Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Mga pumupunta sa Misa pero di nagaabuloy. anong masasabi mo?

kafamzkafamz PEx Influencer ⭐⭐⭐
Kabibigay ko lang ng isang libong piso kanina sa abuluyan yung iba ni singko di nagbigay. Nung second collection limang daan naman bigay ko, sila wala pa rin. :rolleyes:
«13

Comments

  • ermonskiermonski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    voluntary naman yun eh. :)
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ who told you that?

    my mom told us not watch what other people are doing inside the church because we are their to attend mass and not watch people.





    wala ako paki kung wala silang abuloy. what is important is that they celebrated mass and prayed instead of watching other parishioners.
  • kafamz wrote: »
    Kabibigay ko lang ng isang libong piso kanina sa abuluyan yung iba ni singko di nagbigay. Nung second collection limang daan naman bigay ko, sila wala pa rin. :rolleyes:

    Tatlo sila:

    1. Direct debit ang kanilang ambag. Di mo na sila makikitang nag-aabot sa lalagyang umiikot;

    2. Mga hikahos o walang-wala;

    3. Mga MAKAKAPAL ang mukhang BALASUBAS!!! :glee:
  • xctrekkerxctrekker PEx Rookie ⭐
    Dati marami pang naghuhulog ng Php20.00 bill sa church namin. Ngayon daw puro Php5.00 coins na lang yung pinaka-common na hinuhulog sabi nung mga members ng Catholic Women's League (CWL) na syang maydala nung mga collection baskets. Nothing bad in that per se kung talagang yun ang bukal sa kalooban nila. Pero kilala daw nila yung ibang naghuhulog- dumadating sa simbahan may gamit na sariling sasakyan. Tapos sarado yung kamao na ipapasok sa buslo para hindi kumalansing yung coin pag binitawan, ha-ha.
  • maybe they haven't heard about 'tithing'
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ we know all about tithing.

    but catholics are benevolent and we dont judge people who opt to keep their money because they need it more. unlike those INCs and Evanglicals Born Agains.
  • mtynee_13mtynee_13 PEx Rookie ⭐
    pwedeng hindi nakagawian.. since voluntary naman.
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ang perang bigay sa simbahan ay supporta at pasasalamat sa mga nagpapatakbo nito. Dun pupunta ang una mong bigay na 1000. Yung second collection, supporta mo naman yun para sa kung anumang proyekto nila.

    ni isang singko sa binigay mo.. walang mapupunta sa diyos... hindi niya kailangan ng pera.

    dun naman sa di makapagbigay.. ang simbahan lang ang may karapatang magsalita diyan dahil koryente, palinis, at trabahador nila ang apektado.. kaya may mga simbahan kung saan obligasyon ang magbigay abuloy. sa katolikong simbahan hindi oblgasyon.. kaya nga karamihan walang air condition at malinis na banyo.

    kung bothered ka sa hindi nagbibigay, sumali ka sa simbahan kung saan obligasyon ang magbigay... para wala ka na ring masabi.
  • dun naman sa di makapagbigay.. ang simbahan lang ang may karapatang magsalita diyan dahil koryente, palinis, at trabahador nila ang apektado.. kaya may mga simbahan kung saan obligasyon ang magbigay abuloy. sa katolikong simbahan hindi oblgasyon.. kaya nga karamihan walang air condition at malinis na banyo.

    Pero room ni father airconditioned at may malinis na banyo :D

    ...

    Hindi naman sila nagsimba para mag-abuloy.
  • nikkilovenikkilove PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I always find it amusing when people brag about their new gadgets, wardrobe, accessories etc.

    Then pag nag abuloy sa simbahan, dalawang piso.:glee:
  • Pero room ni father airconditioned at may malinis na banyo :D

    ...

    Hindi naman sila nagsimba para mag-abuloy.

    at masarap food ni father palagi ha, at may pajero pa .
  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mas ok sana kung mula sa puso kung magbibigay, kahit piso pa yan..

    maraming pinagkukunan ang simbahan ng kanilang pera lalo na yung may mayayamang nagsisimba , mayayamang probinsya , yung mga malalapit o nasa city..Malalaki ang mga lupain ng mga kilalang congregation , minsan kasosyo sa mga businesses..malawak ang palayan , may farm , mga donations from politicians , schools , basta marami..

    Yung mga nasa malalayong probinsya or nasa mahihirap na probisnya , yun ang kinakailangan ng tulong .. Minsan yung mismong pagpapa gawa ng mga sira sa simbahan , wala enough money para dun ,Nagtutulong lang mga members para maka collect ng funds ..

    kaya next kayo mag travel tapos sa malayo province, at nakita nyo yung church na parang kawawa, kung feel nyo lang na mas maige sana kung mejo malaki ang bigay nyo, kase kailangan nila yun.
  • despisePappusdespisePappus 👁 PBB Loyalist
    Wala akong paki sa abuloy ng ibang tao. Voluntary ang pagbibigay sa simbahan. Kargo de konsensiya nila yun. Hindi ko yun kargo. Wala akong karapatang hatulan sila.

    Mas nagngingitngit ako doon sa pinamamalitang isang libo ang binigay na donasyon sa simbahan. Kung totoo yan, mapagmalaki ka. Di yan tinuturo sa simbahan. Kung hindi yan totoo, isa kang SINUNGALING.
  • Yayaaa!!! Ilabas ang gold bars. Abuluyan na.


    Chos.
  • pink_cottoncandypink_cottoncandy PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nakakalungkot lang, yung simbahan na pinagagawa sa place namin 2 years ago, Jan 2013 nakatayo na at lahat, may pundasyon na.

    after 2 years pag uwi ko last Feb-Mar 2015ganun pa din sya, ni hindi pa sya nakukulob ... anubayan?
  • kurttrukkurttruk PEx Veteran ⭐⭐
    kafamz wrote: »
    Kabibigay ko lang ng isang libong piso kanina sa abuluyan yung iba ni singko di nagbigay. Nung second collection limang daan naman bigay ko, sila wala pa rin. :rolleyes:

    wag mo sabihing masama loob mo dahil naka wampayb ka sa abuloy, tapos yung iba walang nabigay. aminin mo na, sabi mo sa sarili mo dapat hindi ka na rin nagabot.. :glee:
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Based sa mga posts makikita mo kung sino ang may Pariseo-tendencies. :lol:
  • burburburbur PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nakakahiya naman sa inyo. Yung parents ko lang ang nagbibigay, ako hindi :hiya: Nakasanayan ko na rin kasi.
  • xctrekkerxctrekker PEx Rookie ⭐
    Curious lang. I wonder how much the church in Forbes Park (Sanctuario de San Antonio) collects during each Mass. Mas malaki bang hamak ang nakokolektang abuloy galing sa mga 'de buena familias'? Do they also have a second collection?

    Speaking of the latter, kelan ba nauso yang 'second collection' na yan? I think mid-2000s na yata lumitaw yang practice na yan- in our parish at least. But I could be wrong.
  • razzer_risingrazzer_rising PEx Influencer ⭐⭐⭐
    We usually give a big amount pag abuluyan. Kasi we are not regular churchgoers din naman and usually sabay sa pasyal during weekends ang simba. We go to mass like once to twice a month.

    But I dont have problems with other people not giving at all during abuluyan.
Sign In or Register to comment.