Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Bakit masarap isuot ang combat or steel toe boots araw araw? Base sa nararamdaman

Nung bata pa ako binibilhan at sumusuot ako ng mga high cut tennis shoes pero di ako kumportable kasi mabigat saka mainit sa paa pero wala akong magawa kundi tiis tiis lang...

Naging uso ang mga steel toe boots nung 1990s nung bata pa ako suot yun ng mga teenager or college students lalaki or babae pang porma.

Pero nung nag high school nung nakita ko mga sundalo naka boots pati na rin nung CAT yung mga officers nag co combat boots naging curious pa akong lalo sa mga boots nila.

Nung nag ROTC na ako nakabili ako ng boots at dun nasarapan na ako sa pagsuot nun kaso masakit sa paa ang rim niya. Yun lang tapos nawala at nasira na ang boots ko. Since then nag uumpisa na akong bumili ng mga high cut boots at dun na rin na hook at naging permanente ang pagkahumaling at pagkahilig ko sa boots. Nung nag work ako nung 2007 bumili ako uli ng boots hopefully leather combat boots dun sa Guadalupe Makati pero malas naman kasi walang leather combat boots available at that time at canvas lang nabili ko bagaman tinanggap at sinuot ko rin ng ilang beses kaso masakit talaga ang rim pero masarap sa pakiramdam. Ilang beses na din ako may nakita na sundalo at pulis nun na pure leather combat boots suot nila na boots napapatitig ako at para iniimagine pakiramdam na suot ang leather na combat boots.

Ilang taon din ang nakalipas at nung naka work ulit ako at nakaipon naisip kung bumili online ng leather combat boots at sa wakas nakabili na nga ako at nung naisuot ko na ang boots, parang nasa alapaap ang pakiramdam ko... Abot langit ang ligaya ko nung una ko siyang naisuot at masarap ang pakiramdam ko kasi parang mahigpit sa pakiramdam na nakakalibog lol...and since then naisuot ko na siya kahit saan ako pumunta at kahit sa pagtulog suot suot ko ang leather combat boots ko. At sana balang araw maisuot ko na siya araw-araw kahit saan nakapantalon man, fatigue pants or shorts. Balak ko ring bumili ng mga high cut steel toe boots, logger boots, paratrooper boots, work boots and lineman boots etc. Ano sa palagay nyo?

Comments

Sign In or Register to comment.