wrote: »
    hindi naman ako mababangga if may distance yung motor sa vehicle ko diba? the car only moved an inch or 2 lang. thats normal sa manual na car.

    Sentido Kumon: matuto kang gumamit ng hand brake para hindi umatras ang sasakyan mo!

    Huwag ka nang magpalusot: umatras ka, nabangga ka, may kasalanan ka, bayad ka!

    Insured ka ba? :glee:
  • Bail
    Bail Deep Thought
    siguro isa ka sa mga nag momotor lang kaya todo kampi mo yung sa nabangga ko? :D
  • Bail wrote: »
    siguro isa ka sa mga nag momotor lang kaya todo kampi mo yung sa nabangga ko? :D

    Teka ano ba ang sadya mo rito: ang hanapin ang katotohanan o ang taong sasang-ayon lang sa iyong pananaw? :glee:
  • Bail
    Bail Deep Thought
    3cylinder wrote: »
    Nagpolice report ba kayo sir?
    Usually police report laging hirit ng mga death wish riders na yan.

    wala na . sinabi ko kasi quits na lang. pag ganun saan ba tatawag ng police?
  • jpd74
    jpd74 Member
    kung slight scratch baka makuha iyan ng rubbing compound ...
  • beercycle
    beercycle Valley of the Damned
    keep distance. Kasama yan sa exam ng lto.
  • Exgirlfriend
    Exgirlfriend I am Supah baby!
    Parehas kayong may kasalanan.

    Ikaw, umaatras ka hindi mo tinitignan ang nasa likod mo. No excuses, umatras ka na dapat hindi.. so kasalanan mo.

    Yung motor, dikit ng dikit. Poocha talaga yang mga nag momotor, noong nag bakasyon ako sa Pilipinas, source ng stress ko yan pag nag drive ako.. singit ng singit.. dikit ng dikit.. mahilig silang mag cut, tapos pag nasagi mo, kamot ulo.


    To answer your question:

    1. Kung minor lang naman, wala naman nasaktan, dapat insurance mo na lang. wala ka pang hassle.

    2. Dapat bago mo siya pinaalis, kinunan mo muna ng picture. Para may evidence ka ng itsura ninyo after the accident.

    3. Kung ako din nasa katayuan mo, let go na lang. Minor scratch lang naman, mababalik naman yan ng repair.. Kesa ma stress ako pakikipag talo kung sino sa amin may kasalanan.



    But, of course kung major accident.. dapat lang tumawag ka ng traffic enforcer, habang nag aantay kayo.. Pwede mong kunan ng litrato yung vehicle mo at vehicle niya.. para hindi na kayo mag cause ng traffic at maitabi ninyo na while waiting for the traffic enforcer.

    Pwede mo din kunan ng picture yung license niya, pero you cannot confiscate it. Para sa insurance claim mo.

    And of course, para sa insurance claim.. You'll need an incident report signed by the traffic enforcer.

    Palagi dapat, you weigh things if it is worth stressing yourself with it.. or just let it go.
  • Valorian
    Valorian Do no harm
    ^ ganyan naranasan namin last week..may bumangga sa aming motor

    nasa Philcoa kami, paliko sa Elliptical..mabagal takbo namin kasi may magpapalit ng lane na FX, though hindi namin pinagbigyan kasi alanganin yung FX

    nung paliko namin, may dumaan na motor sa gitna namin ng fx, mabilis yung andar nung motor, kahit paliko na siya nun..

    tumama yung paa niya sa may gulong namin..

    galit pa yung nakamotor at sinabi na siya pa raw ba may kasalanan na bumangga siya sa kotse namin..nasa loob kami ng linya nun, malamang umiwas yun sa FX na nagpapalit ng linya at kami yung natamaan

    buti na lang at wala namang gasgas o kahit injury dun sa nagmomotor, pero nakaka-init ng ulo yung asta niya na siya na nga yung walang pake magmaneho, siya pa galit pag nabangga..

    pagkatapos nun, pinaharurot na niya yung motor, at tinitgnan pa kami..silently wishing na bumangga siya kasi sa amin siya nakatingin imbes na sa harap niya, at hindi na niya sinuot yung helmet niya, 1 less A-hole sana sa daan :lol:

    malaking tulong rin kung may dash cam ka
  • Hi! May itatanong lang po ako.

    Nagkaron po kasi ng Vehicular Accident na involve ako. Pauwi na kami that time dala dala ko ang ebike namin na 3 wheels, pagkapasok ko sa kanto namin nakita kong may parating na kotse (hyundai accent) mga 5 doors pa ang layo nya sa pwesto ko at mabagal din ang takbo nya kaya pumasok ako sa kanto namin at gumilid at hinintay syang dumaan ngunit ng sya ay medyo nasakalagitnaan na dumikit sya sa akin at sinenyasan ko syang huminto pero tumuloy sya kaya gumasgas ang kotse nya sa ebike namin.  

    Ps: Kaya ako pumasok sa kanto namin kasi alam kong kasya dahil usually pag nilalabas ng father ko yung van namin kasya sya kahit may mga lamesa pa dun sa ginilidan ko nung nag ka aksidente.

    Tatanong ko lang po kung sino po saming dalawa ang may kasalanan :))) 
  • Dubu said:
    Hi! May itatanong lang po ako.

    Nagkaron po kasi ng Vehicular Accident na involve ako. Pauwi na kami that time dala dala ko ang ebike namin na 3 wheels, pagkapasok ko sa kanto namin nakita kong may parating na kotse (hyundai accent) mga 5 doors pa ang layo nya sa pwesto ko at mabagal din ang takbo nya kaya pumasok ako sa kanto namin at gumilid at hinintay syang dumaan ngunit ng sya ay medyo nasakalagitnaan na dumikit sya sa akin at sinenyasan ko syang huminto pero tumuloy sya kaya gumasgas ang kotse nya sa ebike namin.  

    Ps: Kaya ako pumasok sa kanto namin kasi alam kong kasya dahil usually pag nilalabas ng father ko yung van namin kasya sya kahit may mga lamesa pa dun sa ginilidan ko nung nag ka aksidente.

    Tatanong ko lang po kung sino po saming dalawa ang may kasalanan :))) 
    Kasalanan mo dahil iyong sasayhang dumederetso ang MAY RIGHT OF WAY.

    Insured ka ba?
  • pano kung nkahinto ka, nkasakay sa mutor mo sa gilid ng kalsada at biglang may bumangga sau, klngan m b siyang ipagamot or pag nagdemand cla klngan clang bayaran khit cla un bumangga n kapwa mutor din

  • Kailangan lalo ngayong marami na ang sasakyan may insurance ka na kasi dami terrorista sa kalsada ngayon lalo na kuing maliit kotse mo tapos babangga sa yo suv na terrorista sa kalsada na gusto siya mauna dahil maliit ka lang at malaki daw siya.
    Madalas ngayon palakihan na ng sasakyan talagang dami ISIS sa kalsada ngayon.
    Kagaya nito at Ingat kayo sa Toyota Fortuner color white, rear foglight and tinted conduction sticker and plate A2471. Terrorista sa kalsada ayaw masingitan dahil daw malaki siya miyembro ng ISIS. Huling nakita sa Trade ave corner Acacia street in Alabang 11:50am of September 15,2019
  • Magtatanong lang po ako..baguhan lang po ako na driver.nabangga ko po yung nakapark ng kotse kasi po magpapark narin po ako..insured po ang kotse ko..peru ayaw idaan sa casa ng nabunggo ko..gusto sa ordinaryong talyer lang..tanung ko lang po..may karapatan po ba ako na magdemand para magamit or makatulong rin ho yung insurance ko sa pagbayad?
  • ^^Magpalitan lang kayo ng contact details at pakita mo ang lisensya. Sabihin mo na may insurance ka at iyon na ang bahala sa pagpapagawa ng nasira.

    Bayad ka ng participation fee....
  • Tanong ko Lang po, tama po ba ginawa ko? Nagpark po ako ng sasakyan sa basement parking, nung nagbacking na po ako di ko napansin na malapit na pala ako sa car ng nasalikuran ko at nabangga ko slowly Lang naman kasi palabas nga ng parking. Pagtingin ko sa kotse ko sa likod wala na mang dents or gasgas or sira man. Check ku din yung nabangga ko wala namang gasgas or sira. Umalis na lang ako wala na mang damage tama ba ginawa ko? Or dapat pinaalam ko pa sa mayari? 
  • Tanong ko Lang po, tama po ba ginawa ko? Nagpark po ako ng sasakyan sa basement parking, nung nagbacking na po ako di ko napansin na malapit na pala ako sa car ng nasalikuran ko at nabangga ko slowly Lang naman kasi palabas nga ng parking. Pagtingin ko sa kotse ko sa likod wala na mang dents or gasgas or sira man. Check ku din yung nabangga ko wala namang gasgas or sira. Umalis na lang ako wala na mang damage tama ba ginawa ko? Or dapat pinaalam ko pa sa mayari? 
  • Kung ako yan at wala naman tama or gasgas sa ibang sasakyan di na kailangan sabihin sa owner nung car.
    Yari ka lang kapag meron at kung may cctv pa.
Sign In or Register to comment.