Home PEx Relationships Love - Dilemmas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Friends over me?

Short kwento lang bout what happened today.

5 years na kami ni BF, 3 yrs lived in. Kasama ko rin sya sa office. Im sure nagkakasawaan narin. Almost 24/7 na kami magkasama.

Lately napapansin ko sa kanya. Naging active na sya sa sports every week, may game sya. Pero morning naman un then sa gabi naman kami na magkasama. Tonight Rest day uli namin, may gala sya w/ old friends na friend ko din. Una niyayaya nya ko sumama, I declined kc inuman un at hindi ako umiinom and it seems na hindi ko rin maeenjoy.

Ngayon, Question lang. May karapatan bakong magtampo sa kanya. Kasi feeling ko hindi sya nabobother iwan ako mag isa for the sake ng gala nila. Na okay lang sknya iwan ako magisa na walang kasama sa bahay. Masyado lang ba ko selfish.?

Nahurt lang ako sa sinabi na nya "Hindi magkadikit bituka naten hayaan mo naman ako lumabas." Minsan lang naman un. Minsan nga pero everyweek naman *** game nila. Huhu. Pag ako daw kasi may gala ok lang sa kanya. Pero *** mga gala ko naman kasi na yun hindi sya naiiwan sa bahay. Mahal pa ba nya ko? Or nagsasawa lang sya na ako lagi kasama nya. Huhu, Ako kasi hindi ako nagsasawa kahit sya lagi kasama ko :(. Inaalala ko sya lagi, pag mag isa sya sa house namin d nako naalis.

Any reactions? Ok lang kahit harsh matauhan lang ako, :)
«1

Comments

  • chinito102chinito102 PEx Rookie ⭐
    dont make things complicated. it is just a matter of having a good conversation. be open to him and let him know your thoughts and feelings that way, he will be aware. sometimes kasi we tend to take things for granted what we have around us specially if they become part of our routine. malay mo he may share same sentiments kaya ganun ang nagiging outlet niya sa boredom di ba?
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    "May karapatan bakong magtampo sa kanya." - Meron. Feelings mo yan. Kung nakakatampo para sa iyo yung ginagawa nya, di magtampo ka!

    Ang mas magandang tanong - "Nasa lugar ba yung pagtatampo mo?" - Ang sagot dyan, WALA SA LUGAR! Anong tingin mo dun sa BF mo? Pag-aari mo? Walang sariling isip? Bawal maka-experience ng mga bagay kung wala ka?

    Bakit ka mag-iisa sa bahay? Bakit hindi ka gumala? Bumisita sa magulang mo. Lumabas kasama ng mga kaibigan mo. Kailangan talaga magmukmok sa bahay para masabi mong pinabayaan kang nagiisa dun? WTF!

    Alam mo na palang nagkakasawaan na kayo, hindi ka pa gumawa ng mga bagong bagay para mawala yung pagkakasawaan nyo! Aba'y galaw galaw ate! Gawa gawa ng paraan para maging masigla ang relasyon.
  • Mas attracted ako sa girls na independent. Nakakasakal yung gusto ako ang lageng kasama.

    Hindi naman necessarily nagsasawa na siya sayo. Dapat soguro maghanap k rin ng sariling lakad mo:naughty:
  • Thank you Nils, Naliwanagan ako sa Reply mo.

    Siguro bored lang ako pag wala sya. E pano may allergy ako pano ako makakalabas. Huhu!
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sus napaka dali nito...

    pm ka lang kung kelan wala si bf..

    mag bible study tayo sa tinitirhan nyo para di ka naman nabobored...

    oks ba? wait ko pm mo.
  • Sey_eLLeSey_eLLe PEx Veteran ⭐⭐
    Araw-araw na nga kayo magkasama pati ba naman sa lakad niya gagawin mo pang issue.. yan ang isang reason why men tend to look at other women na nakikitaan nila ng something new from what they're used to especially pag nagiging clingy chik nila..if you continue with that attitude di na ako magtataka kung di magwork relationship niyo.. the routine..5years ba naman.. another 3 of that papunta na yan sa boredom.. wala ng excitement lalo na pag nagiging madrama pa with mundane issues..

    if you become too dependent on your guy, expect mo na lang na magsasawa yan sayo.. he wont have something new to look forward to pag ganyang pagmumukha ng isa't isa nakikita niyo, day in day out.. if ikaw di ka pa nagsasawa, don't expect it's the same for him.. tama naman siya eh, hindi magkadikit bituka niyo.. kahit nagsasama na kayo, may kanya kanyang buhay pa rin kayo to live apart from each other kase you're 2 different individuals.. so try to live yours..
  • Hi Sitty!!

    If I were you, I wouldn't be mad at him for trying to unwind with his friends.

    When I was younger, I was just like you..I felt that the world should just revolved around me and my boyfriend, so we broke up because I was such a nagger puzzy GF who wanted my BF to spend all his time with me... I was a monster GF, yes you are a monster GF.

    I've changed because I read from a relationship book, that it shouldn't be that way.

    You and your BF (even after getting married) should spend quality time with other people, it is a NEED, it is Necessary for your own sake, to stay sane, and for a healthier relationship.

    Because spending time with other people especially your friends, helps you to grow us a person, helps you to be happier as you use it as an outlet to relieve stress and discomforts as you face life/relationship difficulties..

    It also gives you the opportunity to miss your partner, and gives the window to look forward to be with him/her again.

    Isn't that beautiful?


    So, my present BF now enjoys quality time with his friends just as much as he would like to.. and I do the same.
  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Been there done that.

    Don't kasi get too clingy. Nagiging boring. Any relationship you have to keep a piece of yourself otherwise, well, it'll feel smothering.

    Kahit mga lalaki become like that, we become lazy kaya when he gets in that lull, force him to go around and even if it's just a few hours away every two days, tell him you and him need to do something besides looking at each other. Kick him out if you have to. :glee:

    It'll save your relationship.

    As for you, find your own hobbies and find your own friends.

    Gym ka, sasarap ng feeling mo, gaganda pa katawan mo.

    :glee:
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    too much of something is suffocating 'ika nga.

    malapit-lapit na siyang mag overheat o baka nag overheat na siya.

    what he's doing now is even helpful to your relationship. 'yang mga pagiging aktibo niya sa sports at paki mingle sa ilang friends lately, puwede rin consider as 'vent' or outlet sa kanyang pag overheat. 'di ba?

    puwede naman kayo pa rin, tuloy pa rin ang relationship ninyo.. pero bigyan mo naman siya ng chance mag grow. mag expand ang social life niya, sports, hobbies.. puwede nga idagdag graduate studies eh, kung tutuusin.

    medyo bawasan mo pagiging needy, clingy.. mabuti pa, mag aral ka ng mga karagdagang teknik at kaalaman sa kama. :rotfl:

    magdagdag ka ng kaunting spice, giling-ipit, acrobatics :lol: kaysa maging worried. ang tao naman kung aalis, aalis wala ka magagawa. just try your best.
  • peasantpeasant PEx Veteran ⭐⭐
    hinahanap mo sarili mo sa kanya eh. kung ano ang mga ginagawa mo, para sayo yun lang ang way ng pagpapakita ng love

    eh ang kaso magkaiba kayo, magkakaiba ang tao.
  • Clingy = needy = desperate = low value

    That is how guys will see you if you continue to act that way or get worse.
  • sitty wrote: »
    Thank you Nils, Naliwanagan ako sa Reply mo.

    Siguro bored lang ako pag wala sya. E pano may allergy ako pano ako makakalabas. Huhu!

    Maghanap ka rin ng sarili mong libangan. Kung ayaw mo lumabas e di maghanap ka ng gawain sa loob lamang ng tahanan.

    Isip-isip ka naman 'pag may time.... :glee:
  • blue_acidblue_acid PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS, you are suffocating your hubby!

    My husband and I have our own friends that we can see together or without each other. We spend most of our time together but there is no issue if we want to be alone or spend time with friends.

    It doesn't mean when you are married that you guys are tied at the hip.
  • You know it is either the ts is paranoid immature or it's woman's intuition kicking in:glee:
  • blue_acidblue_acid PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ She sounds paranoid to me :glee:

    From one woman to another, chill babe!
  • JoBoy08JoBoy08 PEx Veteran ⭐⭐
    teka, alam ba ng bf mo na pexer ka?
  • Sey_eLLeSey_eLLe PEx Veteran ⭐⭐
    ^^Definitely paranoid! :lol: and clingy.. yung mga previous threads niya ganun at ganun pa rin puno't dulo, it all boils down sa pagiging paranoid.. needy.. clingy.. no sense of independence from her partner... The usual immature attitude and downfall of many women saying "ganun ako sa kanya eh, dapat ganon din siya saken".. may condition pa talaga :lol:

    So many women fail to realize that being so predictable, so dependent on the guy on almost everything, being helpless even when she can very well do things on her own, nagpapa baby lang or nagpapaimportansiya (ok lang naman sana kung di nagiging habit ) nagtatantrum, hanap away para mapansin at nagpapasuyo pa... Too much drama sucks! Eventually magsasawa at magsasawa din partner.. lalake pa.. they get bored easily.. at pag hiniwalayan si babae, dadrama ulit.. :lol: hopeless!

    the cycle goes on.. so unless si TS mismo marealize niya yan (deep inside alam naman yata niya na ang BABAW ng mga nagiging dahilan ng pinoproblema niya) mauuwi at mauuwi din sa hiwalayan yan.. tatagal ulit pag nagka baby, panibagong prob ulit but unless magbago attitude, same ending pa rin.
  • blue_acid wrote: »
    ^ She sounds paranoid to me :glee:

    From one woman to another, chill babe!

    Live in na sila eh. I wont be surprised if bf indeed has started to take her for granted. No more challenge.

    So i think this could be an early wake up call sa ts. IF babanjing banjing sya sa pag hande ng bf niya baka next na gawen ng bf eh pati sa gabi magbabasketball sya, to shoot and score lololololol

    Ang guy kasi mag eeffort yan iparamdam sayo na special ka. Kung wala siang nakukuhang signal, baka talagang low batt na ang relationship nila dahil ala ng gana si bf. Lololol.

    Ts, pasexy ka.:lol: baka di ka na nagaayos.
  • Sey_eLLeSey_eLLe PEx Veteran ⭐⭐
    ^ Wala na nga challenge, nang aaway pa kaya mas lalong gustong lumabas ng bf niyan para makahinga.. :naughty3:
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sitty wrote: »
    Short kwento lang bout what happened today.

    5 years na kami ni BF, 3 yrs lived in. Kasama ko rin sya sa office. Im sure nagkakasawaan narin. Almost 24/7 na kami magkasama.

    Lately napapansin ko sa kanya. Naging active na sya sa sports every week, may game sya. Pero morning naman un then sa gabi naman kami na magkasama. Tonight Rest day uli namin, may gala sya w/ old friends na friend ko din. Una niyayaya nya ko sumama, I declined kc inuman un at hindi ako umiinom and it seems na hindi ko rin maeenjoy.

    Ngayon, Question lang. May karapatan bakong magtampo sa kanya. Kasi feeling ko hindi sya nabobother iwan ako mag isa for the sake ng gala nila. Na okay lang sknya iwan ako magisa na walang kasama sa bahay. Masyado lang ba ko selfish.?

    Nahurt lang ako sa sinabi na nya "Hindi magkadikit bituka naten hayaan mo naman ako lumabas." Minsan lang naman un. Minsan nga pero everyweek naman *** game nila. Huhu. Pag ako daw kasi may gala ok lang sa kanya. Pero *** mga gala ko naman kasi na yun hindi sya naiiwan sa bahay. Mahal pa ba nya ko? Or nagsasawa lang sya na ako lagi kasama nya. Huhu, Ako kasi hindi ako nagsasawa kahit sya lagi kasama ko :(. Inaalala ko sya lagi, pag mag isa sya sa house namin d nako naalis.

    Any reactions? Ok lang kahit harsh matauhan lang ako, :)
    Post ka naman ng pics para malaman namin kung sino talaga nagsasabi ng totoo, ikaw or yang boyfriend mo. Haha :bop:
Sign In or Register to comment.