COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Misinformation ABOUT IGLESIA NI CRISTO or mga Maling Paniniwala sa Iglesia ni Cristo

TokayTokay Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
Ako po si Tokay lumaki akong katoliko sa Probinsiya ng Northern Samar. Ang Patrono po na kinikilala sa aming bayan ay si San Antonio De Padua.

Naging isa akong katulong sa mga gawaing kumbento sa ilalim ng parokyanong nagngangalang Padre Dulay.

Ang Ama ko ay minsang naging Iglesia ni Cristo ngunit ito ay naalis dahil sa pakikisama sa aking Ina na isang debotong katoliko, Kaya lumaki akong katoliko.

Nagpasimula akong nagpadoktrina sa Iglesia ni Cristo noong kolehiyo pero iyon ay hindi natapos dahil sa maraming hadlang, pero ng mga panahong iyon ay nauunawaan ko na kung ano ang Iglesia na ito ngunit hindi pa lubusan.

Nang lumuwas ako ng maynila ay nagpadoktrina ulit ako ngunit hindi matapos tapos dahil sa Nature ng aking trabaho ay palipat lipat ako kung saan ang destino ng project. Marami akong taong nakakasalumuha at sa bawat taong nakakasalamuha ko ay may MALING PANINIWALA SILA UKOL SA IGLESIA NI CRISTO. Kahit dito sa PEX ay nagkalat narin ang ganun.

Kaya ito ang ang layunin ng thread na ito ay MAITUWID ANG MGA MALING PANINIWALA NG MGA TAO SA IGLESIA NI CRISTO...
«13456712

Comments

  • Neil1984Neil1984 Member PExer
    Convert din ako Brod. Marami talaga silang maling impression sa INC. Kahit ako dati, hindi ko matanggap na isang Pilipino ang muling nagbangon sa tunay na INC. Pero naisip ko, pinipili ng Diyos ay yung mga nasa mababang uri ng kalagayang pangmundo dahil ang mga tao ay mapagmataas sa kanilang karunungan. Kung iyong pag-aaralan ang Lumang Tipan, makikita mo na karaniwang pinili ng Diyos ang mga taong halos walang maipagmalaki sa mundo.

    Nadala tayo sa dayuhang pag-iisip na sila ang superior kaya sila ang may karapatan at tayo ay taga-sunod lang.

    Masaya ako at tinawag ako ng Diyos sa INC.:)
  • RavlaMRavlaM Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    #1 Misinformation: Felix Manalo is a prophet cum angel.

    #2 INC is a religion.
  • TLGTLG The Dark Knight PExer
    Ano ba ang maling paniniwala na meron kami sa INC? Ako so far sa mga thread ko halos tama mga paniniwala ko sa INC..

    1. Sinugo ni Manalo ang sarili at sariling interpretasyon niya lang sa bibliya ang gamit.
    2. Palpak ang mga propesiya niya patungkol sa WW1.
    3. Gumagamit si manalo ng mga referensiya mula sa mga sa demonyo para ipaliwanag ang palpak na propesiya niya.
    4. Mahilig manira ang INC gamit ang mga miscitation ng mga aklat na ginagamit nilang referensiya.
    5. Infallible ang mga turo ni manalo at lahat ng ministro at miyembro ay dapat umayon sa turo niya.

    Pero sa TS huwag kayong maniwala...ubod ng sinungaling yan, sabi niya "lumaki daw siyang katoliko kasi ang ama niya natiwalag noong sumama sa ina niyang katoliko at ang una niyang encounter sa INC ay noong kolehiyo na daw siya". Ako naniniwala na talagang mas mahirap tandaan ang kasinungalingan kesa sa katotohanan kasi halatang nagsisinungaling lang si tokay... papaano ko nasabi? Basa....
    Tokay wrote: »
    Balik tanaw sa nakaraan..Noong Bata pa ako isinama ako ni Erpat sa pagsamba ng Kabataan sa Iglesia ni Cristo...Eto yung turo tungkol sa Elohim na iyan...

    Malinaw po... ang TS ay saksakan ng sinungaling! :lol:
  • Neil1984Neil1984 Member PExer
    ^
    ^
    ^
    Ang pagsamba sa kabataan, FYI TLG, hindi pa bautisado yan. Dadaan pa sila sa doktrina para matawag na isang INC. Pero ang pagsamba nila ang starting point nila para maintindihan ang doktrina ng INC. Pero ang pagiging INC ay hindi sa pagsamba kahit 100 beses pa, kundi sa bautismo at pagkakaroon ng opisyal na tala sa INC
  • TLGTLG The Dark Knight PExer
    Neil1984 wrote: »

    Hindi ka ba nagbabasa sa sinabi ni tokay?
    Tokay wrote: »
    Ako po si Tokay lumaki akong katoliko sa Probinsiya ng Northern Samar. Ang Patrono po na kinikilala sa aming bayan ay si San Antonio De Padua.

    Naging isa akong katulong sa mga gawaing kumbento sa ilalim ng parokyanong nagngangalang Padre Dulay.

    Ang Ama ko ay minsang naging Iglesia ni Cristo ngunit ito ay naalis dahil sa pakikisama sa aking Ina na isang debotong katoliko, Kaya lumaki akong katoliko.

    Papaano isasama ng ama ni TSllier si TSlier sa mga pagsamba ng INC kung tiwalag na ito noong bata pa siya? :lol:

    Ang more importantly, lumaki daw siyan katoliko, at kolehiyo lang siyang nagsimulang nagpadoktrina!

    Tapos sa ibang kwento sasabihin niya nung bata pa siya uma-attend siya sa mga pagsamba ng INC at sinasama pa siya ng tatay niya na supposedly tiwalag! :lol:

    *****

    Kaya madali kang mauto eh..mahina kang makiramdam!:naughty:
  • Neil1984Neil1984 Member PExer
    Hindi naman malalaman kung tiwalag ka or hindi pagpumasok ka sa sambahan. Hindi ka rin naman babarahin kung papasok ka. Kahit sino pwede pumasok sa sambahan basta nasa kaayusan lang.
  • TLGTLG The Dark Knight PExer
    Neil1984 wrote: »
    Hindi naman malalaman kung tiwalag ka or hindi pagpumasok ka sa sambahan. Hindi ka rin naman babarahin kung papasok ka. Kahit sino pwede pumasok sa sambahan basta nasa kaayusan lang.

    hay nako..harap harapan na pagsisinungaling ginagawan mo pa din ng palusot! :glee:
  • AthrunzalaAthrunzala Member PExer
    Tokay at Neil1984, may monthly salary ba kayong nakukuha sa INC?
  • TokayTokay Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TLG wrote: »
    Papaano isasama ng ama ni TSllier si TSlier sa mga pagsamba ng INC kung tiwalag na ito noong bata pa siya? :lol:

    Ang more importantly, lumaki daw siyan katoliko, at kolehiyo lang siyang nagsimulang nagpadoktrina!

    Tapos sa ibang kwento sasabihin niya nung bata pa siya uma-attend siya sa mga pagsamba ng INC at sinasama pa siya ng tatay niya na supposedly tiwalag! :lol:

    Ang sabi ni TLG papaano daw isasama ako ng aking Ama sa pagsamba sa Iglesia gayung tewalag naman ito? akin lamang lilinawin na sa Iglesia ni Cristo ay welcome po ang sinumang sumamba o pumasok sa loob ng kapilya sa araw ng pagsamba tewalag man o hindi.

    Ang isang tewalag sa Iglesia ni Cristo ay may karapatan magbalik loob sa Diyos. At kapag napatunayan na ang isang tewalag ay buong puso ang pagbabalik loob ito ay ibinabalik sa talaan o a pagiging Iglesia ni Cristo.
  • TokayTokay Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TLG wrote: »
    Ano ba ang maling paniniwala na meron kami sa INC? Ako so far sa mga thread ko halos tama mga paniniwala ko sa INC..

    1. Sinugo ni Manalo ang sarili at sariling interpretasyon niya lang sa bibliya ang gamit.

    Ito ang pangalawang Misinformation ni TLG sa Iglesia ni Cristo or maling paniniwala...

    Hindi po sinugo ni Ginoong Felix Manalo ang sarile para mangaral ng ebanghelyo ng Diyos..Katunayan ayon sa mga matatanda sa Iglesia ni Cristo noong nag uumpisa itong mangaral ang malimit na banggitin niya ang ganito...

    "WAG PO KAYO MANINIWALA KAY MANALO KUNDI SA MGA TUNAY NA ARAL NA AKING IPINAPANGARAL SA INYO"

    yan ay isa sa matibay na katunayan na ang pangangaral ni Felix Manalo ay hindi para sa kanyang sarile kundi ayon sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang Pnginoong Jesu Kristo man ay nagpahayag din ng katulad niyaon

    Juan 7:28
    28Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala.
  • TLGTLG The Dark Knight PExer
    Tokay wrote: »
    Hindi po sinugo ni Ginoong Felix Manalo ang sarile para mangaral ng ebanghelyo ng Diyos..Katunayan ayon sa mga matatanda sa Iglesia ni Cristo noong nag uumpisa itong mangaral ang malimit na banggitin niya ang ganito...

    "WAG PO KAYO MANINIWALA KAY MANALO KUNDI SA MGA TUNAY NA ARAL NA AKING IPINAPANGARAL SA INYO"

    At isa sa mga "tunay" na aral niya ay ang pagsusugo niya sa sarili niya na siya ang huling sugo daw! :lol:
  • TLGTLG The Dark Knight PExer
    Tokay wrote: »
    Ang sabi ni TLG papaano daw isasama ako ng aking Ama sa pagsamba sa Iglesia gayung tewalag naman ito? akin lamang lilinawin na sa Iglesia ni Cristo ay welcome po ang sinumang sumamba o pumasok sa loob ng kapilya sa araw ng pagsamba tewalag man o hindi.

    Ang isang tewalag sa Iglesia ni Cristo ay may karapatan magbalik loob sa Diyos. At kapag napatunayan na ang isang tewalag ay buong puso ang pagbabalik loob ito ay ibinabalik sa talaan o a pagiging Iglesia ni Cristo.

    Kung bata ka pa lang eh dinadala ka na ng tiwalag mong tatay sa mga pagsamba ng INC, bakit di ka naging INC at nakuha mo pang lumaking "katoliko"? :glee:

    At bakit nakuha mo pang maging katulong sa kumbento habang lumalaki ka eh dinadala ka naman ng tatay mo sa mga pagsamba sa INC noong mga panahon na yun? :lol:

    Contradicting ang mga kwneto ni tokaylier! :lol:
  • Ginataang_susoGinataang_suso AYAWAWAY PExer
    sabi ng mga mga nakakilala at umabot kay peliks bakat manalo ay meron daw siyang anghit o putok?

    kung ganun, ang mga anghel po pala ay may anghit o putok din? saan po ba eto mababasa?
  • TokayTokay Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TLG nakakatatlo ka na :lol:

    Ang sabi ni TLG
    TLG wrote: »
    Kung bata ka pa lang eh dinadala ka na ng tiwalag mong tatay sa mga pagsamba ng INC, bakit di ka naging INC at nakuha mo pang lumaking "katoliko"? :glee:

    Rhetorical question...Anyway...

    Teng hindi porke eh sumasamba ka sa Iglesia ni Cristo ay magiging ganap ka ng kaanib. Dalawang uri ang kaanib sa Iglesia ni Cristo.

    Una : Handog. kung ikaw ay ipinanganak na Iglesia ni Cristo. At pagsapit ng edad na may pang unawa ka na dadaan ka sa doktrina at pagkatapos ng pagsubok ikaw ay mababutismuhan.

    Ako, bagamat naging Iglesia ang aking Ama ay ipinanganak akong tewalag siya. Kaya hindi ako handog. Wala pa ako sa edad para doktrinahan noong isinasama ako ng aking Ama sa pagsamba. Bata pa ako kinuha na siya ni Lord.

    Pangalawa : Bunga. Kung ikaw ay ipinanganak na hindi Iglesia ni Cristo at dumaan sa doktrina, pagsubok at bautismo. Ako ay mapapabilang sa uring Bunga pagdating ng Araw.

    TLG wrote: »
    At bakit nakuha mo pang maging katulong sa kumbento habang lumalaki ka eh dinadala ka naman ng tatay mo sa mga pagsamba sa INC noong mga panahon na yun? :lol:

    Hindi impossible iyan dahil hindi naman aktibo ang pagsamba ko sa Iglesia ni Cristo mas aktibo ako sa mga gawain sa Kumbento.
  • Ginataang_susoGinataang_suso AYAWAWAY PExer
    u mean tokay, bunga ka? kinalburo o bubot? malamang kinalburo dahil parents ka sa debate eh!

    dagdag na q. bakit sa mga manalista, hindilang may ikapo, kundi meron ding opo! syanga po! oo nga po! totoo po!
  • TLGTLG The Dark Knight PExer
    Dahil nga sinungaling ang TS...hindi niya alam na nauna niyang nabanggit noon na dinadala siya ng kanyang ama sa mga pagsamba sa INC, kaya eto ang kwento niya ngayon..
    Tokay wrote: »
    Ang Ama ko ay minsang naging Iglesia ni Cristo ngunit ito ay naalis dahil sa pakikisama sa aking Ina na isang debotong katoliko, Kaya lumaki akong katoliko.

    Nagpasimula akong nagpadoktrina sa Iglesia ni Cristo noong kolehiyo pero iyon ay hindi natapos dahil sa maraming hadlang....

    Walang bahid experience sa INC noong mga panahong lumalaki siya :lol:
  • TokayTokay Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sabi ng mga mga nakakilala at umabot kay peliks bakat manalo ay meron daw siyang anghit o putok?

    kung ganun, ang mga anghel po pala ay may anghit o putok din? saan po ba eto mababasa?
    u mean tokay, bunga ka? kinalburo o bubot? malamang kinalburo dahil parents ka sa debate eh!

    dagdag na q. bakit sa mga manalista, hindilang may ikapo, kundi meron ding opo! syanga po! oo nga po! totoo po!

    Ang layunin ng Thread ay para ituwid ang mga MISINFORMATION NG MGA TAO SA IGLESIA NI CRISTO. Hindi para ituwid ang mga [email protected] na dulot ng pagiging tambay. :lol:

    A piece of advice, dapat sa mental ka magtanong para mabigyan ka ng lunas.
  • Ginataang_susoGinataang_suso AYAWAWAY PExer
    Tokay wrote: »
    Ang layunin ng Thread ay para ituwid ang mga MISINFORMATION NG MGA TAO SA IGLESIA NI CRISTO. Hindi para ituwid ang mga [email protected] na dulot ng pagiging tambay. :lol:

    A piece of advice, dapat sa mental ka magtanong para mabigyan ka ng lunas.

    e tokay yan nga kalibre ng mga tanong ng mga fullbright scholar gradweyt e.

    saka yung mga sagot mo naman karaniwan kweng-kweng.

    gusto mo debate tayo at eto ang paksa?

    BIBILICAL BA ANG KAPRITSO PARA DAHILAN NA UMAYAW SA DEBATE?
  • TokayTokay Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TLG wrote: »
    Dahil nga sinungaling ang TS...hindi niya alam na nauna niyang nabanggit noon na dinadala siya ng kanyang ama sa mga pagsamba sa INC, kaya eto ang kwento niya ngayon..

    Walang bahid experience sa INC noong mga panahong lumalaki siya :lol:

    Anga [email protected] mo TLG hindi kasama sa scope ko dito :lol:

    Marami pa akong naiisip na dapat mabigyan ng pansin dito....
  • jagarugajagaruga Member PExer
    Maganda itong thread na ito. Sige, ang question ko. May creed ba ang INC kung saan nakasaad ang mga pinaniniwalaan niyo?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file