First Car (2nd hand or brand new?) — PinoyExchange

First Car (2nd hand or brand new?)

Hi,

I am planning to buy a car. Mas ok ba ang brand new o ang 2nd hand. First car ko ito at hindi pa ako masyado marunong mag drive. Kapag kasi brand new, sabi nila matagal daw marelease ang plaka. Kapag naman 2nd hand, maraming aayusin like transfer of ownership, or may possibility na kapag may sira ang sasakyan mas malaki magagastos ko. Advice naman po, please. Thanks in advance :)

Comments

  • Exgirlfriend
    Exgirlfriend I am Supah baby!
    Kung may budget ka naman, brandnew na lang... wala ka pang sakit ng ulo.

    Pero kasi hindi ka pa marunong mag drive... so siguro pag praktisan mo muna e 2nd hand...

    Nakakahinayang naman kasi na brandnew tapos biglang ibabangga mo lang pala.. puro bangga, gasgas agad?

    At least kung 2nd hand, ke magka pingas yan... no problem.. walang stress.
  • ganun ba, yun na nga ang iniisip ko e. since wala akong alam sa sasakyan, baka kapag 2nd hand binili ko e magpanic ako kapag nasira or nagkaproblema

    kapag brand new naman, nakakapanghinayang kapag nabangga. on the other hand, hindi ko naman siguro basta basta masisira yun kasi bago, at may insurance pa. tama ba?
  • Sa baguhan, pinakamainam ang segunda mano. Magsama ka lang ng marunong sa sasakyan kapag titingin ka ng bibilhin. Nang sa ganoon, hindi ka maloloko sa pagbili ng sirain. At alam mo agad kung ano ang kailangang gastusan o ayusin sa segunda manong sasakyan.
  • Exgirlfriend
    Exgirlfriend I am Supah baby!
    maryrhose wrote: »
    ganun ba, yun na nga ang iniisip ko e. since wala akong alam sa sasakyan, baka kapag 2nd hand binili ko e magpanic ako kapag nasira or nagkaproblema

    kapag brand new naman, nakakapanghinayang kapag nabangga. on the other hand, hindi ko naman siguro basta basta masisira yun kasi bago, at may insurance pa. tama ba?

    tama si panis na puto, magsama ka ng mekaniko na mapagkakatiwalaan mo para alam mo agad kung lugi ka o hindi sa presyo nung sasakyan.

    Mag practice ka muna sa isang lumang sasakyan, kapag sanay na sanay ka na at maingat ng mag maneho... saka ka bumili ng brandnew.

    Pero naiintindihan kita, babae ka pa naman, siyempre ang concern mo baka kapag 2nd hand itirik ka sa daan.

    Nasa tamang maintenance naman yun ng sasakyan..
  • maryrhose wrote: »
    kapag brand new naman, nakakapanghinayang kapag nabangga. on the other hand, hindi ko naman siguro basta basta masisira yun kasi bago, at may insurance pa. tama ba?

    Kung nawasak ang sasakyan na kasalanan mo malaki ang participation fee mo dahil baguhan ka pa lang. Tataas ang insurance mo.

    Pinakamainam mayroon kang segunda manong sasakyan at mayroon ka ring katiwa-tiwalang talyer at mekaniko na hindi ka lolokohin kapag magpa-service o nagpagawa ka. Ganoon talaga, lahat naman tayo nagsimulang walang alam sa sasakyan, babae o lalaki man.

    Good luck sa iyo!
  • Jaywalker
    Jaywalker quantum cat
    Get a 2nd hand car. If you're not mechanically inclined get one that's relatively new 2009 or newer since you have the budget for a brand new car anyway. One thing that you have to consider is depreciation. If you buy a brand new car, the moment it rolls off the casa, you will have lost around 150k of its value already (the cost of a decent 2nd hand car), depending on the car of course. If you buy it through installment, you'll also have to factor in the interest.

    We paid almost 900k including interest for our vios back in 2010. Now it's worth around 400k or even less. In 5 years it lost a value of 500k which is a lot of money. If you buy a car 2nd hand, you can sell it more or less at the same price in 2 years. It's just a more sound financial decision.

    Get it checked professionally, Do your research and you can minimize your risk significantly
  • Jaywalker wrote: »

    Pinakamagandang sasakyang segunda mano iyong katatapos lang ng manufacturer's warranty - mga tatlong taon pa lang - pero inalagaan nang mabuti noong may-ari. Mga 40-60% na ang depreciation niyan pero dahil alaga ng may-ari parang bago pa rin.

    Ako kung bumili ng sasakyan ay brand new pero mga 10-15 taon naman ako kung magpalit para sulit.... :glee:
  • 2nd hand dahil sasabit at sasabit ka
  • mas mainam mag practice ng driving sa 2nd hand car .. pag marunong ka na ibenta mo na after 6 months ... then buy a bnew one ...
  • 2nd hand car. get as cheap as you can. ram the hell out of it until you can drive really well...

    then buy a new car.
  • maryrhose wrote: »
    Hi,

    I am planning to buy a car. Mas ok ba ang brand new o ang 2nd hand. First car ko ito at hindi pa ako masyado marunong mag drive. Kapag kasi brand new, sabi nila matagal daw marelease ang plaka. Kapag naman 2nd hand, maraming aayusin like transfer of ownership, or may possibility na kapag may sira ang sasakyan mas malaki magagastos ko. Advice naman po, please. Thanks in advance :)

    depende yan sayo, kung kaya mo naman ng bago, sa bago ka na. oo matagal nga mabigay pero pwede mo naman gamitin yung nakalagay na unang plaka. mag-aral ka na lang muna sa eskwelahan ng pagmamaneho para matuto ka. tapatan lang ang pagbili ng gamit na kotse, pag natapat ka sa matino, e di mabuti para sa'yo.
  • Factors:
    1) if your budget allows you then no brainer go for a bnew vehicle. May compre insurance ka na and most casa's come with 3+ years warranty plus implemented na ang lemon law. :)
    2) the only time to consider a 2nd hand car if there is a specific car model that you really like or kung kulang ka lang talaga sa budget.
    3) If you think that car will be a staple in your life than consider purchasing a brand new car. If you think this is just a project car then go pre-owned.
Sign In or Register to comment.