Home PEx Family and Society Family, Friends and Society
Ho-Ho-Hope you have a holly jolly holidays, PExers! 🎅

PINALO ka na ba?

Questions tungkol sa paluan. haha
Palo.jpg

1) Napalo ka na ba? :flog:

2) Napalo ka ba ng tatay mo?

3) Napalo ka ba ng nanay mo?

4) Napalo ka ba ng matandang kamag anak mo? (grandparents, uncles, kuyas etc)

5) Napalo ka na ba ng asawa mo?

6) Napalo ka na ba ng kaibigan mo?

7) Napalo ka na ba ng titser mo? :bounce2:

8) Napalo ka na ba ng amo mo?

9) Namalo ka na ba?

10) Kumakain ka ba ng Pamelo?

:rotflmao: :bop: :bash: *poke* :whip:

Comments

  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    lagi akong pinapalo nung bata pa ako.. mahirap daw akong alagaan, parang kalabaw .. Laro lang ako ng laro , lagi akong tumatakas para lang makipag laro .. Hindi naman ako pala sagot na bata, gusto ko lang yung nagtatatakbo ako maghapon :D Malalakas ang palo sa kin gamit yung tsinelas ni Papa.. Pero kahit malakas ang mga palo, hindi ako umiiyak. Tinitiis ko yung palo , tapos tumitigil na si Papa, ewan ko baka naawa sakin :D

    Yung sa helper naman namin dati, mental torture ako dun kase lagi akong iniiwan sa loob ng bahay kapag wala parents ko.. Kinukulong ako sa kwarto tapos sinasabihan may multo daw tapos iiwan na nya ako sa bahay at makikipag date na dun sa boyfriend nya na driver sa palengke..

    aww , pag naaalala ko ito, na sesenti aketch :lol:
  • peasantpeasant PEx Veteran ⭐⭐
    hay naku ako rin punching bag ng yaya ko dati. pamalo nya pa yung walis tambo tapos kapag iiyak ako mas lalo nya pa akong papaaluin. takot kasi sya marinig ng kapitbahay naming at isumbong sa parents ko. ako naman si sunod, na master ko tuloy ang pag iyak ng walang tunog :rotflmao:
  • hardrivehardrive PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sigh lalabas na naman mnga kalokohan ko nito
    Pinalo ako ng titser ko noon grade 2 ata ako noon
    Kinuha ko panty ng titser sa sampayan nilagyan ko ng sili hehehehhe
  • mtynee_13mtynee_13 PEx Rookie ⭐
    ^ kaloko talaga nitong si hd :rotflmao:

    napalo na den ako nung bata ng parents ko pero hindi ko na maalala kung bakit :bop:

    napalo ako ni teacher nung HS ako sa palad ng ruler niyang Tigas ang pangalan kase wala akong book sa Filipino... pinahiram ko kase sa kabilang section yung book ko e hindi na naibalik bago magFilipino time, pinahiram naman ako ng kaklase ko e nung hinanap naman ni teacher yung book niya sinabi niya nasa akin, ayun nilahad ko na yung palad ko. :D
    birthday ko pa naman nun :lol:
  • hardrivehardrive PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Lintik lang walang ganti
    Kahit pa teacher gagantihan ko ah ahahhah
    Lahat na atang kalokohan nagawa ko na hahahahha
  • mcsteamy17mcsteamy17 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nakikiliti ako kapag pinapalo ako ni Mahal...










    Damang-dama ko ang gigil niya... ...aaahhhh... :dizzy:
  • mochannemochanne PEx Influencer ⭐⭐⭐
    napalo nako ng nanay ko ng sinturon at walis pero di ko makakalimutan yung kinurot kami sa singit ng mga kaklase ko ng titser ko nung grade 4 :bop:
  • ako rin napalona ng nanay ko at taty ko pero nalaman ko na puede ring disiplinahin ang isang bata na hindi na kailngang paluin. hindi dapat pinauuso ang palo kailangan sundin tayo ng mga anak natin hindi dahil sa takot kundi sumunod sila dahil naunawaan nila sa atin na dapat tayong sundin. para sa akin ang pagpalo ay shortcut ng magulang para matigil na lang ang anak pero kadalasan hindi nauunawaan ng bata kung bakit sila dapat paluin.
  • Zep_TepiZep_Tepi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Questions tungkol sa paluan. haha
    http://4.bp.blogspot.com/-9YAlA4JW60A/UavdDX9TuOI/AAAAAAAAA5A/tJR96NVGpM0/s1600/Palo.jpg

    1) Napalo ka na ba? :flog:

    2) Napalo ka ba ng tatay mo?

    3) Napalo ka ba ng nanay mo?

    4) Napalo ka ba ng matandang kamag anak mo? (grandparents, uncles, kuyas etc)

    5) Napalo ka na ba ng asawa mo?

    6) Napalo ka na ba ng kaibigan mo?

    7) Napalo ka na ba ng titser mo? :bounce2:

    8) Napalo ka na ba ng amo mo?

    9) Namalo ka na ba?

    10) Kumakain ka ba ng Pamelo?

    :rotflmao: :bop: :bash: *poke* :whip:


    1. Yes. Twice.

    2. No

    3. Yes

    4. My grandma. Once.

    5. haha no

    6. Heck no lol

    7. No. I was a good student :D

    8. No.

    9. Nang aso at pusa yes. pero mahina lang :lol:

    10. Yes
  • Napalo na. But not like the way Christian slapped Anastasia. :rotfl:
  • Amusedme124Amusedme124 PEx Rookie ⭐
    Grade 2 - pinalo ako ng teacher ko kasi ginamit ko ang surname ng stepdad ko :lol:

    Age 12 - pinalo ako ni kuya dahil tinakas ko ang bike niya :lol:

    Medyo nagdadalaga - nasermonan na nga ako pinalo pa ako ng nanay ko ng alpombra dahil... yun ata yung time na nagloko sa school :rotflmao:
Sign In or Register to comment.