Home PEx Relationships Love - Dilemmas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Preparing for your future vs helping a family member

My parents are blue collar workers earning minimum wage. Okay naman buhay namin dati, nakatira naman kami sa isang disenteng lugar at nakapag aral naman ako sa private school from HS to College. Yung father ko nagtayo ng maliit na negosyo 21 years ago. Nag start sa maliit hanggang sa naging supplier ng isang department store. Nung nakatapos ako ng college, nag resign na sya para mag concentrate sa business nya. So dun na nagsimula ang problema.

Unti unting humina ang negosyo ng father ko, gawa na rin siguro na mas maraming gawang china na katapat ng products nya. Nung una, nagpoprovide pa sya para samin tapos dumalang hanggang sa ngayon, na wala na talagang nabibigay. So bali mother ko na lang ang bread winner. Ako naman, bumukod na at dumadalaw na lang sa kanila. Nagbibigay rin naman ako, though hindi kalakihan kasi nga maliit lang din sweldo ko.

Dahil nga mahina ang benta pero di naman pwede ihinto ang production, nangutang sya dun sa malalaki ang tubo. Kasi nga wala naman kaming property na pwedeng I collateral. Umikot ng umikot ang mga utang nya. Nagkapatung patong na bayarin nya. Tingin ko nga ngayon, insolvent na ang business nya pero pilit pa rin nyang sinusurvive. Ayaw daw nya mawalan ng trabaho.

Kaya ko naman tulungan ang father ko kahit papano kaya lang parang nahihirapan ako tanggapin kasi marami akong plano.

Una gusto ko pag ipunan yung pagpapagawa ng bahay sa nabili kong lupa, para di na sila mangupahan pag nag retire na si mother. By the way, may homestead patent yung lot kaya hindi ko maiaaply ng housing loan. Kaya kailangan ko pag ipunan talaga kung ipapagawa ko.


Tapos syempre kailangan ko mag prepare para sa retirement ko. Aminin ko medyo nagging magastos ako dati. Ngayon I'm nearing 30's, natauhan ako na kailangan ko pala mag save at mag prepare sa pagtanda ko. Ngayon emergency fund pa lang nabubuo ko.

At ang pinaka mabigat na dahilan kasi masama ang loob ko sa kanya. Kasi may mistress sya at yun ang kasa-kasama nya sa negosyo nya. Ang alam lang namin, may “commission” ito sa mga sales ng business ni father. But who knows di ba? Ni minsan di ako tinuruan ng tatay ko tungkol sa negosyo nya. Iniisip ko baka ayaw mabuko kung ano man yung sikreto nila.

Ang sama lang sa pakiramdam na parang yung mga pinaghirapan ko mapupunta lang sa wala. Indirectly, mapupunta lang dun sa mistess ng papa ko. Kasi parang sya lang halos nakikinabang eh.

Pero pag hindi ko naman ginawa yun, para namang ang sama kong anak. Ako lang kasi ang anak nila kaya ako lang din ang pwede tumulong sa kanya.

Ayun. Ano po ba magandang gawin?
«1

Comments

  • MJR_advocateMJR_advocate PEx Influencer ⭐⭐⭐
    My father once told me, "Kapag ang negosyo hinaluan ng kalokohan, mababankrupt yan." Not only 10 businessmen ang kilala kong bumagsak ang negosyo dahil isinama nya sa negosyo ang kabit nya. I know someone who used to own more than 30 delivery vans in a city, may mga "scholars" (you know what I mean) sya before, but now?,he can't even provide a decent shelter for his family. Sabihin mo yan sa father mo at baka matauhan.

    Nobody's perfect. Everyone commits mistakes in his life. You owe a lot to your parents. They shaped a big part of who you are today. All you need to do right now is to stay kind to him, and open your mouth and start talking. That's your only choice.

    You're a good child. You can deeply touch your father's heart. Talk.
  • Walang utang ang anak sa ama. Hindi pinili ng anak na isilang sa mundo. Kung anuman ang nais mong tulong sa tatay mo ay dapat bukal lang sa loob mo.

    May kasabihan sa Inggles, "ang kawang-gawa dapat magsimula sa sariling tahanan." Ibig sabihin tulungan mo muna ang sarili mo bago ang iba.... :glee:
  • You owe a lot to your parents.

    Eto ang isa sa mga sablay na pag-iisip kung bakit walang asenso ang Pilipino.... :glee:
  • MJR_advocateMJR_advocate PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Eto ang isa sa mga sablay na pag-iisip kung bakit walang asenso ang Pilipino.... :glee:

    Yan ay kung literal ang pagkaintindi mo sa sinabi ko. Maraming pinoy na tumanaw ng utang na loob sa mga magulang nila at umasenso.
  • Maraming pinoy na tumanaw ng utang na loob sa mga magulang nila at umasenso.

    Ayon sa Sampung Kautusan: "Parangalan ang iyong tatay at nanay."

    Walang nakasaad na SUKLIAN ang iyong tatay at nanay" :glee:
  • pwinsesapwinsesa PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sabi nga ni Lialhati Bautista sa dekada '70
    'ang inyonb anak ay hindi ninyo anak, sila ay anak ng buhay. hindi nyo sila pag-aari.' something like that 😅

    Hindi natin obligasyon ibalik sa magulang natin kung ano ang ginawa nila para sa atin, dahil kelan nga ba natatapos dapat ang utang na loob sa magulang?

    yung pagbibigay sa kanila ngayon na tayo na ang may kakayahan, nasa sa atin yun, pero dito magrereflect kung pano ka pinalaki ng magulang, at sa malamang dito din magsisimula kung sa anong paniniwala mo huhubugin ang pamilya mo in the future.

    yung pera na pwede natin itulong sa kanila, once na binitiwan natin, wala na tayong hold dun. pero it's worth the try to talk to your father what you want him to do with the money.
  • MJR_advocateMJR_advocate PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang pagtanaw ng utang na loob sa magulang ay tanda at pagpapakita ng pagmamahal sa magulang sa kulturang Pinoy, at hindi tipikal na creditor-debtor relationship.

    "Parangalan" - Hindi kasingkahulugan ng "suklian", hindi rin kasingkahulugan ng "pagmamahal". Kung dapat ay laging literal na kahulugan ang sundin, hindi ako magtataka kung ang iba hindi mahal ang mga magulang nila.
  • Ang pagtanaw ng utang na loob sa magulang ay tanda at pagpapakita ng pagmamahal sa magulang sa kulturang Pinoy, at hindi tipikal na creditor-debtor relationship.

    Kaya SABLAY ang kulturang Pilipino ... lahat pabigat at palamunin. Walang asenso ang lipunang Pilipino.... :glee:
  • zgmf_x20Azgmf_x20A PEx Influencer ⭐⭐⭐
    dapat tumulong pero at the same time dapat maghanda ka din sa kinabukasan mo....
    hindi dapat 100% ang tulong na ibibigay mo. may buhay ka din kung sila nga nagpamilya tatanggalan ka nila ng ganung karapatan papayag ka ba?
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    you can do both.. di naman kailangan financial ang tulong sa mga magulang eh... pwede namang information or opportunities..
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dun ka sa nanay mo magbigay ng pera. Huwag sa tatay mo kung nakikita mong sa kabit naman pumupunta ang ibinibigay mo.
  • Kent_210Kent_210 Member PEx Guru 🎖️🎖️
    Kung hindi naman nanghihingi ng pera ang tatay mo, eh di hayaan mo siya, wag mong bigyan.

    Yung issue niya about "mistress", silang dalawa ng nanay mo ang makaka solve niyan. For me lang ha? Mahirap manggaling sa anak ang advice.

    Buti malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo, may trabaho ka na. Wag ka na magpa apekto sa magulong buhay ng tatay mo.
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    para marealize ng tatay mo na mali ang pagkakaroon ng kabit, pumatol ka sa may asawa.. at ikwento mo sa tatay mo tuwing nagsesex kayo ng married guy.. kunwari hihingi ka ng advice.. ivideo mo na rin..
  • sentrysentry PEx Rookie ⭐
    Ang pagbibigay sa magulang, sa panlabas na anyo akala natin walang pagkakaiba ang bigay ni juan sa bigay ni pedro.

    pero kung treated ito as responsibility or gift, magiging iba ang kalalabasan nyan in the long run.

    it is easy to confuse responsibility and giving during times of plenty.

    in times of drought, dun pwedeng magkaproblema if ang pagtulong sa magulang ay naka-anchor sa idea of responsibility.
    - it can breed resentment on either or both side.
    - it can result to unwise giving (as against smart giving)
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    no wonder the business isnt doing well ...... monkey business pa la.
  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    . Sabihin mo yung mga iniisip at mga plano mo sa para sa kanila at sa sarili mo at sigurado akong maiintindihan lahat ng parents mo yun.. Mas nagkakaintindihan kapag nag uusap - usap ang pamilya;)
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ts... may sama ka ng loob tapos iniipsip mong tulungan? mag hunos dili ka nga ts.. pag may sama ka ng loob .. panindigan mo! send the message... kung gusto nila tulong mo... wag nilang pasamain loob mo.

    the mistress and the business... kung palugi naman yung business, bakit mo naman pagiinteresan... kung may pera ka sa business na yun... you still have the right to claim it.. so wag kang magalala kung saan babagsak yun... may mga batas na mas pabor sa anak lalo na kung may sarili ka pang perang nailagay dun.
  • paano po kaya ito

    may requirement yung dept store na sinusupplyan nya, kailangan ng malaking halaga or else ipapa pull out na mga products nya.. marami pa syang mga utang kasama na yung ni loan ko sa kanya dati. di sapat savings ko so kung tutulungan ko sya, kailangan ko umutang din.

    so bali dalawa option ko para tulungan sya, umutang ako para maproduce yung requirement ng dept store para di tapusin contract nya

    o hayaan ko na lang bumagsak business nya pero ako magbabayad ng ni loan nya sa pangalan ko? :(
  • SAMSAYSAMSAY PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Bat mo tutulungan ang business na wala nang patutunguhan?
    Parang suicide yan.
    Ikaw na din mismo nagsabi na napupunta sa wala ang tulong mo.

    Bakit hindi mo na lang hayaan bumagsak? Kung namatay ang negosyo edi kunin mo tatay mo. Or palamunin mo. Hindi mabigat sa budget. Wala pang sama ng loob at sumbat.

    Di porket hinahayaan mong madapa ang tatay mo masamang anak ka na. Hayaan mo matuto sya na may mali sa sistema nya.

    [#]GamitDinUtak[/#]
    [#]LearnFromExperienceAndMistakes[/#]
  • Isara na ang negosyong lugi .... kasi taong 2015 na ... :glee:
Sign In or Register to comment.