Home PEx Lifestyle Home and Garden

Bank Finance Housing Loan

Hello po, may mga katanungan lang tungkol sa pagbili ng vacant lot thru bank financing, sana po matulungan nyo ako. May bibilhin po kasi akong bakanteng lupa at mag da down ako ng 50%, yung remaining sa bangko na lang. Ang purpose din po ng pagloan sa bank eh ma-ensure na hindi fake ang sale at titulo ng bahay.

1. Pag bank financing ba, paano po ang paglipat ng title sa name ko, banko na ba ang bahala pag fully paid na?
2. Mas safe po ba thru bank ang pagbili ng lupa dahil gumagawa sila ng sarili nilang checking sa validity ng title?


Maraming salamat po sa mga sasagot. God Bless.

Comments

  • 1. Depende sa bank, pero in my experience ako ang nag-asikaso na maglipat ng title under my name.
    2. Yes I think it's safer kasi nga nag-due diligence din sila sa lupa before they can approve the loan and mas kabisado nila kung ano ba talaga ang malinis na title like if there are encumbrances, sec 4 or 7 annotation etc.

    Also, wag ka muna mag-down hangga't wala ka pang feedback from the bank regarding the appraiser report.
  • imronnie wrote: »
    1. Depende sa bank, pero in my experience ako ang nag-asikaso na maglipat ng title under my name.

    Also, wag ka muna mag-down hangga't wala ka pang feedback from the bank regarding the appraiser report.

    Bakit po ganon, nakapangalan pa rin ba sa old owner, or sa bank na? Kung nakapangalan sa old owner, di ba kailangan pa yata ng signature nya sa ilang papeles?
  • It will be under your name. The bank will only release the loan proceeds to the seller once the title is under your name tapos maglalagay lang sila ng annotation sa title na naka-mortgage sa bank ang lupa.
  • Sensya na po medyo confused lang ako. Di ba dapat 'kaliwaan' ang bayaran, so paano papayag ang seller na ilipat ang titulo sa pangalan ko kung wala pang pera? At sabi nyo eh hindi ire-release ng banko ang pera kung hindi nakapangalan sa akin ang titulo? Parang chicken and egg dilemma yata.

    Gaano po katagal inabot ng paglakad nyo ng transfer ng title?
  • That's why mayroon contract to sell kung saan dun ilalagay lahat ng terms pati payment conditions. Like for us, nakalagay sa contract to sell na we should pay reservation fee and 20% downpayment and makakuha siya ng letter of guarantee ng bank na siya magbabayad nung balance at a certain date based on certain conditions (including matransfer under your name yung title pati lahat ng tax declarations). Once makuha ni seller lahat ng ito, tsaka siya mag-execute ng deed of absolute sale tsaka ibigay na niya sa iyo yung title para mag-proceed ka na ng transfer ng TCT. Yung Contract to Sell at Letter of Guarantee from the bank ang panghahawakan ng seller.

    Around 1 month ang processing sa akin. Ako mismo naglakad at naghanap ng mga right people. Sad to say kahit against ako sa practice, wala akong nagawa kundi sumunod sa agos, unless willing akong maghintay ng 3 months, which I don't.

    I recommend na maghanap kayo ng agent na marunong sa process or hire a lawyer who knows what to do and how to guide you kasi madaming i-prepare. Swerte ako, alam ni seller yung process so ni-guide niya ako sa pagtransfer. Be patient in dealing with government offices.
  • imronnie wrote: »
    That's why mayroon contract to sell kung saan dun ilalagay lahat ng terms pati payment conditions. Like for us, nakalagay sa contract to sell na we should pay reservation fee and 20% downpayment and makakuha siya ng letter of guarantee ng bank na siya magbabayad nung balance at a certain date based on certain conditions (including matransfer under your name yung title pati lahat ng tax declarations). Once makuha ni seller lahat ng ito, tsaka siya mag-execute ng deed of absolute sale tsaka ibigay na niya sa iyo yung title para mag-proceed ka na ng transfer ng TCT. Yung Contract to Sell at Letter of Guarantee from the bank ang panghahawakan ng seller.

    Around 1 month ang processing sa akin. Ako mismo naglakad at naghanap ng mga right people. Sad to say kahit against ako sa practice, wala akong nagawa kundi sumunod sa agos, unless willing akong maghintay ng 3 months, which I don't.

    I recommend na maghanap kayo ng agent na marunong sa process or hire a lawyer who knows what to do and how to guide you kasi madaming i-prepare. Swerte ako, alam ni seller yung process so ni-guide niya ako sa pagtransfer. Be patient in dealing with government offices.

    Thank you, thank you po ng marami sa information. Really glad na nakita ko itong forum na to. Greatly appreciate na binanggit nyo yung Contract to Sell at Letter of Guarantee FROM THE BANK, dahil nagpalinaw na po ng konti sa proseso.

    Tagal pala kung normal, 3 months. Will check na lang sa bank kung sila na ang bahala sa pag transfer.

    Salamat po ulit. God bless.
  • Question, paano kapag biglang natigil ang construction ng condo/property tapos nakapagloan ka na sa bank and all, mababawi mo pa ba yung pera mo or sisingilin ka pa din ba ng bank? Diba dapat ang singilin na lang ng bank is yung developer? TIA
  • AnneleiaAnneleia PEx Veteran ⭐⭐
    lailav wrote: »
    Hello po, may mga katanungan lang tungkol sa pagbili ng vacant lot thru bank financing, sana po matulungan nyo ako. May bibilhin po kasi akong bakanteng lupa at mag da down ako ng 50%, yung remaining sa bangko na lang. Ang purpose din po ng pagloan sa bank eh ma-ensure na hindi fake ang sale at titulo ng bahay.

    1. Pag bank financing ba, paano po ang paglipat ng title sa name ko, banko na ba ang bahala pag fully paid na?
    2. Mas safe po ba thru bank ang pagbili ng lupa dahil gumagawa sila ng sarili nilang checking sa validity ng title?


    Maraming salamat po sa mga sasagot. God Bless.

    Hi! Sa PS Bank, sila na ang nagprocess ng transfer ng title ng binili naming h & l. Need mo lang itawag sa kanila na bigyan ka ng copy. Once meron na, either ipafax or iemail nila yun sa iyo. Regarding sa last question mo, tingin ko naman chinicheck nila yun ng mabuti. Nung nag-apply kasi kami, humingi sila ng copy ng titulo from developer, so siguro, chineck yung mabuti.
Sign In or Register to comment.