Home PEx Lifestyle Food and Drinks
Tip: Here's an Emoji Cheatsheet for your reference.

Mga pagkaing Pinoy na nawawala na

Alam nyo yung KALAMAY? Dati ito ang sikat na handa sa mga pasko. Ang mga Tinola ay pang-pasko lang. Dahil sa inintroduce sa atin ang iba't ibang paraan para gawing butones ang mga manok na ginagawa sa pabrika, kahit sino nakakapagluto na ng Tinola.

Paborito ito ni Pacman at ni Rizal.

Ang sa akin lang, marami ang mga nawawalang pagkaing Pinoy, mga hindi na ginagawa. Ano ang mga namimiss ninyo?

tumblr_lit89qh1tG1qa3rjbo1_500.png
Biglang pumasok sa isip ko ito. Gusto ko ito eh pero ngayon alam ko wala na akong makita.

:rotflmao:
Tapos mahal na ang mga pagkaing dati common like mga kalamay ube.

Comments

  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Rookie ⭐
    Rebisco (??? Not sure ha, I just haven't been in the PI in two decades).

    Ganda pala ng anak nung owner,

    :glee:
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Alam nyo yung KALAMAY? Dati ito ang sikat na handa sa mga pasko. Ang mga Tinola ay pang-pasko lang. Dahil sa inintroduce sa atin ang iba't ibang paraan para gawing butones ang mga manok na ginagawa sa pabrika, kahit sino nakakapagluto na ng Tinola.

    Paborito ito ni Pacman at ni Rizal.

    Ang sa akin lang, marami ang mga nawawalang pagkaing Pinoy, mga hindi na ginagawa. Ano ang mga namimiss ninyo?

    http://1.bp.blogspot.com/-j-NhYz3Hvw8/Tldg54MsuMI/AAAAAAAAAeM/7XpShMYPOFo/s1600/tumblr_lit89qh1tG1qa3rjbo1_500.png
    Biglang pumasok sa isip ko ito. Gusto ko ito eh pero ngayon alam ko wala na akong makita.

    :rotflmao:
    Tapos mahal na ang mga pagkaing dati common like mga kalamay ube.


    alam mo ang galeng mo dre!, kasi wala ng naglalagay masyado ng mga sinulid...gud at may isa pang masipag na tulad mo..kaya haping -hapi ako...kasi kapag wala akong deyt o walang makikilalang liligawan toh talamak ako sa pex...todo babad..okey balik tayo sa paksa...
    mahilig ako sa mga tsitserya..pero hindi ko na makita yun BINATOG at APULID..sa kamaynilaan..meron duon sa may Maharlika sa Baguio..pumupunta ako duon kapag nasa pinas ako at umakyat ng Baguio..Ang sarap yata non!:naughty: Yang KALAMAY yayainmo si Pakman dun sa Cainta at sa Los Banos sa Laguna..dami niyan dun...kapag nakakita ka ng apulid..kahit saan..sabihin mo saken..
  • calcifixcalcifix PEx Rookie ⭐
    mik-mik-celebpictu.-com.jpg

    Hay favorite ko talaga yan dati. Not sure if meron pa din nyan ngayon sa pinas.
  • BeerhandBopBeerhandBop PEx Influencer ⭐⭐⭐
    "Rebisco (??? Not sure ha, I just haven't been in the PI in two decades).

    Ganda pala ng anak nung owner,"


    still alive.. they now have a snack food company as well.

    forgot the name of the company and the name of the food.. but it's pretty good!
  • Vit@min_C[email protected]_C PEx Influencer ⭐⭐⭐
    meron pang mikmik.

    actually, sa mga super probinsya, meron pang mga sinaunang chichiria. :D

    --

    Ang wala na ata talaga ay yung "sangkaka".
  • calcifixcalcifix PEx Rookie ⭐
    meron pang mikmik.

    actually, sa mga super probinsya, meron pang mga sinaunang chichiria. :D

    --

    Ang wala na ata talaga ay yung "sangkaka".

    santa marya barbara, ano yang sangkaka? ginoogle ko at sa itsura nya parang lasang coco jam? hay sarap naman...
  • eh yung Nog Nog alam nyo?
    Hindi si Binay ha yung Chichiria na Nog Nog yung parang hotdog ata na tapos madaming cheese.
  • edfaj33edfaj33 PEx Veteran ⭐⭐
    Pag umuuwi tatay ko sa bicol, nakakabili pa naman sya nung sangkaka
  • ka_denizka_deniz PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi pa naman nawawala ang kalamay, halayang ube, at binatog. In fact commercialized na yan at meron na sa mga malls. Kakanin has adapted. Although bihira na ko makakita ng nilupak.

    Morcon nawawala na din. Konti na lang ang marunong gumawa. Kahit sa palengke, matador na mismo, mali na din ang alam nila.

    Hamonado, konti na rin ang gumagawa. Hindi ko na din nakikita sa mga handaan. Hindi yung parang adobo lang o kaya longganisa. Yung large meat rolls talaga.

    Kabeza de jabali, yan wala na talaga yan. Bata pa ko last i had it. Kahit ako nakalimutan ko na recipe niyan.

    Sopa de flan. Wala na din gumagawa although madali lang. Para ka lang gumawa ng lech3 flan na hindi matamis then nilagay mo sa chicken stock.

    Arroz valenciana. Masyado na ssikat ang paella. There was a time na kapag handaan may arroz valenciana. Then sometime in the 70s -80s it was disparaged as not being authentic. At there was paella craze. Everybody went paella. People forgot that arroz valenciana was not authentic spanish but authentic pinoy creollo food.

    Tocino del cielo. This is an old capampangan recipe. Parang pastillas but without milk. Its just sugar and egg yolks cooked slowly.
  • Vit@min_C[email protected]_C PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edfaj33 wrote: »
    Pag umuuwi tatay ko sa bicol, nakakabili pa naman sya nung sangkaka

    ay oo nga pala. "matamis na bao" lang ang tawag. :)

    --

    Yung minatamis na ubod ng niyog? napakasarap nito. :naughty:
Sign In or Register to comment.