Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Pumipila Ka Ba Para sa NFA Rice?

Naalala ko yung friend ko na pinabili yung kasambahay niya sa retailer ng NFA rice. Kasama sa fringe benefit ng friend kong ito ang rice benefit kaya gayon na lang ang taka ng kanyang nanay ng madaanan ang kasambahay na nakapila sa bilihan ng NFA rice. Ang sabi ng kanyang nanay, "Inday bakit ka nakapila dyan, libre naman ang bigas nyo". Ang tugon ng kasambahay at sa malakas ng tinig, "si Koya kasi sabi bomili daw ako para sa mga aso". Kaya ganoon na lang ang embarassment ng nanay ng maglingunan sa kanila ang mga nakapila para sa naturang bigas.

Sa halagang P32 bawat kilo, malaking katipiran ito dahil ang katumbas nito sa kalidad ay P45/kilo sa commercial rice. Kung hindi man kayo, may kilala ba kayo ng personal na pumipila para sa NFA rice?

Comments

  • MaccieForeverMaccieForever PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ako pinapapila ako dati sa NFA rice pero libre yun. Yung bigay nya ay may mga halos mais at bato.

    Pero para sa mga doggies namin din yun :)
  • BubblesButtercupBubblesButtercup I Love Holly Golightly!!! PEx Expert 🎖️
    ayungin wrote: »
    Naalala ko yung friend ko na pinabili yung kasambahay niya sa retailer ng NFA rice. Kasama sa fringe benefit ng friend kong ito ang rice benefit kaya gayon na lang ang taka ng kanyang nanay ng madaanan ang kasambahay na nakapila sa bilihan ng NFA rice. Ang sabi ng kanyang nanay, "Inday bakit ka nakapila dyan, libre naman ang bigas nyo". Ang tugon ng kasambahay at sa malakas ng tinig, "si Koya kasi sabi bomili daw ako para sa mga aso". Kaya ganoon na lang ang embarassment ng nanay ng maglingunan sa kanila ang mga nakapila para sa naturang bigas.

    Sa halagang P32 bawat kilo, malaking katipiran ito dahil ang katumbas nito sa kalidad ay P45/kilo sa commercial rice. Kung hindi man kayo, may kilala ba kayo ng personal na pumipila para sa NFA rice?

    Grabe ang hard..... :lol:


    Nung si Erap pa ang presidente naaalala ko bumili mama ko nun dalawang kilo yata, di masarap, may something pa na amoy, kaya balik sa commercial rice.
  • westbound17westbound17 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nope, may rice allowance kami. In kind. :glee:
  • MaccieForeverMaccieForever PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ may rice subsidy din kasi sa company. 1 sack of rice... kaya lang cooked rice :P
  • 343014343014 PEx Rookie ⭐
    Hindi eh, at may rice allowance din kami haha! Kaya ayaw ko ng NFA rice kahit libre eh sobrang dumi madalas. Lahat naman halos ng pnprovide ng gobyerno eh sub standard.
Sign In or Register to comment.