Mga Bisita sa Okasyon na walang dalang Regalo...Ano opinyon mo?
in Buhay Pinoy
Nabasa ko sa kabila pinagtatalunan. 
1.gusto ko sanang malaman ang opinyon ninyo sa mga bisitang dumadalo sa isang okasyon kagaya ng kasal, bertdey, o anumang salo salo na hindi nag aabala na magdala ng anumang regalo.
2.At kayo anong klaseng bisita kayo? Nagbibigay ng regalo o hindi nagbibigay? Kung oo o hindi ay Sa anong dahilan?
Fire away :cool:

1.gusto ko sanang malaman ang opinyon ninyo sa mga bisitang dumadalo sa isang okasyon kagaya ng kasal, bertdey, o anumang salo salo na hindi nag aabala na magdala ng anumang regalo.
2.At kayo anong klaseng bisita kayo? Nagbibigay ng regalo o hindi nagbibigay? Kung oo o hindi ay Sa anong dahilan?
Fire away :cool:
Comments
basta daanin sa tula
:blowsmoke:
Dalawang posibilidad: maaaring walang-wala at maaaring BALASUBAS.
Iyong mismong tao lang na dumalo ang nakaaalam kung alin sa dalawa siya.... :glee:
pero tatang hindi bat ang pagbibigay ng regalo ay dapat bukal sa loob?
hindi bat hindi tayo dapat nag aantay ng regalo kaninuman?
kung talagang hindi bukal sa loob nila ang pagbibigay at dapat hindi tayo nag aantay ng regalo anong dahilan kung bakit kailangan natin tawagin silang balasubas?
Ano pa ba ang silbi ng pagdalo sa pagdiriwang? Di ba para maghandog ng regalo at hindi MAKILAMON lang? :glee:
:rotfl:
paano kung hindi nakikain? Nagpunta lang at umuwi na? Balasubas pa din tang?
Puede talaga. Pero dapat handugan ang nagdiriwang upang maramdaman din niya ang pagmamahal.
Mahalaga ang regalo ay taos puso at bukal sa.loob.... :glee:
ang nakakaasar at masarap i-salvage yung hindi imbitado. kung madali lang maghukay sa likod bahay.. dun masarap ilagay lahat ng hindi imbitado.
Pwede na ba ito...
Ikakasal ako
Sa sabado
Punta kayo
Magdala ng regalo!
O kailangan ba English?
We're getting hitched!
Don't be a b!tch
Please bring a gift
Oh, by the way, we prefer cash
Sorry 'bout the last line
sa mga hindi nagbibigay ng regalo kapag nagpupunta sa okasyon maaari po bang malaman ang rason ninyo sa hindi pagbibigay?
A. Mahirap lang ako walang pera
B. Balasubas lang talaga Ako
C. Wala akong pakialam sa nag imbita bakit ko siya reregaluhan?
D. Naniniwala akong hindi importante ang magbigay ng regalo at sapat na ang aking pagdalo
may puntos ka din diyan tatang.
Anumang regalo kahit gaano kaliit ang mahalaga ay naalala at pinahalagahan mo ang nag imbita.
paano kung hindi dukha? Paano kung mayroon namang pambigay ngunit datapwat sadyang ayaw magbigay?
balasubas.
Di ba pwedeng bangka na lang sa kwentuhan?
:glee:
Sa US kasi parang expected na kapag invited ka dapat may dala ka.
Sa Pinas kasi kapag invited ka ibig sabihin ikaw ang pakakainin so di expected na may dala ka.
parang gusto mong sabihin na maraming patay gutom sa pilipinas pre :rotflmao:
Cheap naman. Nag-eexpect ng regalo ang celebrant.
Ako kasi pag birthday ko di ako nag-eexpect ng anumang regalo.
[#]cheapskate[/#]
game.set.match
:smokin:
paano kung sadyang naniniwala lang na hindi importante ang regalo at sapat na ang pagdalo at presensiya?