Owner Type Jeep Maintenance Tips — PinoyExchange

Owner Type Jeep Maintenance Tips

Hi guys! Curious lang ako kung sino satin dito ang may owner type jeep pa? Yung lolo ko may stainless steel owner type jeep sya na custom built, pero parang ang daming problema. Nagbabara pag di ginagamit, humihina ang menor, at marami pang iba.

Ang OTJ na ito ay manual transmission hanggang 5th shift, at may 4K gasoline engine.

Gusto ko kasing idrive yun ng malayuan. So far pinakamalayong trip nito eh from Valenzuela to Hagonoy, Bulacan.

Ang sabi ng lolo ko, hindi pwede itong dalhin sa Baguio. Hindi nya din inaadvise na dalhin ko to sa Clark, Pampanga, sa pangambang baka tumirik or magkatrouble.

Gusto ko sana humingi ng payo sainyo kung may marerecommend kayong maalam talaga sa owner type jeep, or remedies sa mga problema nitong sasakyan.

Thanks in advance, at sana may magreply. :)

Comments

  • Palagay mo nang nasa condition ang makina at mahusay ang preno. Ano ba ang owner jeepney: walang airbags, walang ABS brakes, walang seatbelt, walang stability control. Samakatuwid kung maka-head-on mo ang isang provincial bus sa makitid na daan paakyat ng bundok - tiyak na tepok ka. Kung tutuusin, BASURA ang owner jeepney na iyan sa larangan ng kaligtasan!

    May death wish ka kaya? :glee:
  • ibenta na ninyo yan. it's a travelling coffin. during my childhood, dalawang kamag-anak ko sa father-side ang namatay dahil nabangga yung mga owner-type jeep na minaneho nila. imo, get a real passenger vehicle - a sedan or an suv or a van with standard safety features para kung maaksidente ka man, may laban ka pang mabuhay.
  • Yun nga din siguro point nila nuh, kaso etong lolo ko eh idol talaga si FPJ. Pangalawang owner na namin to, nacarnap kasi yung una.
  • fattyacid wrote: »
    ibenta na ninyo yan. it's a travelling coffin. during my childhood, dalawang kamag-anak ko sa father-side ang namatay dahil nabangga yung mga owner-type jeep na minaneho nila. imo, get a real passenger vehicle - a sedan or an suv or a van with standard safety features para kung maaksidente ka man, may laban ka pang mabuhay.

    Di ko din kasi maipagkakaila sa inyo na naastigan talaga ako pag owner ang minamaneho ko. Hipster kumbaga. Kukuha din ako ng kotse, pag 6 digits na sweldo ko. Hahaha. Isa pang problema ang bumili ng sasakyan kung wala namang pang maintain. Salamat sa mga payo nyo!
  • Gamitin mo na lang iyong owner-jeep sa tabi-tabi. Pero huwag mo dadalhin sa highway o pangmalayuan kung wala kang balak magpakamatay.

    Magastos talaga ang may sasakyan. Kung wala kang pera mamasahe ka na lang.... :glee:
  • werewolfe
    werewolfe Live for nothing
    May advantage din naman ang owner type jeep tulad ng less maintenance. Walang mga hightech sensors yan na kailangan mong palitan, Kahit saan pwede mong ipark hindi katulad ng coche na matatakot kang magasgasan. kapag nagkatrouble yan madaling madiagnose dahil basic lang construction ng mga system nyan.

    Alagaan mo lang mabuti ang brake system at underchasis parts nyan para kahit paano safe ka. Wag ka na lang magpatakbo ng mabilis kapag otj gamit mo. http://carsandknowledge.blogspot.com/
  • Kung bibili po ng Owner type Jeep pano po makakasiguro sa kaledad???

    Gusto ko po sana bumili pang service ng mga bata sa school.

    Salamat po
  • The owner type jeep is the Philippine version of a kit car found in other countries.

    http://www.topgear.com.ph/features/feature-articles/believe-it-or-not-there-s-a-stainless-steel-owner-type-jeep-in-canada

    I actually love the old 4K, you can make it quick (not fast but quick) for real cheap. Remove the fan and you can make it sound lumpy like an old-school dragster.
  • meron sa goods.ph car vacuum cleaner mura lang nakita ko kanina. meron pala silang car accessories.
  • AbulugAdventure
    AbulugAdventure Fate Harlaown's husband
    Isa pa, pwera na lang siguro kung stainless yan, ay huwag mong patatagalin na malapit sa dalampasigan ang owner mo at mabilis yang kakalawangin.
  • mars11
    mars11 引きこもり
    my brother owns one, it was from our lolo. made back in the early '70s. still runs, he changed and updated some parts and stuff on it.
Sign In or Register to comment.