Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

[ABS CBN & Dreamscape] STARLA (Judy Ann Santos Teleserye)

crystalblastcrystalblast PExer
edited June 2018 in Showbiz - TV
Richard Yap nasungkit na kapareha si Juday!
SHOW-MY
Ni Salve Asis
Pilipino Star Ngayon
February 22, 2015

After Jodi Sta. Maria, another J ang makaka-partner ni Richard Yap aka Ser Chief, at Papa Chen sa kanyang eereng bagong teleserye sa ABS-CBN. Walang iba kundi si Judy Ann Santos. Yup, you read it right.

Sa March 18 pa lang sila mag-start mag-taping at hindi pa sila nagkikita o nag-uusap man lang ng actress. Someone to Watch Over Me ang title ng serye. “This is a little bit different, light drama. May konting action, konting comedy,” sabi ng dating si Ser Chief sa Be Careful with my Heart sa isang post-Chinese New Year blow out for the press.

Bukod kay Juday ayaw nang magbigay ng ibang detalye ni Richard sa kanilang gagawing light drama serye ng Teleserye Queen.

Magkakaroon ng formal announcement ang bubuo ng cast next week.

Definitely hindi mag-asawa ang role nina Ser Chief at Juday sa Someone to Watch Over Me ayon mismo sa actor.


Anyway, iba pala ang hitsura ng actor ‘pag walang eyeglasses, parang mas bumata. Kung sabagay, nakakakita naman siya kahit ‘di nakasalamin. Yung isa kasi ay 200 ang grado at 50 naman ang kabila niyang mata.

Nga pala, sa nasabing post-Valentine treat for the press sa kanyang sariling Chinese restaurant na Wang Fu in Tomas Morato, may dragon and lion dance at may feng shui expert na puwedeng mag-consult ang mga invited press.

Pero bilang Chinese hindi naman pala lahat ng pamahiin ay sinusunod niya. Like hindi siya gumagamit ng kung anu-anong charms. “Pina-follow lang namin ‘yung dinner. Or ‘yung sa mga pagkain o tikoy. As Catholic, ‘yung charms ‘pag may nagbibigay, tinatago namin, prayers pa rin,” banggit niya.
«13456

Comments

  • Abante-Tonite
    Allan Diones
    February 23, 2015

    Richard at Juday, kakaiba ang KUROT sa teleserye

    ...

    After Jodi Sta. Maria ay si Judy Ann Santos naman ang makakapareha ng Chinito actor sa isang teleserye.

    Karangalan para kay Richard na makatrabaho ang Queen of Teleserye.

    Aniya, kakaiba at hindi masyadong ma-drama ang gagawin nilang teleserye, pero may kurot sa puso.

    May halo rin itong comedy at action na light family drama.

    Ayaw magpa-pressure ni Papa Chen na si Juday ang makakaperaha niya, basta gagawin niya lang ang kanyang best.

    “Hindi ko naman puwedeng tapatan kung anong ginagawa ni Juday. Buti na lang, hindi ganu’n ka-drama ang istorya namin,” nakangiting sey ng Tsinoy Kapamilya actor.

    ...
  • Richard ... excited na kay Juday
    SOME LIKE IT HOT
    Ni Vinia Vivar
    Pang-Masa
    February 23, 2015

    ...

    Samantala, sa nasabing Chinese New Year blow-out ni Richard [Yap] ay inanunsyo niyang gagawa sila ng teleserye ni Judy Ann Santos under Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

    Excited siya sa nasabing serye na sisimulan na nila by mid-March at ididirihe nina Onat Diaz and Trina Dayrit.

    ...
  • TAKE IT TAKE IT
    Ni Lolit Solis
    Pilipino Star Ngayon
    February 23, 2015

    ...

    Si Judy Ann Santos ang makakapareha ni Richard Yap sa bagong teleserye ng ABS-CBN.

    Si Richard ang gaganap na bodyguard ni Juday pero hindi pa sure kung magkakaroon ng love angle ang kanilang unang pagtatambal sa TV.

    ...
  • Richard ayaw magpa-pressure kay Juday
    SANGA-SANGANDILA
    Ni Veronica R. Samio
    Pilipino Star Ngayon
    February 23, 2015

    Maraming followers ng local showbiz would surely welcome Richard Yap’s new look, pero hindi siguro ako kasama dahil mas gusto ko ‘yung dati niyang hitsura na cute kapag nakasalamin, soft ang features at hindi pinatatapang ng isang bigote. Pero being an actor, naiintindihan ko rin ang kagustuhan niyang maiba naman ang kanyang ayos. Bilang artista obligasyon niya na magre-invent ng sarili para naman hindi magsawa ang mga tagahanga at tagasunod niya. Sa puntong ito ay pinupuri ko siya. Hindi madali ang mag-isip ng paraan para baguhin ang sarili at tanggapin ng tao.

    Malaki ang expectation ng tsinitong aktor para sa karera niya sa taong ito. Bukod sa hindi na siya malilimitahan sa pagganap ng role ng isang ama tulad ng ginawa niya nang maging ama siya nina Kim Chiu sa My Binondo Girl, Janella Salvador, Jerome Ponce, Mutya Orquija, at isang kambal sa Be Careful With My Heart at Bimby Aquino Yap sa Praybeyt Benjamin, may gagawin siyang isang family teleserye kasama ang reyna ng drama na si Judy Ann Santos.

    “Hindi naman ito dramang-drama. Light lang, isang romcom, pero may kurot sa puso,”
    anang aktor na napiling makasama ang mga taga-entertainment press sa isang post-Chinese New Year celebration. Katulad ng dati, tinambakan na naman niya ang mga loot bags na ipinamigay sa mga bisita. Ang dami talaga! Nagpa-raffle pa siya ng mga Boss products na ini-endorso rin niya.

    Hindi lamang ang pag-aartista at paggawa ng mga commercial ang ginagawa ng aktor, marami rin siyang negosyo na pinatatakbo kasama ang mga kaibigan niya bilang may-ari. Kabilang na rito ang dalawang branches ng Wang Fu, isang Chinese bistro at ang Luna J, isa pa ring kainan. Meron din siyang isang pet shop na pinangangasiwaan na ng kanyang maybahay. Sila na rin ang gumagawa ng mga shampoo para sa mga aso.

    Aksidente lamang ang pagiging artista. Naghahanap nun ng isang lalaki na papapel na ama ni Kim Chiu sa isang teleserye. Isang kaibigan na kaibigan naman ng isang kasama sa produksyon ang nagsabi sa kanya na mag-audition. That time ay pamilyar na ang mukha niya dahil sa pagiging endorser ng Chowking kaya mabilis siyang napili.

    Bukod sa teleserye na kasama si Juday, nakatakdang gumawa ng dalawang pelikula sa taong ito si Richard na hanggang ngayon ay tinatawag pa ring Papa Chen at Ser Chief na pangalan ng dalawang roles na ginampanan niya sa dalawang sikat na teleserye. Hindi natuloy ang pagsasapelikula ng Be Careful With My Heart para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa haba ng itinakbo nito sa TV ay naubusan na ito ng istorya. Mabuti na lamang ay nakasama siya sa napakasikat na pelikula nina Vice Ganda at Bimby Yap kaya hindi siya na-zero nung Pasko. Aside from Jodi Sta. Maria and Juday, nangangarap din si Richard na makatambal sina Dawn Zulueta at Anne Curtis. Ayaw niya lagyan ng pressure ang sarili sa pakikipagtambal kay Juday. “Buti na lang at hindi dramang drama ang gagawin namin,” sabi niya.
  • PEP.PH
    by Ruben Marasigan
    posted on February 22, 2015

    701973f65.jpg
    PHOTO: MARK ATIENZA

    Isang post-Chinese New Year celebration ang ibinigay ni Richard Yap sa movie press kahapon, Sabado, February 21.

    Ginanap ito sa pag-aari niyang Wangfu Chinese Bistro sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

    Simple lang daw ang naging celebration nila ng kanyang pamilya nung katatapos na Chinese New Year.

    “Nag-dinner lang kami sa bahay,” kuwento ni Richard nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media.

    “Usually naman gano’n, e,” patungkol niya sa pagsalubong sa Chinese New Year.

    “May mga fruits, anything round. Tapos may isda, may tikoy, may pansit.

    “Gano'n lang naman usually. Simple lang naman. Basta magkasama lang ang buong pamilya.”

    Meron ba siyang masasabing hiling sa pagpasok ng Year of the Wooden Sheep?

    “Well, I just wish na maganda yung magiging projects namin this year. And good health for everyone especially for my kids, my family, and my wife.”

    NEW LOOK. Kapuna-puna ang "new look" ngayon ni Richard.

    Hindi siya naka-salamin at ang buhok niya ay medyo pataas.

    “Ano lang, after I did Be Careful... and Praybeyt Benjamin, pumunta ako sa hairdresser ko. Sabi ko, baguhin mo naman ang buhok ko.

    “Sabi naman niya, 'O sige, ako ang bahala.' At okey naman, madaling ayusin yung bagong hairstyle ko,” sabi niya.

    Wala raw kinalaman ang kanyang "new look" sa bagong teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN kung saan si Judy Ann Santos naman ang makakatambal niya.

    “Ewan ko lang kung ipapa-retain nila yung ganitong look ko. We’ll start taping by March.

    “Naikuwento na sa akin yung story. And it’s very interesting.

    “It’s something very different from all the teleseryes that you are watching. So I’m very excited about it,” masaya niyang lahad.

    EXCITED TO WORK WITH JUDAY. First time pa lang nilang magkakatrabaho ni Judy Ann.

    Sa palagay niya, magiging maganda ang collaboration nila ng aktres?

    “I don’t know. We haven’t met, actually.

    “I’ve met Ryan [Agoncillo, Judy Ann’s husband] before. Pero si Ms. Judy Ann, hindi pa.

    “Of course, I’m looking forward to working with her. It’s such an honor.

    “She’s the Teleserye Queen. So I’m hoping to learn new things from her.

    “And I’m very excited talaga to work on this project kasi maganda talaga yung story nito. It has a little bit of everything.

    “May drama, may konting comedy, may konting action. A little bit of everything,” ngiti niya.

    OFFBEAT ROLE. Yung role ba niya rito, malayo sa character ni Sir Chief na ginampanan niya sa Be Careful With My Heart?

    Ani Richard, “Medyo malayo. Kasi yung character ko dito, iba talaga.

    “But I can’t tell you the details pa. We’ll be announcing it soon.”

    Yung pagtatambal nila ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart, tumagal ng taon sa pag-ere.

    PRESSURED? Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure na baka ganito rin ang inaasahan sa teleseryeng pagsasamahan nila ni Judy Ann?

    “Uhm… hindi ko masabi if it will be long-term. Kasi iba na ito, e.

    “Iba na yung story. Iba na yung ano… it depends.

    “Well, I wouldn’t expect it to run as long as Be Careful… I think it will be shorter.

    “And I try not to pressure myself.

    “Basta bago ‘to. We’ll just do our best.

    “Kung maganda naman yung story, I’m sure tatanggapin naman ito ng mga tao,” pahayag niya.

    ...
  • Richard Yap is Judy Ann's newest leading man
    ABS-CBNnews.com
    Posted at 02/23/2015 11:44 AM | Updated as of 02/23/2015 11:51 AM

    JudyRichard_022315.jpg

    MANILA -- What's next for actor Richard Yap after the phenomenal success of his long-running daytime series "Be Careful With My Heart"?

    While his co-star Jodi Sta. Maria bagged a coveted role in the upcoming remake of "Pangako Sa 'Yo," the actor who played Sir Chief in the daytime hit will team up with Judy Ann Santos, who has been dubbed the "Teleserye Queen," for a new series.

    Yap told reporters that he will start taping for the upcoming soap next month.

    "We will be starting taping by March I think. This is for new soap with Ms. Judy Ann," he said.

    "Nakuwento na sa akin 'yung story, something very different from the other teleseryes we are watching," he added.

    The actor said it's an honor for him to work with Santos.

    "I'm looking forward to working with Ms. Judy Ann. It's such an honor and she's the Teleserye Queen. So I hope to learn new things from her and I'm very excited to work on this project," he said.

    "Maganda talaga ng istorya -- it has a little bit of everything, may drama, konting comedy, konting action," added Yap.

    "Medyo malayo siguro ang character niya (kay Sir Chief). May kaunting similarity but iba. I can't tell all the details," he said.
  • Richard Yap on teleserye with Judy Ann Santos: "I wouldn’t expect that it will run as long as Be Careful..."
    By Julie Bonifacio
    02/24/15 12:44 am

    Kumpirmado na ang unang teleserye na pagsasamahan nina Judy Ann Santos at Richard Yap ABS-CBN this year.

    Mismong si Richard ang nag-announce nito sa kanyang thanksgiving party ***** Chinese New Year celebration niya with the entertainment press na ginanap sa WangFu Chinese Bistro last Saturday.

    “Wala pa raw title. Hindi pa raw firm yung title na gagamitin. Uhmm, hindi ko pa pwedeng sabihin,” ani Richard tungkol sa upcoming show niya mula sa Dreamscape Television Entertainment.

    Kailan sila magsisimula ni Judy Ann for the new show?

    “Ah, ang ano nila, ang peg mga March 18.”

    May paghahanda ba na kailangan niyang gawin for his new role?

    “Magi-storycon pa lang kami next week. So, maybe by that time malalaman na namin yung details. Although, may idea na ako.”

    Mahirap ba ang role niya? Is it something different from his previous roles?

    “Hindi, light din naman siya. So, hindi ganoon kabigat.”

    Sa tingin niya tatagal ang teleserye nila ni Judy Ann gaya ng daytime teleserye niya with Jodi Sta. Maria, ang Be Careful With My Heart?

    “Hindi ko masabi na it will be for long term. Ah, iba na ‘to, e. Iba na ang story, iba na ang mga kasama namin. It depends.”

    Nakaka-pressure ba para sa kanya na ang isang Judy Ann Santos ang bago niyang leading lady?

    “Well, I wouldn’t expect that it will run as long as Be Careful... I think shorter. I try not to pressure myself. Basta bago ‘to. I’ll just do my best.”

    Ready na ba ulit siya sa puyatan?

    “Well, hopefully, hindi pa kami ganoon kapuyat kasi hindi naman siya i-air agad. So, magkaka-pondo muna kami.”

    Sure na sure na raw si Judy Ann sa bago niyang proyekto sa Dreamscape na ipapalabas sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Ang mga director nila sa bagong teleserye ay sina Onat Diaz at Trina Dayrit.
  • xzzzxzzz 10th PEx Oscar Pool Top 10
    Someone To Watch Over Me cast

    Judy Ann Santos
    Richard Yap
    Diether Ocampo
    Eddie Garcia
    Tirso Cruz III
    Michelle Vito
    Paulo Angeles
    Loren Burgos

    Directors: Onat Diaz, Trina Dayrit
  • xzzzxzzz 10th PEx Oscar Pool Top 10
  • B_PNX54UQAAFbZl.jpg

    CTO

    Inq Entertainment ‏@InqEnt
    [#]SomeoneToWatchOverMe[/#] Judy Ann Santos is an NBI agent in the series with Eddie Garcia, Richard Yap, dog Kuya. @marinelRcruz
  • 11004985_762761060486770_1650470767_n.jpg

    CTO

    ralphvmercado
    Powerhouse cast!!! [#]SomeoneToWatchOverMe[/#] Starring the Queen of Soap Opera, Ms. Judy Ann Santos!


    dreamscapeph
    [#]UpToDate[/#]: @officialjuday in [#]SomeoneToWatchOverMe[/#] [#]DreamscapeMagicalSummer[/#]
  • Comebacking Diether Ocampo to join new Judy Ann soap
    03/05/2015 12:32 PM
    ABS-CBNnews.com

    MANILA - After taking a break for almost two years, actor Diether Ocampo is making his TV comeback in ABS-CBN's upcoming series "Someone To Watch Over Me," which also stars Judy Ann Santos and Richard Yap.

    In a press conference on Wednesday, Ocampo, who was last seen in the 2013 series "Apoy Sa Dagat" with Angelica Panganiban, explained that during his absence from showbiz, he was taking up an entrepreneurship program.

    "And, of course, I was waiting for the right project. Finally Dreamscape offered this project and I'm very happy that they considered me," Ocampo said.

    Ocampo, who also took a liking to riding horses, denied that he has become "picky" with his showbiz projects.

    "I don't think picky is the right word. Hindi lang siguro fit, mahirap naman na ipilit. But of course I'm very thankful to the people who considered me, always thankful," he said.

    In "Someone To Watch Over Me," Ocampo plays the role of Anthony who falls in love with the character of Santos.

    "Pero ang tingin ng character ni Judy Ann sa kanya ay kaibigan lang. Magkakaroon ng interesting twist kasi another character will be coming in," Ocampo said.
  • What to expect from Judy-Ann Richard Yap series
    03/05/2015 2:22 PM
    ABS-CBNnews.com

    MANILA -- Don't expect the first team up of Judy Ann Santos and her newest leading man Richard Yap to be anything like the phenomenal daytime kilig-serye "Be Careful With My Heart."

    Nor should you expect something as heavy as "Huwag Ka Lang Mawawala," Santos' 2013 primetime hit about the violence against women.

    In a press conference on Wednesday, Yap said that their upcoming series "Someone To Watch Over Me" is different from his long-running series with Jodi Sta. Maria.

    "It's more of a light romantic and action-packed series. Hindi ganoon ka dramatic ang seryeng ito," Yap said.

    "Basta fresh na fresh siya. It would be a lighthearted na programa, full of lessons, of course, and at the same, time we promise that will make you smile and cry along the way," Santos added.

    But if there should be any similarities, Yap is hoping that viewers would also love his new show.

    "Like what happened before, everything was unexpected. Itong tambalan namin was unexpected, 'yung sa 'Be Careful' was unexpected. So, we hope to surprise the viewers and we hope to bring the same impact of the series we did before," he said.

    Asked if he feels pressured to at least match the success of "Be Careful With My Heart," Yap only had to look at his leading lady.

    "Well with Ms. Judy Ann at my side, I don't think I have to be worried," he said confidently.

    In "Someone To Watch Over Me," Yap plays a businessman, while Santos plays an NBI agent, who is also a loving mother and wife.
  • Abante-Tonite
    Alwin Ignacio
    March 6, 2015

    OH my! He is really so back from outer space at tila gusto niyang patunayan na hindi siya ang presidente of the League of Extra Ordinary Has Beens.

    Hindi ko kasi pinanood ang ASAP 20 flashback and throwback anniversary special kung saan nag-reunion silang The Hunks.

    May shock tulala factor pa rin para sa mga bisita ang Someone To Watch Over Me (bagong TV show headlined by Judy Ann Santos and Richard Yap) dahil andoon si Diether Ocampo.

    Hindi siya aparisyon. Hindi guni-huni. Hindi hologram. Go for golden ang presence!

    Medyo nagkalaman si Ocampo, fresh at guapo pa rin. Marami raw sa mga diwata at sirena, pati na rin sa mga tunay na babaita, ang muling tumalon ang puso.

    Kinilig with matching pilig at may sumagitsit na init sa kanilang pagkababae, totoo man o imaginary, matapos masilayan na super papable pa rin si Diet.

    Sa paglitaw muli ni Ocampo, at since he was as fresh as the morning daisy, tiyak na burado na ang chika na kesyo may health problem ito.

    Kung medyo bilugan si Diet sa personal, malamang eh deadma siya sa pagda-diet while he was away.

    Ang conclusion, the added poundage looked good on him.

    Siyempre pag medyo tabachingching, stretched ang fezlak, di tuyot tingnan kaya may natural glow ang skin.

    Alam din natin na during his hiatus eh he might have visited his dermatologist para sa mga anti-ageing treatments at kung anu-ano pang pampabagets lalo na’t in his late 30’s na si Ocampo. Aging handsomely ang bruho, huh?!

    Kung may budget ang mamang guaping to maintain his artistahin looks, ‘yung budget niya kaya para sa mga production staff of his indie film, meron na kaya o luhaan pa rin ang mga ito?

    Parang something positive transpired.

    Kasi nga, tila tahimik na. Matapang na nagpakita sa mga tao si Diet. Being part of this Judy Ann Santos-Richard Yap project will be good for him.

    After a long vacation, a high profile project is what he truly needs.

    And with a new TV program, hope springs eternal na some of it will be allocated sa mga outstanding financial obligations.
  • by Marjorie S. Duran
    March 6, 2015

    juday.jpg

    Getting better all the time

    Judy Ann, who is set to co-headline the new ABS-CBN series “Someone to Watch Over Me” with Richard Yap, now enjoys a better relationship with her mother network.

    “Well ’yung tampo naman (sa ABS-CBN), come and go naman siya. Bilang artista at bilang nagtatrabaho sa kanila, ako ay isang empleyado lang. May pagkakataon na hindi maiiwasan na magkaroon ng tampo sa boss mo. Pero lahat naman ’yun naaayos, napag-uusapan.”

    The 36-year-old actress added, “Siguro may pagkakataon lang na kailangan dumating ’yun (tampuhan) para maging open kayo sa isa't-isa at (maging aware) kung ano ’yung hindi na (dapat) maulit sa susunod.”

    Judy Ann has the same mindset when it comes to friendship, particularly that with actress Kris Aquino. The two seemingly had a misunderstanding recently after she made a comment that many deemed was about President Benigno Aquino III’s absence during the arrival honors for the slain members of the Philippine National Police-Special Armed Forces.

    The two have since patched things up, with Kris apologizing to Judy Ann publicly and acknowledging she could be “impulsive and overly emotional” at times.

    “Siguro iyon ang dapat namin (ni Kris) pagdaanan to understand each other better,” Judy Ann said.

    “Our friendship was never the deep kind, it was a warm friendship… Ang open ng relationship namin ni Kris and very professional, and I think ’yun ang maganda kasi pareho kaming naging responsible bilang tao at bilang magkaibigan.”

    Judy Ann said they’ve been communicating regularly since then. She even greeted Kris via text message on the latter’s birthday last Feb. 14.

    “She texted back,” Judy Ann shared.

    Return to acting

    Prior to accepting a role on “Someone to Watch Over Me,” Judy Ann hosted “Bet On Your Baby.”

    It is apparent she is excited to act again. “Lagi ko naman sinasabi na babalik at babalik ako sa pinagmulan ko so I’m happy na binigyan ako ng (acting) project,” she said.

    She looks forward to working with Richard, whom she only knows through “Be Careful With My Heart.”

    “The first time I met him, andun ’yung tensiyon pa… masyado pang tahimik, wala pang masyadong nakakapag-break ng ice,” she admitted. “But I (heard) that ang bait niya kasama so I had no apprehensions nung nakita ko siya.”

    Judy Ann shared that “Someone to Watch Over Me” will bring awareness to everyone about “animals having heart and feelings” and they need to be taken care of.

    (With report from Bhenj Agustin)
  • Diether tinapos na ang pamamahinga
    YSTAR
    Ni Baby E
    Pang-Masa
    March 6, 2015

    Wow, how nice na back on TV si Diether Ocampo, who was out of the showbiz scene since natapos niya ang kanyang last series, Apoy sa Dagat, with Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

    Diether plays an important role in Dreamscape Entertainment Television ongoing production, Someone to Watch Over Me, which stars together for the first time sina Judy Ann Santos at Richard Yap.

    Magsisilbing comeback din ang STWOM kay Juday sa series (pet name ni Judy Ann), who, for the past year concentrated on TV hosting.

    Her last teleserye, according to Juday mismo, ay Huwag Ka Lang Mawawala.

    Nagtampo nga ba siya sa ABS-CBN, na natagalang magka-teleserye siyang muli, samantalang she’s supposedly the Queen of Teleserye? Si Coco Martin naman ang King of Teleserye.

    Come to think of it, kailan ba magtatambal ang dalawang ito?

    Tirso Cruz wala pang alam sa role sa Someone…

    First series din ni Tirso Cruz III ang STWOM, since na-hospitalize siya at nag-recuperate.

    Kung sabagay, before Pip’s (pet name ni Tirso), hospitalization, katatapos niya ng series na Hawak Kamay with Piolo Pascual. He was also featured in Book 1 series ng Ikaw Lamang.

    Wala pang masyadong idea si Pip sa magiging role niya sa Someone to Watch... Which he doesn’t mind. As he said: He trusts the ‘‘powers’’ behind Dreamscape ET, which has consistently cast him in major roles in their past series.

    Amen to that, says naman showbiz icon, Eddie Garcia, na suki din ng Dreamscape.

    Eddie played the title role in one of Dreamscape ET presentation of Give Love on Christmas Day.

    Dreamscape is, of course, headed by ABS-CBN Business unit head, Deo Edrinal.
  • SOME LIKE IT HOT
    Ni Vinia Vivar
    Pang-Masa
    March 6, 2015

    Diether mas inatupag ang pag-aaral

    Pag-aaral pala ang inatupag ni Diether Ocampo nitong nakaraang dalawang taon kaya hindi siya masyadong napagkikita sa telebisyon.

    “I was busy finishing my school program under La Salle’s ACE program for entrepreneurship. So, ‘yun ‘yung pinagkakaabalahan ko and of course, I’ve been waiting for a good project and finally, Dreamscape offered this project and I’m very happy that they have considered me,” pahayag ni Diether sa presscon ng Someone to Watch Over Me, ang bago niyang project sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment kung saan ay makakasama niya sina Judy Ann Santos and Richard Yap.

    “So far, ‘yun ang pinagkakaabalahan ko, the reason while I was away for few years is because I’m also busy studying,” paliwanag ni Diether.

    Would he admit na naging picky din siya sa pagpili ng role at may mga offer siyang hindi tinatanggap?

    “Well, I guess, picky is not the right word. Siguro ano, hindi lang fit sa. . .so parang mahirap naman nating ipilit, but of course, I’m very thankful to the people who have considered me.”

    Dahil nga nagkaroon din naman sila ng magandang pinagsamahan ni Andeng Bautista na naging ex-gilfriend niya, nahingan din ng komento si Diether tungkol sa nangyari kay Jolo Revilla.

    “Hindi ko kasi nasusundan ‘yung ano, eh, but of course siyempre, ‘pag nagkikita-kita naman kami, hindi naman malayo sa amin ‘yung mga ano dahil kababayan ko rin sila sa Cavite and also, you know, I’m quite close to Strike (Revilla), the brother, but other than that, hindi ako updated sa mga current na nangyayari sa kanila.

    “But I do hope that things will be better in the near future, of course. I guess they’re going through a lot lately, so knowing them, malalampasan nila ‘yun, I’m pretty sure. I believe they’re a very strong family, so I guess, wala naman sigurong pagsubok na hindi nila malalagpasan as a family. And you know, as a kababayan, I would always wish all the best for them,” say ni Diether.

    Juday excited makatrabaho ang dating ka-gimik

    Samantala, ayon naman kay Juday, happy raw siya that Diether is back at muli niyang makakatrabaho. Dati na silang magkakasama noon sa Gimik show ng ABS-CBN years back at doon nga nabuo ang barkadahan nila nina Giselle Toengi, Bojo Molina, Mylene Dizon, at iba pa nilang kasamahan sa nasabing show.

    “When I saw him kanina, na-miss ko talaga siya. And I’m really excited and happy na tinanggap niya ‘yung project kasi it’s been a while na hindi natin nakikita si Diether sa isang teleserye and at least ngayon, magkasama kami, hindi kami magkabarkada, hindi kami ‘yung gimikan, so medyo mature ‘yung pag-atake namin sa programa. I’m really looking forward to taping days with Diether and of course, with everyone,” say ni Juday.

    Si Diether ang makaka-love triangle nina Juday at Richard sa serye at malapit na nilang simulan ang taping.
  • Juday, nae-excite kay Richard Yap!
    07 March 2015
    by Glenn Recondola

    First time na gumawa ng project together sina Judy Ann Santos at Richard Yap kaya ganu’ n na lang ang excitement nilang dalawa na magsisimula na ang kanilang taping next week.

    Ito ay para sa teleseryeng Someone To Watch Over Me na proyekto nila sa Dreamscape Entertainment Television at ABS-CBN.

    Tsika nga ng Queen of Teleserye Soap na si Juday, “Sa palagay ko, sa bawat bagong project na gagawin ng isang artista, nandun ‘yung nerbiyos, nandun ‘yung excitement, of course.

    “You will be working with new people, and you know, after the project, you have new friends.

    “More than the nervousness, nandun ‘yung excitement na na-agit ako (agitated) na ang tindi nang sinusundan namin. Na parang, ‘ano ba ‘to?’”

    Ano ang unang impresyon niya kay Richard?

    “Kanina lang talaga kami nag-meet. So, nandun ‘yung, ‘Paano ko ba sisimulan makipag-usap?’

    “Kilala ko naman si Richard Yap dahil sa Be Careful at Papa Chen (My Binondo Girl). But, andun ‘yung we really have to know each other better dahil we would be working twice or thrice a week.

    “Wala naman akong masyadong takot, feeling ko ay hindi naman siya nangangagat!” sabi ni Juday.

    Inaasahan ng publiko na meron silang kissing scenes o love scenes sa una nilang pagtatambal?

    “We really can’t tell kung saan papunta ang mga eksena. Kasi siyempre, primetime, malamang maraming kailangan kang bantayan.

    “We’ll see. Tingnan natin kung ano ang magiging takbo ng pulso ng mga tao.”

    Paano nga raw nila tatrabahuhin ang kanilang chemistry ni “Ser Chief”?

    Aniya, “Ako, I believe na ang chemistry just happens.

    “It happens through friendship, it happens through working together.

    “We will work on it pero, ‘wag namang matindi kasi, baka ‘pag tindihan natin, maging mas sobrang seryoso ang dating namin sa isa’t isa.

    “Basta, ano lang, I guess, we’ll just let it be.”

    Hindi rin daw akalain niya na sa bagong proyekto niya, si Richard ang magiging ka-loveteam niya?

    “Nandun ‘yung... hindi naman sa nagulat, pero, hindi ko kasi naisip na it would be possible,” sabi ni Juday.

    “‘Oo nga, bakit naman hindi?’ ‘Yun lang ang nasabi ko.

    “At least fresh na fresh, hindi mo talaga aakalaing mapagtatambal kaming dalawa.

    “I’m excited to see kung ano ang magiging resulta.”
  • PEP.PH
    by Nerisa Almo
    posted on March 5, 2015

    1b042468c.jpg
    Judy Ann Santos will be paired with Richard Yap for the first time via the upcoming ABS-CBN series Someone To Watch Over Me.
    PHOTO: NOEL ORSAL

    ...

    NEW TV PROJECT. Dahil naayos na ang maliit nilang tampuhan, matutuloy na ang teleseryeng gagawin ni Judy Ann kasama si Richard Yap, ang Someone To Watch Over You.

    First time na-meet ni Judy Ann ang kanyang leading man sa story conference ng kanilang teleserye kahapon.

    Ayon sa aktres, "Siyempre, nandoon yung paano ko ba sisimulang makipag-usap.

    “Kilala ko naman si Richard Yap by Be Careful [With My Heart] and Papa Chen.

    “So, I'm also excited to know him better, kasi we will be working with each other twice or thrice a week.

    “Wala naman akong masyadong takot, kasi feeling ko naman, hindi siya nangangagat.”

    Paano naman kaya mabubuo nina Judy Ann at Richard ang chemistry nilang dalawa?

    Sagot ng young superstar, “Ako, I believe that chemistry just happens, e.

    “It happens through friendship. It happens through working with each other over time.

    “We will work for it.

    "But I guess, hindi masyadong matindi, kasi baka kapag tinindihan namin, maging seryoso ang dating namin sa isa't isa."
Sign In or Register to comment.