Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Ang alamat ng nutribun

NeoDynNeoDyn PEx Influencer ⭐⭐⭐
Nutribun,Nutribun

nakasama ka sa aking kamusmusan.

Mga eskwela,ikaw lang ang kinakain

dahil yan lang ang inihahain.

Wala kaman lang kalasa-lasa

puno ka pa ng bukbok at lisa.

Baboy na alaga ni itay

sa iyo ay nabuhay.

Ngayon hinalukay kang muli

upang si erap ay mapuri?

At ano naman ang kanyang dahilan

baka porkbarrels ang iyong palaman?

ang nutribun!




Aber,bakit ibinabalik na naman ang nutribun?Source ba ng kaperahan na naman yan?


Ikaw kakainin mo ba ito?

Comments

  • etnabAxeRTetnabAxeRT PEx Rookie ⭐
    Panahon pa ng lolo't lola ko yan.
    Kayo lang ata ni tatang JUST_JT/The_Truther/suuiichi/baklita/djaynitor/my2cents ang nakaranas kumain nyan.


    #oldschool

    game.set.match

    :smokin:
  • gooseberrygooseberry 🐯 Tiger Squad🥈
    Nutritious bun from the Americans to the poor Filipinos.

    That's that.
  • hoy, hoy, hoy...inabot ko din ang nutribun. masarap ito kung mainit lalo na kung may palaman na star margarine. siguro sa las pinas kina neodyn eh puro bukbok ang nutribun nila pero sa pasig okay lang.

    pero madalas din eh pinapakain namin sa isda sa fishpond sa school.....kakataba ng isda doon.

    those were the days!!!!
  • fattyacidfattyacid 🐯 Tiger Squad🥈
    nung elementary ako, ewan ko kung same yung nutribun na tagpipiso (or libre sa mga studyanteng walang pera) na pinakain sa amin ni BF sa Marikina in the 90's sa nutribun na kinain ng mga lolo at lola pexers dito.

    ang masasabi ko lang ay pareho lang lasa ng nitribun na kinain namin sa mga monay na binebenta sa mga bakery. kaya mas prefer kong bilhin ay yung tagpipisong kalihim o pandecoco na madalas naman ay wala.

    pero buti na lang nakakabili kami ng tagpipisong pansit, spaghetti (na madalas ay puros banana ketchup at sibuyas), lugaw at champorado to eat with the nutribun. :p
  • 343014343014 PEx Rookie ⭐
    etnabAxeRT wrote: »
    Panahon pa ng lolo't lola ko yan.
    Kayo lang ata ni tatang JUST_JT/The_Truther/suuiichi/baklita/djaynitor/my2cents ang nakaranas kumain nyan.


    #oldschool

    game.set.match

    :smokin:

    Haha dami namang altnick pala niyang si the_truther! Matindi siguro pinagdadaanan niyan.
  • NeoDynNeoDyn PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hoy, hoy, hoy...inabot ko din ang nutribun. masarap ito kung mainit lalo na kung may palaman na star margarine. siguro sa las pinas kina neodyn eh puro bukbok ang nutribun nila pero sa pasig okay lang.

    pero madalas din eh pinapakain namin sa isda sa fishpond sa school.....kakataba ng isda doon.

    those were the days!!!!

    The reason bakit puno ng bukbok ang nutribun,yung mga nagrarasyon ng harina from US of A naiimbak ng sobra tagal sa bodega sa Las Pinas,at balahura to the highest level ang bakery na gumagawa nito kaya si bukbok naisasama sa pagpasok sa pugon kaya kapag kaming mga schoolers,parang kumakain ng kiwi o kaya dragon fruit:depressed:...pero impernes nakakatalino ang bukbokss:lol:

    Eh di lolols:naughty: ka na rin pala LP?


    Ba't till now wala pa ring makapagshare about the reason why those nutribun ay hinalukay ni Erap?

    Ano palaman ng nutribun na ito?
Sign In or Register to comment.